Chapter 10- Being John's Date

291 6 0
                                    


_____________
CHAPTER 10
______________

Krystal's POV

"Good Morning!" Masaya kong bati sa mga workmates ko.

Nakabalik na din ako sa pagtratrabaho sa BlueMoon pagkabalik ko ng Boracay.

"Good morning din" Panalik na bati nila sakin.

"Oh Krystal,  How was your flight? Sorry talaga na umuwi ako ng maaga ah." Si Nalie.

"Flight? Saan kayo nagpunta?" Singit ng isang workmates ko.

"Ahh sa Boracay for two days... Teka lang, asan si John?" Hmm kanina pa ako nagtataka kasi kanina pa dapat yun sumabat sa usapan namin.

"Ayun oh! Nageemote" Sabay na sagot ng mga staff habang nakaturo sa kinaroroonan ni John.

Whoa ano kayang nangyari sakanya? Kasi kung titignan mo sya doon sa gilid talaga ng restaurant at nakayuko sya na parang ang lalim-lalim talaga ng iniisip kulang nalang may raincloud na bumabalot sa taas nya. Ang gloomy naman nya.

Pinuntahan namin sya ni Nalie.

"Oi Bakla!"--Bati ni Nalie

"hmm?" Matamlay nyang sagot. Nagulat ako sa sinabi nya, What the heck happened!?

Usually kasi pag tinatawag syang bakla ni Nalie ay naguumpisa na yung gera nila. Pero ngayon isang 'hmm' lang!?

Bakas din sa mukha ni Nalie ang gulat.

"John Cruz! Anong nangyari sayo hah!?" Hampas ni Nalie sa balikat ni John.

"Eh kasi..."

Umupo na kami ni Nalie sa upuang opposite sakanya.

"Continue"--Ako at si Nalie.

"Eh kasi..."--sya.

"Eh kasssii..??"--Ako at si Nalie.

"Eh kasi..."

"Peste ka John kailan mo pa kami papahintayin hah!? Alam mo'ng impatient ako! May pa-suspense suspense ka pa dyang nalalaman." --Nalie. Hala! Pumutok na!

"Kailangan ko ng girlfriend! Okay!?"--John.

"Ahahahahahahahahahahahahaha!!!!" Di namin napigilang tumawa ni Nalie sa sinabi ni John.

"Seryoso ka!? Kailan pa!? Ahahaha" Tanong ko habang pinipigil ang tawa ko.

"Anong kailan pa!?" Nagtatakang sigaw sakin ni John.

"You know giiirrl, kailan ka pa bumalik, as in naging boy?"--Nalie.

"Eeewwww! Mga bruha kayo! Girlaloo parin ako!"--sya.

"Last time I heard pag kailangan mo ng girlfriend ibig sabihin na nun ay Boy ka na!" Paliwanag ko sakanya

"Hmm! Korek ka dyan girl!" Sangayon sakin ni Nalie.

"Hindi nga! Sabi kasi ng mudra ko na bumisita daw ako sa bahay bukas... May kasamang girlfriend!" Malungkot na sabi ni John

"Teka lang. Hindi pa nila alam na bakla ka!?" Gulat kong tanong.

"Maka 'bakla' ka naman, sister. Nakakahurt ng feelings." Reklamo nya.

"Ayy sorry hehe"

"And hindi. Hindi pa nila alam..."

"Wow naman. Paano mo natago?"--Nalie.

"Eh kasi ganto yun....."

So ayun nagkwento na sya tungkol sa kung bakit hindi pa alam ng parents nya tungkol sa pagkatao nya.

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon