CHAPTER 37
----------------------
[KRYSTAL]
Nandito ako ngayon sa kusina, tinutulungan si mama maghanda ng pagkain habang hinihintay dumating si ate.
Magpapafiesta ata si mama sa sobrang dami ng hinanda ahaha pero pagbigyan, minsan lang maging completo ang buong pamilya eh dagdag pa ang aking pamankin haha. Huling tanda ko sakanya, hindi pa sya masyado marunong magsalita.
"Mommy! Papa!" Rinig ko mula sa labas.
"Ay Rommel! Dalian mo at nandyan na ang ating anak!" sigaw ni mama kay papa. Nakakatawa naman ung reaction ni papa, binitawan agad-agad ang hawak at tuluyan syang tumakbo palabas.
May narinig akong sigawan (si ate yun) sa labas pero di ko maintindihan kung ano pa ung sinabi nya bago sila pumasok ng bahay.
"Mommy!" sigaw ni ate at nakipagbeso kay mama. Hindi parin talaga sya nagiiba, ang ingay talaga kahit kailan.
Nakuha ng attention ko ung batang nakayakap sa binti ni ate at nagtatago.
"Krystal halika nga dito at batiin mo ang ate mo." utos sakin ni mama.
"Hi Stupid." bati ko sa ate ko.
"Uy panget!" ngiti nya sakin at niyakap nya ako ng mahigpit, ganoon din ako sakanya. Ganto talaga kami kahit nung mga bata pa kami, pero kahit mga insulto ang tawag namin sa isat-isa, close pa rin kami dahil ate ko sya at magkapatid kami yun na yun haha.
"Kristine, anak, sya ba si Lauren" Tanong ni mama kay ate. Tumango lang si ate habang nakangiti habang sinusubukan nyang tanggalin ung yakap ni Lauren sa binti nya.
"Aba't ang laki na ahh... Hello ako si lola." Halos maging isa na si Lauren sa binti ni ate dahil mas lalo nyang hinigpitan ung yakap nya haha ang cute!
"ah eh spoken in dollar ata... You..." hindi pa naiumpisa ni papa ung sasabihin nya ng kinalabit nya si mama upang ipatapos ang kanyang sentence. AHAHA napatawa kaming dalawa ni ate, tsk yan kasi english ng english.
"Oh ano? sige tapusin mo na ung sasabihin mo."
"Mahal naman, alam mong hindi ko kinalakasan ang pageenglish."
"hoy hoy lalamig na ung pagkain natin sa kakalambing nyo dyan haha." singit ko sa aking magulang.
Binuhat namin ni papa ung mga maleta papunta sa kwarto ni ate dahil ayaw parin bumitaw ni Lauren kay ate.
Pag baba namin, nakahanda na silang kumain kaya sumabay nalang kami ni papa.
"hindi ba nakakatagalog apo namin?" tanong ni papa kay ate.
"Actually tinuruan namin sya so nakakaintindi naman kaso pag tinanong mo ng tagalog, english ang isasagot sayo."
"ah ayun naman pala."
"Lauren, mag hi ka sa lola at lolo mo." utos ni ate pero umiling lang si Lauren ng mabagal habang nginunguya nya parin ung pagkain.
"haay nahihiya pa sya haha pero tatagal magiging super kulit yan nako." ngiti ni ate habang sinusubuan nya ang kanyang anak.
"Alam mo Kristine, parang kamuka ni Lauren si Krystal nung bata pa." Napatingin tuloy ako kay Lauren sa sinabi ni mama.
"oo nga eh, napansin ko rin yun nako kaya pagnahohomesick ako si Krystal agad ang naiisip ko pag nakikita ko si Lauren." Hindi ko naman kamuka ah? Nakita kong napasilip din saakin si Lauren, muka ngang nakakaintindi sya sa pinaguusapan namin haha.
"Ang sabihin mo, namimiss mo lang talaga ako." loko ko kay ate.
"haha dati rin ganyan na ganyan si Krystal, sobrang mahiyain kala mo takot sa mga tao." Napatango ako sa sinabi ni papa haha, nakakatuwa mag bring back ng memories.
BINABASA MO ANG
Destiny's Given Second Chance
Romance[PLEASE READ] =Second Chances= . . What if you had a second chance to meet someone again for the first time. *That special someone* In some views they look alike. Their personal taste are exactly the same, though their attitude is far, far opposite...