CHAPTER 36
_____________________
[Krystal]
"Omy!" Nakakatuwa ung itsura ng mama ni Alex nang makita nya ako, parang matagal ng hindi nakakakita ng bisita haha.
Nilibot ko gamit ang aking mga mata ung bahay nila, malaki sya, parang ung bahay lang namin kaso mas malaki lang ng konti ung saamin. Pero nakapagtataka naman, wala atang ibang taong nakatira dito. So ibigsabihin magisa lang nakatira dito ung mama ni Alex?
"Alex anak ba't hindi mo sinabi sakin na may bisita tayo? Hali na't pumasok kayo." Ang ganda nya at halatang masahayin syang tao.
Ibang-iba ung naimagine ko based sa ugali ni Alex, bale parang si tita Gina, ung isa nyang nanay kaso mas malala pa dun. Hmm sigurado ba syang hindi si tita Gina ang totoo nyang nanay? Jokes! bad Krystal.
"Nako buti nalang tama lang para satin ung niluto ko haha pasensya na ah." ngiti nyang sabi.
"ah ayus lang po yun."
Pinaupo na ako nila sa dining table habang niready na nila dalawa ung pagkain, gusto ko din sanang tumulong kaso di ako pinayagan haha.
Oo, tumulong din si Alex, woow talaga, di ko inakalang may ganto syang side. At take note hindi sya ung usual na walang expression, nakangiti sya mga kaibigan!
Pagkatapos nila ay umupo na sila, tinabihan ako ni Alex habang kaharapan namin ang mama nya.
"Ay... makawalang galang naman ako haha di ko pa tinatanong ung pangalan ng girlfriend ng anak ko haha" Muntikan ko na atang maibuga ung kanin kong sinubo.
"Ahh.. hindi po.."
"Ma, kaibigan ko lang sya."
"Ay... ganun ba? ahaha mukhang nabigla ko ata kayo, sorry. Kaw kasi anak eh ang tagal mo ng hindi nagpapakilala sakin na babae pagkatapos ni--" Hindi na natapos ni tita ung sasabihin nya ng pinigilan sya ni Alex.
"Ma, can we not mention her please?" her? sino kaya yun? Parang may nabuong awkwardness kaya nagpakilala nalang ako.
"Ako po si Krystal." ngiti kong sabi.
"Ako naman si Alexana pero you can call me tita." ngiti din nya sakin.
Natapos ang kainan namin sa isang kwentuhan. May kaunti din akong nalaman tungkol kay Alex, medyo nalito lang ako nung sinabi ni tita na isa syang mabait, mapaalaga at mapalasayahing tao. Saan banda diba? Kahit hindi naman ako agree, ngumiti at tumango nalang ako.
Pero ang wierd, palagi nalang pinipigilan ni Alex ung mama nya pag magkwekwento sya tungkol sa mga past nya lalo na tungkol sa lovelife nya. Ewan ko kung bakit pero mas nacurious ako tungkol sakanya.
Inumpisahan na ni Tita Alexana magligpit ng kinainan namin at tutulungan sana namin sya ng pinigilan nya kami.
"Hep! Ako na dito. Magusap-usap lang kayo dyan, kaw Alex ientertain mo naman ung guest natin." At ayun nagligpit na sya at isang 'opo' lang ang nasagot namin.
"Pwede ka ng umuwi." bulong nya sakin. aba namang! Paalisin ba naman ako ng ganun-ganun lang? Nasaan nga ba ung 'mabait' na Alex na sinasabi ni Tita psh!
"Che! pasalamat ka pumayag pa ako dito eh." binigyan ko sya ng isang masamang tingin pero sa kinagulat ko, bignigyan nya ako ng isang ngiti, hindi ngisi, kundi ngiti!
"haha.. Thank you." psh! Hindi ko nalang sya pinansin at nagpaalam na ako kay tita. Biro nyo malapit-lapit ng ng konti ung bahay namin... hindi naman ganun kalapit pero you know what I mean haha

BINABASA MO ANG
Destiny's Given Second Chance
Romance[PLEASE READ] =Second Chances= . . What if you had a second chance to meet someone again for the first time. *That special someone* In some views they look alike. Their personal taste are exactly the same, though their attitude is far, far opposite...