CHAPTER 28
_____________________
Nalie's POV
It's Saturday at 5 days na yung lumipas nung nagkabalikan kami ni Daniel. Hindi ko alam kung kailan ako naging ganitong kasaya, may plano din akong ipakilala sya kila mama para hindi na nila ako kulitin haha.
Umuwi ulit ako ng maaga dahil pupuntahan ko mamaya si Daniel para maipakita ung mga pictures and videos na ginawa nya para sakin nung nasa America pa sya. So kailangan kong maghanda ng makakain namin etc. haha
Nagulat ako sa daming dala ni Daniel, may bit-bit syang malaking itim na bag.
"Ilan ba kamo ang ginawa mong video hah?" tanong ko.
"haha hindi naman masyado, 'kaw naman...So are you ready?" ngiti nya sakin.
Binuksan nya ung maitim na bag at nilabas nya ung isang camera. Habang ciniconnect nya ung camera sa tv ko, tinignan ko lang muna ung bag, curious kasi ako kung ano man ang nasa loob. Sino ba naman kaya ang hindi? Mysterious lang kasi ang peg dahil ang laki ehh.
Habang tinitignan ko ung mga nasa loob, may napansin akong isang camera....tekaaa...kilala ko 'to ahh.
"Diba eto ung camerang palagi mong bitbit nung highschool?" ngiti kong sabi sakanya. Ang galing naman nasakanya parin pala 'to. Bubuksan ko na sana ng...
"Teka!" Nagulat nalang ako ng hinablot nya sakin ung camera. "Wag mong buksan 'to."
"Bakit?"
"k-kasi...basta...haist nevermind, kalimutan mo nalang 'to okay? Eto nalang ung panoorin natin." Nako hindi ganon kadali yun noh! Curious na ako eh.
"No. Bakit ayaw mo ipakita sakin hah? Baket? May tinatago ka dyan noh!? Sino hah!? Sino--"
"Hay Nalie grabe ka ahh, kung iniisip mong babae ung tinatago ko dito, nagkakamali ka. Tsk parang magagawa ko yun sayo tsktsk."
"Eh ano nga kasi ung nasa loob nyan?"
"eh...Baka malungkot ka ehh wag nalang okay? Eto nalang hah?" turo nya sa isang camera.
"Daniel Lopez sasabihin mo sakin o aalis ka ngayon din!" seryoso kong sabi.
"tsk! Ang kulit naman kahit kailan!...(sigh)...ang nasa loob nyan ay ung video ni Lance...happy?"
"...Lance? B-bakit mo naman dala parin yan? Paano kung...si Krystal..." ihhh nakakainis naman ehh tama nga sya, bigla nalang akong nalungkot...
"may plano akong bisitahin ung sementeryo kung saan nilibing sya para mabigay sakanya 'to"
...
__________________________________
Krystal's POV
May plano akong puntahan si Nalie ngayon, hihi rinig ko kasi ayus na ung lablife ni frend hahaha masaya ako para sakanya. Alam kong ilang araw na silang balik pero nawalan na kaming time para magusap dahil ehem! 'lam nyo na...landi landi din pag may time haha.
Pagdating ko sa front door ni Nalie, kakatok na sana ako ng biglang bumukas, nyek hindi sila marunong magsarado ng pinto? tsktsk. Pumasok na ako pero napatigil ako ng nakarinig ako ng away...?
Nandito palang ako sa malapit sa pinto kaya hindi ko kita kung sino ung nagaaway, pero kilala ko naman ung mga boses, alam kong si Nalie 'to at si Daniel. May maliit na hallway malapit sa front door sa condo ni Nalie kaya hindi rin nila ako kita. Nagtago muna ako dahil ayoko namang gumitna sa away nila diba.
"Ginawa 'tong video para sakanya don't you think magiging masaya si Lance kung nakita manlang ung effort nya sa paggawa neto!?"....L-Lance....? Sinong Lance? si Alex ba?? Pero bakit naman nya ako gagawan ng video?
"Ano naman kung magiging masaya sya!? Paano na si Krystal!? Ano ang mararamdaman nya pag nakita yang video!? Sa tingin mo magiging masaya ba sya pag nakita nya yan!?"
...*silence*...
"Fine...I understand...Hindi ko na ipapakita sakanya okay?... sorry...can we please not fight anymore?" rinig kong sabi ni Daniel.
"Anong video...?" Yung narinig ko ang pangalan ko, hindi ko maiwasang mangealam sakanila. Ano kinalaman ko dito? Si Lance...anong video!?
"Krystal?" sigaw ni Daniel at Nalie sa gulat.
"Krystal anong ginagawa mo dito...? uhm kamusta ka na" --Nalie.
"Please...wag mong ibahin ung subject...sabihin mo sakin kung anong video." Hindi ko alam kung anong nangyayari pero bumilis ang tibik ng puso ko dahil sa kaba at takot ng marinig ko ang pangalan na yun... Lance...
"Uhm eto ba? a-ahh eto ung mga video'ng ginawa ni Daniel nung nasa America pa sya.." Hindi ko pinansin ung sinabi ni Nalie dahil alam kong nagsisinungaling na sya.
"Hindi! Narinig ko ung pangalan ni Lance, Nalie! Wag ka nang magsinungaling sakin please..." Naiinis na ako, pilit kong pinipigilan ang mga namunuong luha sa mata ko dahil mga halo-halong nararamdaman ko. Bakit nagsisinungaling sakin si Nalie?
"Krystal, it's for your best kung hindi mo na ito papanoorin please.." --Daniel.
"...Sige..." singit ni Nalie.
"Nalie..."--Daniel
"kung ibibigay ko 'to sayo ngayon, anong gagawin mo? Panonoorin mo? Tapos Ano? Iiyak ka? Lalabas lahat ng alalang kasama mo sya gusto mo ba yun? Kung oo, wag mong sabihin na hindi kita binalaan." Seryosong sabi ni Nalie sakin at inabot na sakin ung camera. Ang harsh nya magsalita ngayon pero hindi naman masamang kaibigan si Nalie... alam kong binabalaan nya lang ako na wag talaga panoorin kung ano man ang nasa loob ng video... Pero gusto ko talaga malaman.
"If you change your mind, ibalik mo nalang samin ung camera, easy as that." sabay bigay sakin ng camera at tinitigan nya ang mga mata ko ng saglit...
.
.
.
.
.
.
Hinatid ako nila Nalie pauwi, First time kong sumakay ng kotsye ng sobrang tahimik...walang kumibo ni isa samin. Hanggang ngayon, hindi parin makaprocess sakin kung ano ba talaga ang nangyari...sana hindi nalang ako pumunta sakanila...sana panaginip lang ang lahat na 'to.
Nakauwi na ako, kanina ko pa tinitignan ung camera, pero natatakot ako...natatakot ako kung ano man ang makita ko, ano nga bang mangyayari sakin? Hindi ko alam.
Tama ba talaga..? Papakinggan ko ba si Nalie. Pero kahit gusto kong mag-back out, hindi ko maiwasan ang mga nararamdaman ko na punong puno ng curiosity, lito, hindi ko alam ang gagawin ko...
Ang bilis ng tibok ng puso ko at kahit hindi ko panoorin 'tong video, kanya-kanyang lumalabas ung mga alala...kinagat ko ung labi ko para mapigilan ung iyak ko. Ang hirap isipin na kahit wala na sya, tumitibok parin ung puso ko para sakanya...Hanggang ngayon nasakanya parin pala ang puso ko..
matagal ko ng pinapangarap na muli ko syang makita o marinig ung boses nya... Napapangiti ako habang umiiyak habang iniisip sya ngayon...
Lance...
.
.
.
.
.
.
.___________________________
A/N : Abangan...lol. Malalaman nyo na kung sino ba talaga si Lance!! Pero this time malalaman nyo na talaga haha.
Sorry kung boring na sya ahahaha hindi ako dramatic na tao kaya pagbigyan nalang xD
BINABASA MO ANG
Destiny's Given Second Chance
Romansa[PLEASE READ] =Second Chances= . . What if you had a second chance to meet someone again for the first time. *That special someone* In some views they look alike. Their personal taste are exactly the same, though their attitude is far, far opposite...