Sabi niya na nag pakunot sa aming mga noo
Bakit naman? Nagtataka kong tanong sa kanya.
Dahil sa kanyang kalagayan ngayon hindi na dapat natin dagdagan.
Seryosong sabi niya sa amin na ikinatango ko nalang.
Kaylan naman natin dapat sabihin sa kanya, alam naman natin na nanganganib din ang isa pa niyang kaharian.Seryosong sabi ni josh.
Tama at dapat na natin siya mauwi doon para pamunoan tayo. Sabi naman ni mica
Pero paano natin siya mauuwi kong buhay naman niya ang kapalit? Tanong ko naman.
Kong mapatay ninyo si arsa babalik sa dati ang lahat. Napatingin kami sa nag salita at nakita namin si luna na nasa harap ng pinto.
Paano namin siya mapapatay? Seryosong tanong ni kuya grey.
Sa pusod nitong gubat may isang punyal na nakatusok sa isang bato at ang tanging makakuha nito ay ang may magandang hangarin, ito ang tanging makakapatay kay reyna arsa pero hindi madaling makuha ito dahil binabantayan ito ng mga alagad ni arsa. Mahabang paliwanag niya sa amin na kinatango namin.
Paano namin mapapalabas si reyna arsa sa palasyo? Tanong ni kevin dito.
Hindi ninyo siya mapapalabas sa palasyo niya dahil isang bangkay nalang siya. Sabi niya sa amin na kinagulat namin.
Ano pa ang saysay na makuha namin ang punyal kong patay na siya? Nagtatakang tanong ni josh
Patay na ang katawang tao niya pero hindi ang kaluluwa niya na pumapasok sa ibat ibang katawan mapahayop o tao na siyang ginagamit niya bilang istruminto para makapag hasik ng lagim ang kailangan ninyo lang gawin ay mapasok ang palasyo at hanapin ang katawan niya at itarak ang punyal sa mismong puso niya, pero bago ninyo iyon magawa marami pa kayong pagdadaanan.
Mahabang paliwanag niya sa amin napaisip naman kami.
Bago kayo gumawa ng disisyon na ipapahamak ninyo mag isip muna kayo ng mabuti dahil pweding mamatay ang isa sa inyo sa isang maling disisyon. Huling babala niya sa amin bago kami tuloyang iniwan , napaisip din ako tama siya pweding mamatay ang isa sa amin.
Tiningnan ko isa- isa ang aking mga kasamahan seryoso din silang lahat.
Napaangat ako ng aking ulo ng makita ko ang taong papasok dito at mukhang nakaramdam din ang mga kasamahan ko kaya napatingin din sila.
Nakasunod lang ang tingin namin kay alex na parang hindi kami nakita tuloy- tuloy lang siya sa lagayan ng tubig at uminum nag lakad na ulit siya palabas pero nabigla ako ng tumigil siya na hindi man lang lumingon sa amin.
Kong ano man yang iniisip ninyo wag na ninyo itoloy.
Malamig nitong sabi sa amin at pinagpatuloy na ang paglalakad palabas. Nag katinginan naman kaming lima.
Ano na ngayon.
.... mukhang alam niya ang nasaisip natin, " tanong ni kevin.
Ako na ang bahala sa kanya, " napatingin ako kay kuya grey dahil sa kanyang sinabi ganon din ang iba.
Sigurado ka kuya? Tanong ko na tinanguan lang niya, pumayag narin kami dahil muhang seryoso siya dito