chapter #8

3.1K 76 1
                                    

Alexandra

Handito ako ngayon sa sala at nakatanaw lang sa labas ng bintana, wala kang makitang kahit ano dahil sa bumabalot na kadiliman. Matapos kong pagmasdan ang napaka dilim na paligid napag pasyahan kong umopo sa muna dahil sa pagod lumapit naman saakin sina luna at luran at humiga sa paanan ko. Hinihimas-himas ko ang napaka lambot nilang balahibo.

Sa tingin ninyo luran at luna makakatulong kaya sila sa atin. Tanong ko sa kanilang dalawa.

Ano ba ang tingin mo sa kanila?balik tanong sa akin ni luna, hindi ko pala nasasabi nakakapag salita silang dalawa.

Ikaw luran may sasabihin kaba? Tanong ko dito,' kilalanin mo muna sila at kong bakit sila narito.

Tumango nalang dahil tama siya kailangan ko muna silang kilalanin pero, hindi sila kailangang madamay dito prolema ko ito kaya ako dapat ang humarap nito. Napaisip ako hindi naman siguro sila masama dahil kong ganon hindi sila makakapasok dito kong may balak sila sa akin pero humihina na ang protection ng mahika sa akin kaya hindi malabong makapasok sila dito.

Mukha naman silang walang balak na masama luran at isa pa may gusto akong malaman sa kanila. Seryoso kong sabi dito hindi na sila nagsalita pa.

Napatingin ako sa pinto ng dining room ng makita ko silang sabay-sabay lumabas.

Naunang nag lakad ang nag ngangalang anica sa kanila at sa natatandaan kong nangyari kanina sa labas ng mansion kaya niyang pasunorin ang mga halaman pero alam kong hindi niya kayang pasunorin ang mga punong kahoy kapag nasagubat at halaman dahil nasa ilalim ito ng itim na kapang yarihan ni arsa.

At ang kasunod naman niya ay si mica kaya niyang pasunorin ang tubig kasunod nito ay si josh na kayang kuntrolin ang hangin at ang kasunod nito si Kevin na lupa naman ang kaya niyang pagalawin at ang panghuli grey aston na siyang kumokuntrol sa apoy. Mga taong may mga kapangyarihan at hindi basta-bastang kapangyarihan dahil ito ay mga elemento nag tataka ako bakit sila nandito at ano ang ginagawa nila sa lugar na ito.

Nakita kong nag sipag upo sila sa malaking supa na kaharap ng saakin. Napatingin ako sa dalawa kong alaga nakapikit ang kanilang mata at iisipin mong tulog sila pero hindi nakikinig lang sila at nakikiramdam ng sa paligid kong may panganib bang parating.

Hmm,ahh ehh miss alex ano po ba ang nangyari dito.

ICE PRINCESS(complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon