Chapter 32- Her Tragic Past

192 0 0
                                    

Finally eto na ung last chapter tungkol sa past ni Krystal. Maganda ba? let me know  haha

**************

Chapter 32

_______________________

Lance's POV

Ilang buwan na din ang lumipas napagisipan ko din na ready na akong ipagsigaw sa mundo na mahal ko si Krystal Han Ferrer haha.

May plano na ako kung papaano ko isesetup ung pagconfess ko. Gusto nyo malaman??

Edi umatend kayo sa araw na yun para malaman nyo haha .

Pagkatapos ng klase ngayon, hindi katulad ng ibang araw na kay Han ako sumasabay umuwi, ngayon, kay Daniel dahil kasabwat ko sya dito eh haha , sya lang naman ung kaiisang tao na mapagkakatiwalaan ko dito.

"So kamusta naman ung pinaplano mo?" tanong sakin ni Daniel.

"ayus naman, inaasahan ko lang ngayon ay hindi ako masapak nung babaeng yun pagkaconfess ko haha!"

"ahahaha goodluck nga sayo pare! tsk Ang sakit pa naman nung manuntok dinaig pa ata ako haha."

"ahahaha" .... At ayun, nagtawanan nalang kami habang pinaguusapan namin si Krystal.  Alam ko na din na nagkagusto sya kay Krystal noon pero ang alam ko naman ngayon ay iba na ang gusto nya kaya safe ako sakanya haha.

.

.

.

.

.

Dinaanan ko muna ung bahay ni Daniel bago umuwi para makuha ung hinihiram kong camera.

"Sige salamat ah!" sabi ko.

"Walang anuman! Basta ba eh mabalik mo yan na ligtas kung hindi! Pati si Krystal hindi ka maliligtas haha" pagbibiro nya. haha ganun ba talaga nya kamahal ang mga camera nya?

Tuluyan na din akong umalis...ayos! magagawa ko na din ung step one sa plano ko haha-- uy teka nalaglag ung bandaid ko, tsktsk wow ganon pala kahirap magGuitara?? at oo nagaral ako magguitara dahil meron kasi gustong ikanta kay Krystal at sa guitara lang pinaka magandang pakinggan kaya ayun, nagpaturo ako sa pinsan ko.

Binilisan ko ung paguwi ko sa bahay para magawa ko na ung step 1 at magawa na ung iba...

_____________________

Krystal's POV

=2 days later=

nakatingin lang ako ngayon sa bintana habang nagtuturo ung teacher. Wala akong ganang makinig ngayon eh.

Siguro sa lahat ng subjects,  hindi ako makapagfocus...hindi ko alam eh si Lance lang palaging nasa isip ko-- oi wag kayo ah! Nagaalala lang ako, yun lang..kasi parang ang distant nya ng konti sa mga nakalipas na araw. Hindi na sya nakikisabay sakin paguwi eh malapit lang naman bahay nya sakin.

Tapos ngayon absent sya, para sa taong yun na magabsent, iisipin ko nalang kung may problema ba sya o may sakit... pero maayos naman ung itsura nya kahapon kaya hindi pwedeng magkasakit sya.

Haist! lagot sakin yung lalaking yun pag nakita ko sya mamaya! Hindi na talaga ako mapakali, at hindi lang sa pagiging O.A ako pero kanina ko pa nararamdaman ang kaba, ang weird nga eh bakit naman ako kinakaba??

_________________________

Lance's POV

Eto na talaga bukas na ung day! Nandito ako ngayon sa mga tindahan naghahanap lang ako ng mga gamit para pangpadagdag sa greatest confessing ever! haha

Destiny's Given Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon