Chapter 6- The Dream

496 9 0
                                    


_____________________

CHAPTER 6

_____________________

Krystal's POV


Kakagising ko lang at agad kong binuhos sa muka ko ang mga tubig na nasa mga kamay ko. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin...

*breathe*


"What the hell is with that dream!?" Bulyaw ko sabay hugas ulit ng mukha...


Pagkatapos kong maghilamos ng matagal, kumain na ako ng breakfast ko, fried rice with Coffee. Biglang nag-ring ung cellphone ko


"Hello?" Sagot ko.

"Krystal? change of plans about the photoshoot. maghanda ka ng damit mo or swimsuit if you want." si ate Vicky.

"huh? Why?" Gulo kong tanong

" 'cause we're going to Boracay! woohoo!"  Medyo nilayo ko ung phone ko mula sa tenga ko dahil sa pagsigaw ni ate Vicky, pero teka...

"What!? oopps I mean..what? Really? Totoo ate Vicky? bakit?" Masaya kong wika.

"Totoo nga, kasi gusto nila sa real beach ang scene eh kahapon ko nga lang nabalita. Tinatawagan nga kita para masabi sayo pero hindi ka naman sumasagot. You can also bring a friend if you want, but not too many.. oh and we're staying there for 2 days." Pagiinform nya sakin.

"osigesige! hahaha isasama ko si Nalie."

"Sure! got to go. don't be late"

*toot tooot*

"YES!" Sigaw ko sa sobrang excite, napasayaw na ako.

Pagkatapos ko magdance solo napagisipan ko ng tawagan si Nalie, nakadalawang ring palang at sinagot na nya agad.

"Nalie!" bungad ko sakanya

"Ano ba yan ang aga, ang ingay mo!" Inis na wika nya. oops sorry.

"ehh kasi pupunta TAYO sa Boracay! NGAYON. Pwede ka?" Diniinan ko pa talaga ung "Tayo" at "Ngayon".

"ANO!? ba't ang sudden naman ng request mo?" Halata ang gulat sa boses nya na may halong tuwa.

"Oo o Hindi!?" Tanong ko.

"Aba't ay syempre Oo! haha. wait lang at magiimpake ako." Oh diba, kung ano-ano kasi ang sinasabe mago-oo din naman pala.

*end call*

Nagmadali na akong maligo para makapagbasta na ako. Wala kayong magagawa, excited eh.


Pagkatapos ko naman maligo nagimpake na ako... hmm konti lang naman, two days lang naman kasi kami doon ehh. let's see...nagdala ako ng mga damit para sa dalawang araw staka mga extra clothes para pang back-up at syempre dinala ko din ung pang swimming ko.

Dinala ko na lahat ng gamit ko sa salas habang hinihintay ko si Nalie staka si ate Vicky para sabay-sabay kami umalis.


Nakalipas ng maraming oras at nakalanding kami ng ligtas sa BORACAY!

Kakarating lang namin sa hotel/resort kung saan kami mananatili at ngayo'y naglalakad kami papuntang reception. Wow dito pa lang sa maganda na, ano kayang itsura ng magiging kwarto namin?

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon