Chapter 30 - Her Past [2]

206 3 0
                                    

CHAPTER 30 - How they became friends. "It's NaTAlie"

_________________________

The past Krystal's POV

"Anak! bilisan mo na dyan, nakaantay na si Lance sa labas! Nako kaw bata ka talaga, first day na first day... HOY! kakain ka pa! bilisan mo na!" sigaw sakin ni mama mula sa kusina. Tss kasalanan ko bang ayaw mo ako bilihan ng bagong alarm clock!? tss yan tuloy napapamadali ako ng wala sa oras.

"Pabayaan mo lang yan sa labas! Wag mong papasukin ah!" sigaw ko naman. Hindi pa rin ako makagetover doon sa halik ng gunggong na yun bwiset! sya ung dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos, haaiist ang laki ng eyebags ko amp! Ayaw kasing mamili ng paglalaruan ako pa ang napili tch!

Bumaba na ako pag katapos kong suotin ung bago kong uniform...yup...hirap isiping highschool na pala ako. Ung wish ko ngayong year ay ung umiba ng ugali at magstart "new" pero mukang hindi mangyayari yun haha.

Eksaktong pagbaba ko, nasalubong ko si ate...

"Ayayay!!" sigaw nya,

"walangya ka naman Krystal! magkakasakit ako sa puso nyan eh! ano yan hah! muka kang multo, daig mo pa si sadako ahaha!"  tinignan ko lang sya ng masama. Okay..hindi naman talaga ganun kalala ung dark circles ko eh, O.A lang talaga 'tong ate ko.

Naglakad lang ako diretsyo papuntang pintuan ng pinigilan ako ni mama..."uy saan ka pupunta hah?" tanong nya sakin.

"ummm....school?"

"Ayy hindi! kumain ka muna."

"Bye 'ma, 'pa...at ikaw na rin panget haha" pagpaalam ni ate. As usual dinedma ko nalang sya.

"Pero 'ma late na ako oh!" angal ko.

"Ku.ma.in.ka" Nako ayaw pa naman ni mama ng hindi kinakain ung pagkain nya..

"Krystal!" Narinig kong tinatawag na pala ako ni Lance. Aba perfect timing!

"Ay tinatawag na pala ako sige bye!" sabi ko sabay takbo palabas. Narinig ko ding tinatawag ako ni mama, eh~! hindi naman big deal yun, magmomove on din yun.

"Uy ano ka ba malalate na tayo oh!" sabi ni Lance habang tinuturo ung relo nya. "Teka anyare sayo? ba't parang wala kang tulog? tsk hala ka, hindi ka magkakakaibigan nyan sa itsura mo haha mas lalong nakakatakot eh ahaha"

Inunahan ko lang sya maglakad. Ang daldaaaaal, minsan dinadaig pa nyan ang mga babae sa pagkakadaldal.

Tumigil kami sa harapan para pagmasdan ng mabuti ang bago naming eskwelahan, Hello Pheonix High. Pagpasok namin as expected may tumitinging mga babae at hindi matago ang pagkakilig nila, hello may heart-trob eh psh.

Naghiwalay kami ng daan ni Lance dahil may kailangan daw syang gawin, wala na din akong pake kung ano yun. Magkaiba din kami ng classroom, sya nasa A class, as expected, habang ako himalang nakapasok pa sa B class, aba dapat lang na makapasok ako dyan! sobrang pinaghirapan ko kaya yan.

Habang hindi pa naman time, naglakad muna ako, kung saan ako madala ng paa ko, ayus lang naman eh may sense of direction ako kaya, di naman siguro ako mawawala papuntang classroom ko.

Nakarating ako sa likod ng school, ayus din pala 'to ah, may garden. Nagulat nalang ako ng may narinig akong malakas na bell, obvious naman na orasan na para pumunta sa class kaso....tinamaan ako ng tamad, aish bahala na!

Sabihin ko nalang na nawala ako, first day ko naman ngayon eh, staka sa tagal naman ng holiday sinong hindi matatamad pumasok? Kung hindi maaccept ung excuse ko, ayus lang naman din dahil sanay na akong mapagalitan ng teacher, pasok sa isang tenga labas sa kabila...easy diba?

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon