Chapter 9- Date? [PART2]

229 5 0
                                    


_________________

CHAPTER 9

_________________

Lance Perez POV


"Uyy pahingi naman" hingi ko sa kinakain nyang cotton candy. Hindi ko naman talaga gusto pero ang sarap nya lang asarin.

"A.yo.ko.nga." Natatawa lang ako na pagaakto nyang parang bata, ayaw mamigay kaya naisipan kong inggitin sya...

Iniwan ko sya saglit para makabili ng  sa nakita kong tindahan ng churros at nakakagulat dahil hinintay nya talaga ako. Parang binigyan ko na nga sya ng chance para makatakas pero hindi nya ginawa. I just find it funny how she's waiting patiently for me, it';s either nakalimutan na nya ayaw nya akong kasama or gusto nya lang talaga ako kasama, nagpapanggap lang sya.

Binalikan ko sya habang hawak-hawak ung churros na binili ko at timing na tapos na din ung kinakain nya. Now it's my turn. Kumain ako na parang sobrang sarap na sarap ako at nakikita kong napapalunok sya sa takam. 


"You want some?" Tumango lang sya dahilan ng pagkangisi ko. Akmang ibibigya ko sakanya ung churro pero bago nya makuha ito, nilayo ko kaagad sakanya at kinagatan ito. Nakangiti ako sakanya habang ngumunguya.


Wow I can't believe i'm doing this, it's so childish but somehow i'm enjoying it. Halata sa mukha ang inis.


"Hoy!" Sigaw nya sakin.

"Ano?" Hamon ko sakanya.

"Wala, nag'hoy' lang." Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi nya. This girl never fails to make me laugh. 

"Ba't ka tumatawa."

"Because of you."

"Wala naman akong ginawa ah." 

Tinapik ko ung ulo nya at ginulo ko ung buhok nya.

"Ah ba't mo ginawa yun!" Inis na sigaw nya sakin habang inaayos nya ung buhok nya. May sasabihin pa sana sya sakin pero hindi ko sya pinaumpisa.

"oh." Sabi ko habang binigay sakanya lahat ng churro na binili ko. I didn't really want it in the first place, I just needed something to tease her with. 


Nakita kong ngumiti sya nung kinuha nya ung pagkain pero mabilis ito nawala at sinungitan nya ako habang sinubo nya ung isang churro.

Ilang oras na ang lumipas at nandito na kami sa tabing dagat naglalakad papuntang resort namin. syempre hindi namin nilakad all the way galing D'mall. Sinabihan ko sa taxi driver na ibaba kami medyo malayo sa hotel namin. Sa una as usual binungangaan ako ni Krystal dahil puro lakad na nga ang ginawa namin maglalakad pa kami pauwi. 

Sa bagay nga naman, pero I just want to spend more time with her for some reason at gusto ko din malaman kung bakit parang inis na inis sya saakin. May ginawa ba ako? Well except for teasing her, yeah I admit to that. But I feel like there's more to it than just that.

Kanina pa kami nakahawak kamay kaya naisipan ko'ng bumitaw na. Pero napangisi ako nang nakita ko'ng nakahawak parin sya sa kamay ko.


"It seems like ayaw mo nang bumitaw sa kamay ko." Nakita ko'ng lumaki ung mata nya at natatarantang binitawan nya ung kamay ko.

"Anong pinagsasabi mo! nasanay lang! kita mo naman kanina pa tayo nakaholding hands dahil sayo!" Pagdadahilan nya. Yeah... sure.

"Oo nalang." 

"Anong 'oo nalang' ka dyan!?"

"Bakit? Sumasangayon na nga ako sa sinabi mo eh. Staka matanong ko lang." 

"Ano nanaman?" Naaasar nyang wika.

"Chill. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi mo ako tinatawag by my firstname? palagi nalang Mr Perez." I've been meaning to ask her since. Puro kasi sa last name nya ako inaadress, it's too formal at nararamdaman ko palagi na parang tatay ko ang binabanggit nya.

"ahh... wala ehh feel ko lang itawag ka by your lastname." Hindi ko ngayon mabasa ung mukha nya. Parang ayoko maniwala sa dahilan nya.

"Okay.. but just this last day. itawag mo naman ako sa firstname ko. Ayoko talaga ung formality eh."

"hmmm ano ba full name mo?" Tanong nya.

"Just call me Lance. that's it."

"Ano ngang full name mo eh." Pangulit nya sakin dahilan ng pagbuntong hininga ko.

"A-Alex Lance Perez... yan masaya ka na? tsk sabi ng Lance nalang ang itawag mo sakin eh."

"...Alex? hmm mas maganda yun, ayun nalang iatatawag ko sayo kung ayaw ng Mr Perez." Nakangiti nyang wika.

"Eh gusto ko Lance eh." Seryoso kong saad.

"Mas gusto ko naman Alex." Naging seryoso din ung mukha nya. Bigla tuloy ako nakaramdam ng inis. What's with this girl? What's wrong with Lance?

"Pangalan ko naman yan eh kaya ako masusunod."

"bibig ko naman toh at gusto ko Alex kaya Alex itatawag ko sayo."

"Lance."

"Alex."

"Lance nga sabi eh."

"Alex."

"Okay! Perez nalang." Inis kong bulyaw.

"Tama ka, nakakaewan pag formal, kaya Alex nalang hehe." May nakakalokong ngiting nakapinta ngayon sa bibig nya. Ah this girl.

"Lance na nga lang."

"Ba't ba ayaw mo sa Alex hah? Maganda. naman ah!" Natatawa nyang tanong.

"Eh sa ayaw ko dun eh. Ikaw!? ayaw mo akong itawag na Lance?" Balik kong tanong sakanya.

"Wala ka na dun." Pagkatapos nyasumagot, binelatan nya ako. Aba't--

"Bahala ka na nga." Nakakainis naman oh. I give up, I can't do this. Mukhang tuwang-tuwa naman sya. 


Sa wakas nakarating na din kami sa hotel and I can't believe we just fought about my name. 


"Okay kailangan ko na magready para sa flight mamaya. bye." Pagpaalam ko sakanya, ewan ko pero naiinis parin ako. Todo kasi makaasar si Krystal habang naglalakad kami. Naghiwalay na kami ng daan. Pero bago pa kami magkalayo ng daan, narinig ko ung boses nya.

"Bye Alex! haha" Habol nya. Ah this girl! Aish I don't care anymore. Tinaas ko lang ung kamay ko para magpaalam.


This is our last day na magiging partner ko sya. Maybe even last day ko syang makakausap, who knows... I don't care... Hindi ako makapaniwala na hindi manlang sya nahulog sakin kahit kaunti, sayang effort. Though I admit that I had a great time.

Usually kahit konti lang or wala manlang akong ginagawa at mukha ko na sapat para makuha ang mga babae. Sya pa lang siguro ang nagawan ko ng ganitong klaseng effort tapos wala pang napala.

She's one interesting girl alright...

______________________

[A/N]

Thank you for reading! 

Please Vote or Comment if you liked this chapter and the story so far.

Thanks and see you next chapter!

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon