chapter #6

3K 70 1
                                    

Matapos ng ilang minuto nakita naming pababa na ang babae nakaligo at nakapag bihis na ito akala ko haharapin na niya kami pero nilagpasan lang niya kami at pumasok sa isang pinto.

Nag katinginan naman kaming apat maliban kay kuya grey na nakapikit habang nakasandal sa sandalan ng supa.

Maganda ang babae maputi at napaka amo ng mukha at sigurado ako na kahit sinong lalaki mabibighani sa kanya.

Nag hintay nalang kami sa kanya kong kaylan siya lalabas. Makalipas ng kalahating oras nagugutom na ako at mukhang ganon din ang kasamahan ko wala pa naman kaming dalang pag kain.

Napatingin kami sa pinasukan ng babae kanina ng bumukas ito papalapit ito sa amin at tumigil sa hindi kalayuan at nakatingin lang sa amin, napaka ganda talaga niya kahit saang ang gulo at isuot. Bagay sa kanya ang puti niyang buhok na umaalon alon. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako habang nakatingin sa kanya kong lalaki ako na love at first sight na siguro ako hindi ko lang alam sa mga kasamahan ko kong ganon din ba sila katulad ng sa akin. Nabalik lang ako sa aking ulirat ng magsalita siya.

Come with me . sabi ng kanyang malamig na boses na may pagka hinhin, at may paggalang sa amin bilang kanyang panaohin. Matapos niya kaming tawagin at pinapasunod sa kanya tumalikod na siya at bumalik sa pintong nilabasan niya kanina.

Nag katinginan naman kaming lima bago napag pasyahang sundan ang babae.

Pag pasok namin sa isang silid bumongad sa amin ang napakaraming pagkain at ang babae na nakaupo sa dulo ng mahabang lamisa.

Have a sit . sabi niya sa amin, nag siupoan naman kami sa mga upoang may mga pinggan na naka handa .

Let's eat.. sabi niya sa amin at nag simula na kaming kumain na wala ni isang nag salita.

Masarap ang mga pagkaing nakahanda at sigurado ako siya lahat ang nagluto nito.

Sino kayo?

ICE PRINCESS(complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon