_____________________________________CHAPTER 11
______________________________________
*Krystal's POV*
@Cruz Family's House.
Dumating na kami sa bahay nila at "WOW" gaano ba kayaman itong baklang toh? Hindi na ata bahay toh, mansion na sa laki...
Tinigil kami ng guard pero pinapasok na din. Grabe!
"Hoy John! hindi mo sinabing mayaman pala kayo!?"
"Hindi ka naman nagtatanong eh haha...Now, one last reminders. Act elegant, talk elegant, and if you're having trouble with their questions, just tap me and I'll answer the question myself. Ang gagawin mo lang ay duktungin ung mga sinasabi ko like it actually happened. Kailangan natin makumbinsi sila na girlfriend kita, do you understand?"--John.
"Yes! alam ko na okay? Kanina mo pa yan sinasabi eh..." yup kanina pa, habang nagdradrive sya. Nakakabingi na sa totoo lang tch!
"...Eh ikaw ba? ready ka na?"--Tanong ko.
"Syempre! I took acting classes for this!"
"smart."--ako.
"Thank you"
Bumaba na kami ng kotse at papunta na kami sa Front door. Putek halos kasing laki ng pintuan nila ang gate namin sa laki!
"Hold my hands" Bigla akong nakaramdam ng goosebump, first time ko marinig ung manly voice ni John grabe! What the heck!?
Sinunod ko sya at hinawakan ung kamay nya....
"Walangya ka! Ikaw nagsabing hawakan ko kamay mo, ikaw naman nangdidiri dyan!" Paano kasi, halatang -halata sa mukha nya na nangdidiri sya saken.
"John? iho!" napaiba agad ung mood namin ni John. Lover's mood.
"Manang Rosie!"
"Ikaw bata ka namiss kita! ang pogi-pogi parin haha...sya ba??" tanong ni Manang Rosie habang nakatingin saakin.
"Yes! The lucky girl who stole my heart haha" sabay akbay sakin. suus ang cheesy ahh pero nakangiti lang ako.
"Napakaganda mo iha"--sabi sakin ni manang.
"Marami pong salamat"--mahinhin na sabi ko habang binigyan ko sya ng matamis kong ngiti.
"osya, hinihintay na kayo ng magulang mo, John."--Manang Rosie.
Pumasok na din kami sa loob, ang laki! ang ganda! sila na! may malaki pa ngang chandelier, pero hindi ko pinahalata na sobrang amazed ako, part of the act kase. *sigh* kinakabahan talaga ako.
"Anak!" salubong samin ng magandang babae kasama ang isang lalaki, sila siguro ung magulang ni John.
" 'ma! kamusta na kayo?"-- sabi ni John habang nagbeso-beso sila ng mama nya at naghand-shake ng dad nya.
"I missed you so much!...Oh my! Is this that her!?... mygosh she's beautiful!" sabay beso sakin ng mama nya, wala paring iba, binigyan ko sya ng matamis na ngiti at nagpasalamat. Pero hindi parin maalis ung kaba ko.
"Yes 'ma. The one and only."
"Why don't we continue while we eat dinner."--sabi ng dad ni John.
Umupo na kami sa table at nagdala ung mga katulong nila ng MGA pagkain sa table, Ang dami.
"To start of this dinner, umm why don't we introduce ourselves haha. Hi, I'm Samantha Cruz, John's mom... Call me tita."--binigyan nya ako ng masayang ngiti, maganda sya, kitang-kita kung saan nakuha ung pagkapogi ni John, pati na din ang pagkapuso hehe.
BINABASA MO ANG
Destiny's Given Second Chance
Romance[PLEASE READ] =Second Chances= . . What if you had a second chance to meet someone again for the first time. *That special someone* In some views they look alike. Their personal taste are exactly the same, though their attitude is far, far opposite...