CHAPTER 23
____________________________
Krystal's POV
Kakadating lang namin galing sa paggala namin ni Nalie. Hindi pa naman pagabi, may araw pa.
Phew~! napagod ako sobra (sigh) staka sinumpungan nanaman ako ng sakit sa ulo. Itutulog ko nga muna toh.
"What did you do to my sister!!" May narinig kami ni Nalie na sumigaw galing sa sala kaya napatakbo kami.
Pagdating namin sa sala ay nakita namin na hawak-hawak ni Lucas ung colar ng damit ni John at mukhang syang galit.
"Anong nangyayari dito!?" awat ni Nalie sa kanilang dalawa.
"Anong nangyayari? tanong mo dyan sa baklang yan!" sigaw ni Lucas. diniin nya talaga ung "bakla"
"Lucas!" pagwarning ko sakanya. alam ko naman na nadadala sya sa galit pero di naman nya kailangan ipamukha ng ganyan kay John na kung ano sya.
"OKay! can someone tell me what happened!?" Gulong tanong ni Nalie.
"Lumayas si Macy ng umiiyak."--Alex. nandyan pala sya.
"What!?" --kami ni Nalie.
"bakit?" tanong ko.
"Dahil sakin okay!?" sabi ni John habang naka tingin sa sahig.
"...(sigh) hindi ko na tatanungin pa kung bakit...ang importante hanapin nalang natin ang birthday girl, okay?" naguguluhan na talaga ako sa situation kaso ngayon kailangan munang hanapin si Macy at nagaalala na din ako.
Mukhang hindi pa ata nakakamove on si Macy kay John, alam ko naman na gusto talaga ni Macy si John dati, pero ilang taon na ang lumipas, iisipin mo na wala na yung nararamdaman nya...
"Lagot ka talaga sakin pag hindi natin nahanap ang kapatid ko." sabi ni Lucas habang binibigyan na masamang tingin si John.
"tama na..." sabi ko habang hinawakan ko ang mga braso nya signaling na gusto ko syang kumalma.
Naghanap kami ng mga flashlights para incase maabot kami ng gabi at nagkita kami sa labas.
"Okay, ready na ba kayo?" tanong ko.
"yep!"
"dito lang ako baka umuwi sya, iready din nyo ung mga cellphones nyo, baka naka-silent. tatawagan ko din sya baka sakaling sagutin nya." --Lucas.
Nagumpisa na kaming mag iba ng daan para mahanap si Macy. (sigh) haayy ung plano kong magpahinga, wala na. Hindi din naman ako mapapakaling magstay sa bahay dahil worried din ako noh.
.
.
.
.
.
Naglakad ako sa tabi ng dagat hanggang nadala ako sa...gubat? ewan ko kung bakit pero pumasok ako.
"Macy!" sigaw ko.
"Macy!!" sunod-sunod kong sinisigaw pangalan nya.
Unting-unti na akong napapagod sumigaw. Ung sakit ng ulo, nandyan parin. Nako hindi talaga marunong pumili ng araw tong headache na toh.
Pero continue parin ako sa paghahanap...hanggang...
"a-aray! tssst" Bigla nalang akong natapilok at medyo masakit din ang pagkadapa ko.
Parang onti-onting nawawala ang lakas ko kaya napaupo nalang ako sa tabing puno at nirelax muna ung mata ko, nakakainis naman oh, ang sakit!
Hindi ko namalayan, unti-unting nawawala ung malay ko...
.
.
.
.
.
.
.
*BLACK OUT*
_____________________________
Lance Perez POV
Tinawagan na ako ni Lucas at sinabihan na nyang bumalik na ako sa bahay. Wala naman akong magagwa, sinunod ko na lang.
Pagdating ko sa bahay nandun na silang lahat, kulang nalang si Krystal.
"Ano na nangyari? Kamusta si Macy?" tanong ko. Kahit papaano nagaalala ako, dahil turing ko na dun ay kapatid.
"ayun sa wakas sinagot na yung mga tawag ko... Ayaw nga lang sabihin kung nasan sya. Pero sabi naman nya sa babalik din sya so that's good..."--Lucas.
"uhuuu~ May bago ata tayong problema...eesh!" sabi ni Nalie habang ginugulo nya ang buhok nya.
"ano yun?" --Lucas.
"si Krystaaal~ ayaw nyang sagutin ung cellphone nya. pang ilang beses ko na kinocontact."
"so? malay mo nakasilent." sabi ko. tama naman diba? ang O.A naman ng reaction nya.
"tss hindi naman nagsisilent ng cellphone yun eh. Sumasagot din naman yun agad eh, minsan mga 2 misscalls pero naka lagpas na ako sa lima!"
Ang O.A naman nya, pero wala lang akong sinabi.
"uhm malay natin nasilent nya by accident...?" --Lucas.
"hindi eh! kanina pa din napapansin kong namumutla si Krystal na parang may sakit, pero hindi ko lang pinansin yun, ang tanga ko."
Ewan ko kung bakit, pero doon ako biglang nagalala. Bakit? why do I care, right?
"huh!? ba't ngayon mo lang sinabi? baka kung anong nangyari doon, pinaghanap pa natin yun ng magisa." --Lucas. O.A din tong lalaking toh eh noh? May napapansin na talaga ako sakanya... sa tagal ba naman na naging kaibigan ko yan. May iba talaga eh, parang iba ung turing nya kay...hmm...
Bigla nalang sila umalis ulit at naiwan lang ako dito sa bahay na nakaupo...
"ahh! haiist!" sigaw ko sa inis habang ginulo aking buhok at kinuha ang flashlight na dala ko kanina.
What the heck!? Am I actually worrying for that woman!?
.
.
.
.
.
.
_______________________________

BINABASA MO ANG
Destiny's Given Second Chance
Romance[PLEASE READ] =Second Chances= . . What if you had a second chance to meet someone again for the first time. *That special someone* In some views they look alike. Their personal taste are exactly the same, though their attitude is far, far opposite...