_______________CHAPTER 4
______________Krystal's POV
"Okay! We're done for now. Well done everybody! But remember! we have another schedule tomorrow, same time. Don't be late." Pagpaalala samin ni Mr Dee at buti naman at napagisipan na din bumitaw ni Perez sakin.
Pero hindi ko parin maalis sa isipan ko ang nangyari. Ano bang iniisip ko!? Aish! nevermind, I just need to forget everything.
Nagsimula na akong maglakad papuntang dressing room para makapagpalit na at makapagpahinga. Napatigil ako sa lakad ng may humigit sa kamay ko.
"Nice working with you, miss Ferrer." mahinang wika sakin ni Lan-- ni Perez. Inalis ko ung kamay nyang nakahawak sakin at tinignan sya at ngumiti.
"You too, Mr Perez." Wala na akong ibang sinabi at tuloy-tuloy na akong naglakad patungo sa dressing room.
Sa dressing room, nagpalit ako sa damit na suot ko pagpunta dito. kunuha ko muna ung mga gamit ko bago ako lumabas.
Paglabas ko nasagip ng mata ko ang isang lalaking nakasandal malapit sa dressing room ko at mukhang may hinihintay. Nilingon ko ito at si Perez lang pala.
Pero napatigil ako at sa hagip na nangyaring flashback, and there goes my heart again beating like crazy.
Pumikit ako ng matagal para magising sa realidad at ngayon sa kinaroroonan nakangisi saakin si Perez.
Ano nanaman kaya kailangan nitong lalaking ito. Gusto ko sanang sungitan kaso naalala kong anak pala sya ng boss ko at sya din ang magiging future CEO ng company na pinagtratrabahuhan ko. Ang saklap.
"Hi again Miss Ferrer." There's something about his stare and his smile... He's flirting! Nako classic playboy style.
Hindi naman sa nagmamalaki ako pero i've been hit on a few times kaya alam ko na ang intensyon nitong lalaking 'to. Lalo nang nalaman kong kakabreak nya lang sa girlfriend nya, reffering back sa nangyari nung isang gabi sa BlueMoon, siguro hindi talaga nya ako maalala, tyak na tyak naghahanap ng bagong lolokohin na babae. Well unfortunately for him, hindi ako nafa-fall gamit ang landi. bleh.
"Yes? May kailangan ka?" Mahinahon kong wika.
"Well since meron pa tayong schedule together bukas, I just want to take you out for a dinner...be friends?" Napangisi lang ako sa sinabi nya. HAH! now it's my turn to smirk.
"Are you asking me out for a date, Mr Perez?." Prangka kong tanong. Bakit? Totoo naman diba?
He shook his head and smiled, well smirked.
"Just call me Lance, Miss ...?" Tumigil sya upang hinintayin ang isasagot ko.
"Mas prefer ko kaseng itawag kang Mr Perez so Just call me Miss Ferrer." Hindi kasi bagay sayo ang pangalan na Lance... gusto ko sanang sabihin sakanya iyon pero syempre di ko ginawa.
"Krystal!" Napatingin kaming dalawa kay ate Vicky sa ngayo'y naglalakad papunta sa kinaroroonan namin. napapikit nalang ako sa hiya dahil ngayon nalaman na ni Perez ung first name ko. Narinig kong napatawa sya ng mahina dahilan ng pagkahiya ko lalo. Ang ganda talaga ng timing mo ate Vicky! Ang galing!
Napatigil si ate Vicky sa harap namin at pabalik-balik nya kaming tinitignan.
"Oh....friends na ba kayo ni Mr Perez, Krystal?" Gulat nyang saad.
"Yes/No" Sabay naming sagot kaya nagtinginan kami, sya nakangisi parin at ako naman nakakunot ang noo sa inis.
"uhh? huh?... is everything alright?" Gulong tanong ni ate Vicky.
"Everything's fine. I'm just asking Krystal here to go out on a dinner with me." Binigyan nya ako ng nakakaasar na ngiti. Aba!
"Oh, that's sweet of you...Then I should get going then, sorry kung naistorbo ko kayo." Masayang wika ni ate Vicky. Akmang aalis na sya ng pinigilan ko sya.
"NO!" Halata din nagulat sila sa pagkasigaw ko.
"uhh I mean... M-may lakad na kase ako kasama si Nalie ehh...yeah...umm staka kailangan ko dumaan sa Condo para may makuha saglit, kaya busy ako ngayon." Pagdadahilan ko. There is no way i'm going out with this guy.
"Nga pala ate, pahatid nalang sa condo, alam mo naman diba?" Ngiti ko kay Ate Vicky.
"uhhh.......sure?" Naguguluhan sagot ni Ate Vicky saakin. Parang naghehesitate pa sya pero pumayag naman sa huli.
Napangisi nang patago si Mr Playboy pero nakita ko yun!
"Well I guess I should get going." pagpaalam ni Mr Palyboy at tumalikod paalis.
"Ingat ka Mr Perez!" Pagpaalam ni ate Vicky.
Bigla nyang tinaas ung isang kamay nya upang magpaalam din...
Nawala ung ngiti ko sa ginawa nya. Ba't parang lahat ng ginagawa nya, may pinapaalala sya sakin?
Kailangan ko syang iwasan as much as possible...
...
Andito ako ngayon sa Blue Moon Restaurant. kumakain ngayon ako ng mga luto ni bakla hmm! Ang sarap talaga! At dahil dyan, good mood na ulit ako! Pagkatapos ko ng kumain nun, nagorder pa akong strawberry shortcake.
"Ang piggy mo talaga sisterette!" Asar sakin ni John. At dahil ayokong masira ang good vibes ko, dinedma ko nalang sya. Bwiset.
"Bakla! manahimik ka nga nalang dyan!" Rinig kong pagtaanggol sakin ni Nalie. Nakakaiyak talaga sa saya na nandyan talaga para sa akin ni best friend.
"ang violent nyo talaga kahit kailan!" Reklamo ni John. Haha pikon.
Kahit kilan hindi magiging tahimik ang restaurant bunganga pa lang talaga ni John nako nakakarindi na. Kaya gustong-gusto ko dito eh. hindi boring.
Gusto nyo mag apply?
Nakalipas ang ilang oras at napagisipan kong umalis ng BlueMoon. Napadpad ako sa isang malapit na park at sa ngayon ay kumakain ako ng Ice cream habang naglalakad. Yes, nag-Ice cream pa talaga ako sa dami ng kinain ko kanina. Pero may sinusundan akong kasabihan na "There is always room for dessert".
Malapit na mag6pm ngayon at meron pa namang araw, makulimlim lang kase magsasunset na. Umupo ako sa malapit na bench, pinapanood ko lang ang mga batang naglalaro, mga pamilyang nagsisiyahan, mga kaibigang nagtatawanan. Ang ganda naman ng lugar na 'to. Naramdaman ko ung malamig na hangin at napapikit na lamang ako habang pinakikiramdaman ito, it's so relaxing.
Wala na akong pakealam kung mukhang tanga ako dito sa mga mata ng mga ibang tao dahil nakangiti akong magisa. Pero feel na feel ko talaga eh alam nyo ba yun? Ung parang nagmomoment ka sa sarili mo, sinabayan pa ng weather haha Ayus!
May narinig ako mahinang tawa pero wala akong pake. Moment ko toh.
"So is this what you call being busy? Miss Krystal." Biglang nawala ung ngiti ko at unti-unting kumunot ung noo ko sa taong nakatayo ngayon sa harap ko.
Anong ginagawa ni Perez dito!?
_____________________________
[A/N]
Don't forget to Vote or Comment if you like the chapter or the story so far
Thank you for reading! I hope you enjoy the next chapters :)
BINABASA MO ANG
Destiny's Given Second Chance
Romance[PLEASE READ] =Second Chances= . . What if you had a second chance to meet someone again for the first time. *That special someone* In some views they look alike. Their personal taste are exactly the same, though their attitude is far, far opposite...