Chapter 33 - One night to forget.

248 1 0
                                    

CHALTER 33

--------------------

Krystal's POV

=Present=

"Para ito sa babaeng nanonood nito.." nagbigay sya nang isang ngiti, ung ngiting palaging nagpapalambot sa puso ko...

Song Playing: Walang iba (Ezra band)

"~Ilang beses ng nagaway, hanggang sa magkasakitan di na alam ang pinag mulan~" Unti-unting tumutulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko syang kumakanta, hindi nyo alam kung gaano ko sya namiss.

.

.

.

"~Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano ikaw parin ang gusto~" Bigla naman akong napatawa sa lyrics haha

"Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't nasusugatan mo haha ihikaw pariiin walang iba, ang gusto kong makasama.

" Sya nagpili ng kanta sya din natawa haha pero kahit parang hindi sya seryoso sa pagkanta, rinig na rinig mo ung pagka sincere dahil sa lyrics..

bigla nalang tumigil ung music "AYOS! Tapos na din haha sana magustuhan talaga to ni Han." sabi nya at natapos na din ung video. Haha mukang nakalimutan nya atang iedit tsktsk haha ... *sigh* haist! Bakit ayaw parin tumigil ng mga luhang ito!? ha-ha ...

Han.. ang tagal na din sigurong hindi narinig ang pangalan na yun. Kung sa tutuusin, wala naman talagang tatawag ng pangalan na iyon saakin ulit dahil sya lang naman ang nagiisang tao ang tumatawag sakin nun...

Naalala ko tuloy sa una na naiinis ako palagi pag tinatawag nya ako sa pangalan na yon, ngayon hinihiling kong marinig muli iyo galing sakanya. Pero ngayon hanggang video ko nalang maririnig.

Pinunasan ko ulit ung mga luha ko at tumayo. Kailangan ko munang lumabas ngayon at magpahangin, kahit tignan ko lang ung camera nahihirapan na ako.

.

.

.

.

Huminga ako ng maluwag at umupo na sa isang bench dito sa malapit na park.

Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. tuwa? lungkot? inis? ... Ung napanood ko ung video, ang dami kong narealise.

Sa dami ng taon na niloloko ko ung sarili ko na nakamove on na ako, sa isang iglap parang sinampal ako ng katotohanan haha ... masakit. Masakit marealise ang katotohanan na nagmamahal ka nga, pero sa isang taong wala na.. Siguro kailangan ko nalang tanggapin.

Lance... kung nasaan ka man ngayon, gusto ko lang sabihin...salamat. Hindi ko man nasabi ito sayo noon pero gusto ko lang malaman mo na nagpapasalamat ako dahil nandyan ka sa tabi ko palagi kahit minsan masama ung ugali ko haha salamat sa lahat at hinding-hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko at kahit nasasaktan ako ngayon dahil wala ka na, masaya parin ako na ikaw ang minahal ko.

Hindi ako makatigil sa kakaiyak, lahat ng memories nagfla-flashback lahat ng mga masasayang moments sa buhay ko na kasama sya. Kahit gaano ko katanggap na wala na sya, hinihiling ko parin na sana nandito sya...sana nasa tabi ko sya ulit, sana nandito sya para asarin ako dahil umiiyak ako, sana...sana...

Naiinis na ako ng sobra habang napupuno ng puro "sana" ang utak ko. Mga sanang imposibleng matupad, selfish man ngayon ang mga hinihiling ko pero masisisi nyo ba ako?

Yumuko ako at binuhos lahat ng luha.

______________________

Lance PerezPOV

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon