Chapter 31- Her Past [3]

186 2 0
                                    

CHAPTER 31

___________________

Krystal's POV

1 year later... Second Year High School

Hindi ako makapaniwala na second year high school na ako. Aaminin ko na last year ang pinakagusto kong taon dahil sa una kala ko magiging parehas lang ung taon katulad ng ibang mga taon na sa elementary pa ako pero hindi pala.

Nasanay akong makipagkaibigan sa ibang tao hindi palagi si Lance nalang palagi ang kasama ko. Nakakatuwa din isipin na dati palagi ako kasama sa mga away pero ngayon hindi na...dahil din siguro kay Nalie na puro buntot sakin haha.

Meron ding isa pa akong naging kaibigan, pangalan nya ay si Daniel, isa syang lalaking mahilig dalahin palagi ang camera nya haha ang wierd nga eh, palagi mo talaga syang makikita kasama ang kanyang camera pramis walang biro. At isa pa! pag nakita mo talaga sila ni Nalie na magkasama...nako...mapapatawa ka sa kakulitan nila haha, kahit saan hindi sila magkasundo, nagiging 2x ung ingay ni Nalie.

Basta ang alam ko pagkasama ko sila, masaya ako, kahit kakaiba para sakin ung mga ngumingiti at tumatawa sa harap ng ibang tao, nagagawa ko na..siguro dahil nahawaan nila ako(?) haha 

nandito nga pala ako sa classroom ngayon, nakatulala lang habang nakatitig sa view galing sa bintanang katabi ko dahil walang magawa.

*click*   May narnig akong click ng camera dahilan ng pagkatingin ko kay Daniel...bakit alam ko na kung sino? Obvious naman eh.

"Anong ginagawa mo hah?" Pangsusungit ko sakanya.

"haha chill naman krys, pinicturan lang naman kita eh haha ang ganda mo kasi pag nakangiti habang nakatulala haha" sabi ni Daniel. Bigla akong napatingin kay Nalie dahil sa sinabi sakin ni Daniel...haayy at eto nanaman si nguso haha ang cute lang eh noh, ganyan yan pagnagtatampo tsktsk, obvious naman kasi na may gusto sya kay Daniel, plus, inamin nya sakin hehe.

"Maganda ka dyan tsk! ilang beses ko na sasabihin sayo na 'wag mo akong tatawaging Krys!? Hindi bagay sakin! che." biglang talikod ko sakanya upang huwag syang pansinin. Haha kailangan kasi ganto ako pag pinupuri ako ni Daniel dahil magdradrama nanaman sakin ung babaeng yun kung bakit ganto ganyan blah blah, one time nga tinanong nya kung paano maging ako eh, baliw talaga kahit kailan.

Pero hindi ko naman masisi dahil siguro ung dahilan ay may gusto si Daniel sakin last year kaso binasted ko eh, nakakahiya nga sakanya dahil binigyan ko sya ng isang "Ayoko nga, tanungin mo nalang ako sa panaginip mo at bakasakaling umoo ako." may kasabay pang inis na muka sabay walkout. Ganto kasi yun bad day ako nung araw na yun at kala ko din ay binibiro nya ako hanggang sa nalaman kong seryoso pala sya. Pero hayaan nalang, masyado ng late pa para magsorry.

"okaayy? chill haha...So, Nalie libre mo ako?" --Daniel.

"che!" --Nalie sabay alis.

"wwhhhaaaatt? Ano nanaman ginawa ko? haay makisama na nga lang.. Daniel, che!" sabi nya sabay alis din. pfft baliw din talaga kahit kailan ung lalaking yun, dinedma ba naman ung sarili!? Pwede ba yun? hahaha ang lakas ng trip.

Alam nyo hindi na talaga ako magugulat kung sila man ang magkatulayan sa huli ahaha dahil...satin lang to ahh....hehe may hula ako ng may gusto lang si Daniel kay Nalie.. pero syempre hula ko lang yan...paano ko nasabi?? Haynako ang tanga nga eh palagi ko ba naman nahuhuling nakatingin kay Nalie tsktsk

At si Lance naman...ehem...nandoon sa canteen bumibili...yun lang ayoko ng magkwento na. Tapos. *blush*

kung gusto nyo, magtanong nalang kayo sa isang madaldal na manok baka sakaling sagutin kayo.

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon