CHAPTER 25
__________________________
Krystal's POV
Unti-unti kong binukas ung mata ko.
*Yawn~* haay umaga na pala...
....
teka....
Nasan ako!?...Huling naalala ko ay na-pass out ako sa tabi ng puno..? Tinayo ko ung katawan ko pero napabaksak din dahil sa sakit ng ulo ko.
"aray" sabi ko habang napahawak ako sa noo ko. Masakit pa pala ung ulo ko.
"tsk! hmm! Ayan ang napala mong babae ka!" lumingon ako kung sino ung nagsalita.
"Nalie?"
"The one and only haha... Ikaw!"
"Nakakagulat ka naman. Bakit!?"
"Ba't hindi mo sinabi na may sakit ka pala hah!? tapos nakisali ka pa sa paghahanap kay Macy imbis na magpahinga ka. Wala ka bang alala sa sarili mo kahit kooooonti lang?"
"....huh?" ano? Ano ba talagang nangyari?
"Anong 'huh?' ka dyan!?"
"Teka may sakit ako?" tanong ko. Kaya pala kahapon pa ako nahihilo at parang naiinitan ung muka ko...hhmmm pero mainit naman talaga sa pilipinas kaya kala ko normal lang.
"Ano ba yan Krystal nagkalagnat ka! buti nalang hindi malala."
"Teka anong ginagawa ko dito? naalala ko na natulog ako doon sa may gubatan...?"
"tsk Paano ka na punta sa gubat hah?...(sigh) Si Lance ung nakahanap sayo.." sabi ni Nalie sabay ngiti ng nakakaloko.
"Ano nginingiti mo?" inis kong tanong nakakabwisit kasi ung muka ni Nalie eh haha *peace*
"hmm? wala. bakit masamang ngumiti ng nalaman mo na ayus lang yung kaibigan mo? hah? masama?"
"tsk bahala ka nga." Tatayo na sana ako ng pinigilan nya ako.
"uyy teka lang, kumain ka muna tapos inumin mo na ung gamot mo para gumaling ka na agad...wag kang magalala si John ung nagluto nyan haha."
"Sabi ko nga haha ikaw magluluto? haha."
Sinamaan nya ako ng tingin so nag peace sign nalang ako haha.
.
.
.
.
.
Pagkatapos kong kumain, iniwanan ako ni Nalie at matulog na muna daw ako.
Pero! hindi talaga ako makatulog eh! kanina pa ako pagulong-gulong sa kama pero wala parin...haay... chineck ko muna ung temperature ko...hmm meron pa pero hindi naman ganung kainit, mukhang nawawala na.
Ilang minuto lang ay nabored na ako kakatingin sa ding-ding dahil hindi talaga ako makatulog. Kaya naisipan kong tumayo at lumabas nalang muna para maka kuha ng fresh air.
Bumaba na ako papuntang kusina. At si Nalie agad ung bumabad sa harapan ko.
"Ikaw! anong ginagawa mo dito hah? diba sabi kong matu--"
"Eh hindi ako makatulog eh!" sabi ko. haist kaya pagnagkakasakit ako hindi ko pinapaalam kay Nalie sinasabi ko nalang na kunwari pagod lang ako para magtrabaho dahil....hmm! kitams nyo naman! Para syang isang strictong ina!
"gusto mo ng sleeping pills?" ....Ano daw!?
"Baliw!"
"Krystal, Ayus ka na ba?" Nakita kong lumapit si Lucas saamin.

BINABASA MO ANG
Destiny's Given Second Chance
Storie d'amore[PLEASE READ] =Second Chances= . . What if you had a second chance to meet someone again for the first time. *That special someone* In some views they look alike. Their personal taste are exactly the same, though their attitude is far, far opposite...