Chapter 29 - Her Past.

235 3 1
                                    

 A/N: eto na po ung past ni Krystal :) let's have a break and have a kitkat muna sa present life nya at pumasok tayo sa time machine para kilalanin sya ng mabuti kung ano ung mga ugali nya dati at mga pinagdaanan nya.

Be Patient po sa kung anong mangyayari pag nakita nya ung video sa previous chapter...Ano kayang mangyayari?? ...........

ABANGAN! ;)

__________________________ 

CHAPTER 29

____________________________

The old/young Krystal's POV

"ahahahahahahahaha! Ang panget mo talaga kahit kailan Lance!" sigaw ko sakanya habang tumatawa. Paano kasi! Meron akong stolen shot na pa hatching na ahahaha! Nako pag pinakalat ko 'to ung image ni Lance as isang "heartthrob" ay mawawasak haha....hmm pwede *smirk*

"ha.ha.ha nakakatawa, sobra. Akin na nga yan! *delete*" Sigaw sakin ni Lance sabay hablot sakin ng cellphone ko at kinagulat ko ang ginawa nya.

"Urrrrgghh YAH! BAKIT MO DINELETE YAN HAH!? NAPAKA KJ MO TALAGA!" eesh! minsan nga lang makakuha ng ganung litrato galing sa taong yun, nawala pa. tsk! bwiset wala na tuloy akong ipagkakalat tsk! 

"Oi oi oi. dapat nga ako yung magalit eh, mukha mo haay..pasaway ka talaga kahit kailan Han!"

"Han! Han! Han! Hanhanin mo mukha mo! sabi ng Krystal pangalan ko eh."

"Eh bakit ba ayaw mo sa Han? Maganda din naman yun ahh. Sige isusumbong kita sa tatay mo na ayaw mo ung pangalan na binigay nya tsktsk"

"Che!" Ayun lang ang tanging masabi ko dahil baka totoonin netong lalaking 'to eh, baka magtampo pa si papa sakin.

"Besides...ayaw mo nun? kung papakinggan mo ng mabuti...Han...diba parang short for 'honey'? ahaha"....tch! Stupid! kung ano-ano pa sinasabi neto, ang sarap ibalibag sa sahig, itahi ung bibig at kung ano-ano pa! tsk!

Lumipas na ng limang taon mula noong nakilala ko si Lance Valdes. Sya ang pinakaunang at nagiisang kabigan ko bukod nalang sa ate ko. May pagmahiyain din ako noon eh.

Bukas first year highschool kami at Isa syang Heartthrob sa eskwela namin, sino ba kayang hindi mafafall sakanya? Sa sobrang bait, caring, funny, smart, makulit, sporty at talented pa, marunong syang kumanta, maggitara, magpiano. Ayan ang mga bagay na isasagot pag tinanong mo sa school "sino si Lance Valdes?".

Hindi ko din madedeny na may gusto nga ako sakanya, ayan, inamin ko na, pero sainyo ko lang yan kayang sabihin dahil baka mapagtawanan lang ako..ha.ha...uyy isang Krystal Ferrer kaya palang magkagusto..tsk.

...

"Oh, inumin mo 'to :)" sabi ni Lance sabay abot sakin ng isang inumin.

"Ano naman yan?" Tanong ko sakanya.

"lollipop" loko 'to ahh gusto kong malaman ung pangalan ng inumin, common sence naman bro!

"weird name for a drink."

"haynako Han, inumin mo nalang nagtatanong pa eh!"

"Syempre kailangan kong tanungin! malay ko ba kung may lason ito. nakow di pwede yun!"

"Kaw naman, hindi lason ilalagay ko dyan kundi Gayuma ahaha."

"Anong gayuma yang sinasabi mo hah?"

"sa bagay, hindi ko na kailangan nun, mukha ko nga lang laglag puso na haha"

"Lakas mo ding ngumarap ah".... kahit totoo naman. Ininom ko na yung Nestea na binigay nya sakin at nagpasalamat nalang ako.

"Han, napapaisip ka ba minsan sa future mo?" biglang tanong sakin habang nakatingin sa langit at nakangiti. Anyare naman dito sa lalaking 'to?

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon