Chapter 24- Found

194 3 0
                                    

CHAPTER 24

__________________________
Lance Perez's POV

Lumabas na ako ng bahay dala ang aking flashlight para hanapin si....(sigh) Krystal. Malapit na dumilim, palubog na yung araw.

Naglakad ako sa may dagat dahil parang nakita ko kanina na dito sya dumiretsyo. Biglang may nakita akong mga footsteps sa lupa ng dagat. Kahit hindi ako siguradong sakanya yun pero sinundan ko na lang dahil parang may feeling ako na sakanya ito.

Sinundan ko yung footsteps hanggang madala ako sa isang gubat... anong gagawin ng isang tao sa gubat? I still find myself an idiot for actually searching for her.

Nawalan na yung mga footsteps so binuksan ko na ang aking flashlight dahil makulimlim na ng konti. Naglakad-lakad ako hanggang may nakita akong kumikislap na ilaw.

Nilapitan ko ito at biglang may nakita akong babaeng....

"Krystal!?" napasigaw ako sa gulat at tinakbuhan ko sya. mukha kasing wala syang malay na nakasandal sa puno, ako naman biglang may sumumpong na pagalala at tinignan kung okay lang sya.

"Krystal?" sabi ko habang inaalog sya ng konti. Bigla akong narelief nung nakita kong kumunot ang noo nya. (sigh) ano naman ginagawa nito at biglang natulog sa tabi ng puno?

Gigisingin ko na sana sya ng bigla akong napatitig sakanya...naalala ko tuloy nung sinusungitan nya ako...haha ngayon mukha syang anghel na natutulog.

Hindi ko alam kung bakit pero, Tinrace ko ung tangos ng ilong nya hanggang napunta sa labi nya...

"haist!" ginulo ko ang buhok. anu ba yan, what the hell is wrong with me?

Inalog ko sya ng ilang beses para magising pero ayaw talaga. Then napansin ko na namumula pala sya, so hinawakan ko ang noo nya para macheck ang temperature nya.

"sh*t." ang init nya, may lagnat pala tapos kung ano-ano ginagawa at hindi nalang magpahinga.

Tinawagan ko si Lucas para ipaalam na nahanap ko si Krystal.

"Ikaw?...paano mo naman sya nahanap?" tanong nya sakin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"well naglalakad lang ako ng nakita ko syang walang malay katabi ng isang puno." Ayokong sabihin na hinanap ko talaga sya, baka kung ano pang sabihin nya.

"What!?" sigaw ni Lucas at may narinig din akong nag second voice sa background, siguro si Natalie.

"Anong nangyari!? How is she!?" --Lucas

"May lagnat" Tipid ko lang sya sinagot. Ayokong sabayan ang pagka OA nila, well siguro naman karapatan nilang umakto na nagaalala.

"Nasan kayo hah? teka lang pupunta ako dyan." atat na sabi ni Lucas. Medyo napatingin ako sa phone ko sa inakto ni Lucas... I've never seen Lucas so worried over a girl other than his family and friends...

So I guess he really likes her huh...

Di naman ako manhid para di mapansin na nagkagusto na ang kaibigan ko dito sa babaeng ito.

"You don't have to, dadalihin ko nalang sya sa bahay." Sabi ko sabay end call. Pinigilan ko syang pumunta dito, ayokong maghintay no, gusto ko na din umuwi...

Ulit kong tinignan si Krystal at sinimulan ng buhatin. Tumuhod ako sa harapan nya ng patalikod, kinuha ung dalawa nyang kamay at binalot sa leeg ko para mabuhat ko sya.

Napangisi ako, aminin ko nahirapan ako sa pagtayo ko ah, despite sa itsura nya, mabigat sya.

Inumpisahan ko nang maglakad, parehong daan lang katulad ng dinaanan ko papunta kay Krystal. Kitang-kita ko ung sunset...naalala ko tuloy ung nasa Boracay kami haha.

"hmmm.." Nagulat ako ng biglang gumalaw si Krystal at hinigpitan nya yung yakap sakin at inikot nya yung ulo nya direct sa leeg ko.

sh*t! may kiliti pa naman ako sa leeg. Ginalaw-galaw ko ung ulo ko para hindi sya maging comfortable....at....

...nakikiliti ako....-__-

Finally iniba ni Krystal ung position ng ulo nya, pero ganun parin kahigpit ung yakap nya sakin.

"Lan...asdfghjkl...asdfg" --Krystal.

huh? ano daw? tsktsk... nagsasalitang habang tulog...

.

.

.

.

___________________________

Lucas' POV

Nandito kami ngayon sa bahay naghihintay kila Krystal...Kanina pa ako hindi mapakali, baka ano ng nangyari kay Krystal, nagkasugat kaya sya?

Sinabi kasi kanina ni Lance na nakita nya si Krystal na nakahimatay dahil may lagnat. Sino kayang hindi magalala? Tsk pupunta sana ako doon pero bigla namang binabaan ako ng tawag ni Lance!

Napatakbo agad kami ni Natalie ng may narinig kaming ng sumaradong pinto galing sa front door ng bahay.

Nakita ko si Lance na karga-karga si Krystal....aaminin ko...hindi ko maiwasang magselos...

"How is she?" tanong ni Natalie.

Hindi sumagot si Lance habang si Natalie naman hinawakn ung noo ni Krystal para macheck ung temperature nya.

"ayus lang ba sya?" tanong ko.

"....Lance, ihiga mo muna sya doon sa kwarto...napakainit ng temperature nya pero hindi naman ung malala...so that's good."

"Ako nalang magdadala sakanya sa kwarto." sabi ko kay Lance, parang naiinis kasi ako eh, sa sarili ko, hindi kay Lance...

Dapat ako ung nakahanap sakanya, dapat napansin ko pa kanina pa masama ung pakiramdam nya...

"Ako nalang, baka magising sya." huh? tama ba yung narinig ko? I mean, why would Lance care?

"Tama si Lance, Lucas. Maganda ng ganyang para hindi magising si Krystal." --Natalie.

Wala akong nagawa kundi sunurin nalang silang dalawa.

Mukhang nasira ung plano ko na umamin haha.....(sigh).....may next time pa naman diba?......

...right?

.

.

.

.

._________________________________

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon