Chapter 40 - Starting New

132 6 0
                                    




_____________

CHAPTER 40

_____________________________


Pagkatapos kong dumalaw kay Lance, hindi muna ako uuwi sa bahay baka maintriga pa ang aking pamilya kung bakit namumugto ngayong ang aking mga mata.


Wala naman akong ibang pupuntahan kundi dito sa playground malapit sa bahay namin, ung playground kung saan kami unang nagkita...


Umupo ako dito sa isang bench habang nakatingin lang sa bulaklak na hawak ko...

*sigh* sinabi ko naman sakanya na magmomove on ako kaso hindi ko naman alam kung papaano. Paano ako bibitaw sa taong minahal ko halos buong buhay ko...paano?

Pumikit lang ako para ipagpahinga ang aking mata at dinama ang lamig ng gabi.

*sigh*


"Aray." napangiwi ako sa naramdaman kong lamig mula sa pisngi ko.


"Mukhang kanina ka pa bumubuntong hinga dyan ah. may problema?" Tumingala ako para makita kung sino ang nagdikit sa pisngi ko ng... beer!? Teka...Alex!?


"Oh bakit nakasimangot ka nanaman dyan? Nakakaoffend ka na ah, isang Lance Perez ang nasa harap mo tapos ganyan ka umasta." Mas lalong kumunot ung noo ko.


"At ano nanaman ang ginagawa mo dito hah!?" sigaw ko sakanya. Napapansin ko na talaga eh, palagi nalang syang sumisingit sa mga moments ko!


Tinuro nya ung daan, "Doon lang ako nakatira kung nakakalimutan mo."


"Che!"


"Oh" Binigay nya sakin ung isang beer na dinikit nya sa pisngi ko kanina.


"At para saan naman to?" Tanong ko.


"Hawakan mo lang, tinitignan ko lang kung pwede ka maging endorser ng San Miguel." Sinamaan ko lang ng tingin dahil sa pagkapilosopo nya. Osige ako na shunga!


"Inumin mo yan, baka sakaling makalimot ka." Katulad ng sinabi nya, binuksan ko ung beer at ininom ito. Ang pait!


Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko at uminom na din sya.


"Alam mo Perez, bakit kaya sumusulpot ka palagi pag nageemote ako?" Tanong ko sakanya habang hindi ko inaalis ung tingin ko sakanya. Halata din nagulat sya sa tanong ko.


"Wow, nakaisang inom ka lang ah, lasing na agad?"


"Seryoso ako! Bakit kaya...?" Hinampas ko sya sa braso.Mukhang nagisip muna sya bago nya ako sagutin.


"I don't know... may malas sigurong sumusunod sakin." Hinampas ko ulit sya dahil sa sinabi nya.


"Aray nakakarami ka na ah, baka naman chansing na yan." Sabi nya habang hinihimas ang kanyang braso.


"ASA!"


Nakadalawa na akong inom ng beer galing sa dala ni Alex at ng halfway ko na sya matapos, binaba ko ung bote sa tabi ko at kinuha ung bulaklak na katabi ko at tinitigan ito.


"Flowers? mukhang may nanliligaw sayo ah, eh bakit mukhang may namatay at ganyan ang mukha mo?"


Napatingin ako kay Perez sa sinabi nya dahil natamaan ako sa sinabi nya eh. Binalik ko ulit ang tingin ko sa bulaklak na hawak ko.


"Kaibigan ko...ung namatay..."


"... sorry, I didn't mean to..."


"No, it's okay, di mo naman alam para sadyain mo eh."


Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon