Chapter 34- Hangover

199 1 0
                                    

Chapter 34

___________________

Krystal's POV

mabagal kong minulat ang mga mata ko at naramdaman ang pinaka worst feeling na naramdaman ko sa umaga. sh*t so eto pala ung "hangover" na sinasabi nila. Well, never again! Ang sakit ng ulo omaygas aray huhu ilan ba ang nainom ko kahapon, wala akong maalala.

Buti naman nakauwi ako ng maayos...teka *tingin sa kama*...teka *tingin sa tabi*...Teka!! *tingin all around*..NASAAN AKO!?

"AAAAAH!" napasigaw ako sa sobrang gulo. Anong ginagawa ko dito!? nasaan ako!? Kaninong bahay to!? huhu hindi to planado!

"Anong nangyari!?" Napatingin ako sa nagsalita..wha-wha-what!? Anong ginagawa nya dito!?

"A-a-al..YOU!?" para na akong si Nalie na nauutal. Ano ba yan hindi ako makaprocess. Tapos may na realise ako...tinanggal ko ung kumot ko, pants *check*, niyakap ko sarili ko, damit *check*..teka! asan ung jacket ko!? Tumingin ako sa tabi ko at nakita kong nasa bedside table sya...*sigh* safe...

"tch Asa ka naman na hahawakan kita?" ngisi nya sakin. Binigyan ko lang sya ng masamang tingin.

"maganda na ung sure, Mr Perez. Lalo ng nasa bahay ako ng isang katulad mo." sabi ko habang tumayo, pero napaupo din dahil sa hilo at sakit ng ulo.

"Kahit na masakit ung mga sinabi mo, uminom ka muna ng gamot na nilagay ko sa tabi ko at nagorder na rin ako ng makakain dahil ganon akong klaseng lalaki." Pangasar nya sakin at umalis na.

Eto naman ako nagulat sa sinabi nya at tama nga na may tubig staka gamot sa bedside table nya katabi ng jacket ko.

Ininom ko ung gamot at napaisip... mas pipiliin ko naman na sya ang naguwi sakin kaysa sa ibang taong hindi ko naman kakilala, baka nga kung ano na ang nangyari sakin kung hindi sya...safe din naman ako, natutulog ako sa kama nya so asan sya natulog??

Tumayo ako at lumabas ng kwarto, nakita ko syang kumakain sa kusina at nagkatinginan lang kami. bwiset, ang awkward, first time ko pa naman makapunta sa tinitirahan ng lalaki, exception si John syempre. Umupo ako sa harapan nya at tinignan sya.

"pwede bang magtanong?"

"sure." tipid nyang sagot.

"a-anong nangyari kagabi?" paninigurado ko. Tinignan nya ako ng para bang nagisip.

"wala naman, naglasing ka lang naman ng sobra dahilan ng may mga lalaking nagaantay para sakaling mauwi ka nila. Yun lang naman." habang sinasabi nya yun napansin ko ung sugat sa labi nya..

"Anong tinitingin mo?" tanong nya.

"ung labi mo.."

"Ano?" napansin ko ang pagkagulat nya sa sinabi ko.

"bakit may sugat sa labi mo? Ako ba may kasalan dyan?" Ewan ko pero nagalala ako.

"haay...oo bakit? Dahil sa katangahan mo, nasuntok ako." Nagulat ako sa sinabi nya at nainis.

"Teka! talagang kailangan ipamuka sakin??"

"oo, para malaman mo ung nagawa mong mali para pumuntang magisa sa isang club."

"Nagaalala ka ba?"

"No, sinabi ko lang para hindi ka na magpabigat ulit." psh! hindi talaga sya nagfafail para bwisitin ako. At ayun, tahimik na kaming kumain dahil ayoko na syang kausap baka kung ano pa magawa ko, ang close pa naman ng range ko sa kutsilyo, ay~ bad Krystal! mehehe

Dahil curious ako, nilibot ko lugar nya at mukang walang extra room? Edi saan sya natulog? aish gusto kong tanungin sakanya pero ayoko!

"pwede bang matanong kung saan ka natulog?" tch! Ano ba yan Krystal sa huli kinausap rin mo sya. Pero hindi sya nagsalita at tumingin sya sa salas, doon ko nakita na may kumot na nakatupi at unan. So doon sya natulog? Gumaan ung loob ko sa nalaman ko pero naiinis dahil hindi manlang sya nagsalita para sagutin ako, ano sya pipi?

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon