Chapter 20 - You're Invited

223 3 0
                                    

Chapter 20 - You're Invited

____________________

Nalie's POV

2weeks na ang lumipas since ung sinabi ko kay tita Samantha sa party na ayaw ko na makipagdate. Lately din hindi na bumibisita si Lance kaya masaya ako haha.

Wednesday ngayon at usual nasa office ng restaurant ako ng may biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Come in" sabi ko.

"Nalie, nandito po yung boyfriend nyo." sabi ni James (chapter 1)

"Boyfriend? Wala akong boyfriend."

"huh? ehh, edi ung lalaki na bumibisita dito."

nung sinabi nya na lalaking bumibisita dito, naisip ko si Lance. Anong ginagawa nya dito?

lumabas ako para tignan kung sino yun talaga.

 Nagulat paring ako ng nakita ko si Lance kasama si Lucas.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko habang nakunot ung noo ko.

"Parang ayaw mo kaming makita ahh." sabi ni Lucas...in a way, ayaw ko nga.

"Bakit ka pa nagtanong? parepareho lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito, ewan ko lang dito sa kasama ko." sabi ni Lance ng walang gana.

Pansin ko na talaga na inis na sya sa mga nangyayari, ako nga din eh. Pero diba dapat tapos na lahat ung set ups nila mama? Bakit sya nandito?

"bakit masama ba?" sabi ni Lucas. "Asan si Krystal?" tanong nya. Bakit naman nya hinahanap si Krystal?

"ahh--" sasabihin ko sana na Wala sya dito nag quit na, pero syempre hindi totoo yun.

"Krystal!" sigaw ni Lucas.

Lumingon ako kung saan si Krystal, kasama nya si John. Ayy nasabi pala nila sakin na vivisit ulit sila sa mama ni John.

"oh, hi lucas." --Krystal.

"sino sya?" tanong ni Lucas. boyfriend lang ang peg? haha

"ahh...eto? Sya si John, nabanggit ko na sya sayo diba?" 

"ay oo, yes, naalala ko hehe...Nice to meet you." sabi ni Lucas sabay abot ng kamay kay John. Si loka naman kinilig tsk! hahaha

"oh sige, aalis kasi kami eh." sabi ni Krystal.

"Teka lang. Kaya ako nandito dahil gusto ko kayo sanang imbitahin." sabi ni Lucas.

"Saan?" Tanong naming tatlo (ako, Krystal at si John)

"uuwi kasi ung kapatid ko galing Japan for her birthday and we'll be celebrating in our rest house for 2 days. Hindi ko alam kung saan icocontact ung mga kaibigan nya so kayo nalang para masaya."

"Oh sure! dalawang araw? Perfect! sasama ako" sabi ni John ng masaya.

"pfft ahahaha" tawa naming dalawa ni Krystal. Ano pa bang iba doon? dalawang araw, nandoon si Lance staka si Lucas, syempre sasama talaga yang si John. Nako ang landi kahit kailan hahaha.

"haha sure, sasama ako, wala naman akong importanteng gagawin sa day nayun." --Krystal.

"uhmm, I guess icacancel ko yung works shifts ng dalawang araw..." sabi ko.

"ano ka ba! ayus lang yan! dalawang araw lang yan, ayus lang sakanila." singit ni John.

"...hmmm...sige na nga." nanghihinayang ako ng konti dahil kailangan first priority ang trabaho, kung iisipin hindi ko naman kilala ung kapatid ni Lucas eh. Pero dalawang araw nga lang naman, pero sayang na din yun noh.

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon