Hey boy, how are you... tanong ko dito dinalaan lang niya ako hinimas ko naman ang ulo niya. Binalingan ko ng tingin si luna at nag papahiwatig na pumasok na siya mukha namang nakuha niya ang ibig kong sabihin. At pumasok na siya sa loob ng mansion sumonod naman si luran at ako.
Hey, Miss !!! ,tawag ng isang boses sa akin na siyang nagpatigil sa pagpasok ko. Hindi ko sila nilingon at hinintay ang kanilang sasabihin.
P-wedi ba kaming makituloy... ramdam ko ang kaba ng babae habang tinatanong ako.
Tinaas ko lang ang kamay ko na nag sasabing tumuloy sila at pinagpatuloy kuna ang paglalakad papasok ramdam ko namang sumonod sila, nag patuloy ako sa pag lalakad papuntang kwarto ko para makaligo at makapag bihis narin.
Matapos ng ilang minuto bumaba na ako at nakita ko silang tahimik na naka upo habang naka abang sa kanilang harapan sina luna at luran na sa tingin ko natutulog.
Mukhang naramdaman naman nila ang presensya ko kaya napatingin silang lahat sa akin maliban kina luna at luran.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad daritsong kusina para mag handa ng hapunan naming lahat, hindi ko alam kong bakit sila nandito at mukhang taga ibang mundo silang lahat dahil narin sa kanilang mga kasuotan na subrang balot. Hindi ko alam kong ano at bakit sila napad-pad dito pero yon ang aalamin ko. Hindi sila nababagay sa lugar na ito, at sigurado akong magiging delikado para sa kanila kong mag tagal pa sila dito.
At sigurado ako alam na ni arsa ang nangyari sa mga alaga niya, at gumagawa na siya ng plano ngayon para dakpin ang mga pangahas na pumatay sa kanyang mga alaga.
Kung nag tataka kayo kong sino si arsa siya ang kapatid ni inang reyna na nag alaga sa akin noong napad pad ako dito, wala silang anak pero kahit ganon masaya parin sila kahit silang dalawa lang ni ama pero nag nakita nila ako naging mas masaya pa sila at tinuring nila ako bilang isang tunay na anak dahil doon domoble pa ang inggit ni arsa sa aking ina wala siyang laban kay ina kaya nakipag sundo siya sa demonyo na siyang dahilan kong bakit nawasak ang ingkatya at namatay sina ama at ina. Ginawa alipin ni arsa ang ibang diwata at ang iba ginawa niyang mga puno.
Hindi ako nasali dahil natago ako nila ama at ina at may binanggit silang orasyon para maprotictahan ako at itong mansion. Nalaman kasi ni ina at ama na ako ang ginawang kapalit ng kasundoan ni arsa sa demonyo, ng nalaman iyon ni ina gumawa agad sila ng isang proticsyon para hindi ako malapitan ni arsa,pero ng malaman iyon ni arsa sinumpa niya ako na hindi ako makakaalis sa mundong ito hanggang nabubuhay siya.
Natapos na akong maghanda ng pagkain ,pinuntahan ko na ang mga panaohin ko. Nakita kong tahimik parin sila,napatingin sila sa akin ng papalapit ako sa kanila.
Come with me .. sabi ko sa kanila at tinalikoran na sila.