Luna tayo na....
Sabi ko at nag simula na kaming tumakbo pabalik sa mansion daladala ni luna ang napatay naming baboy ramo na siyang hapunan nila mamaya.
Malapit na kami sa mansion ng...
Shhssssss!!!!! Shssssss!!!!!!
Shit!!! Bilis luna malapit na sila... sabi ko dito at binilisan pa ang takbo .
Ahhhhhhh!!!!
Rinig kong sigaw ng hindi ko kilalang boses galing sa mansion. Binilisan ko pa ang pag takbo at napatigil nalang ako sa aking nakita nag tago muna kami ni luna sa malaking puno at pinag masdan muna sila nakikita kong namang hindi sila mga ordenaryong tao at sa palagay ko marunong silang lumaban.
Kuya tulongan mo ako...!!! Siyaw ng babae na mahaba ang buhok at kulay green ang mga mata. Agad namang sinugod ng lalaki ang malaking ahas na nakapulupot sa babae,nagulat ako ng may lumabas na apoy sa kanyang kamay.
At tinapon doon sa malaking ahas natamaan naman ito kaya nabitawan nito ang babae,akala ko mahuhulog nito sa lupa pero akala ko lang pala iyon dahil lumotang lang siya sa hangin. Napatingin ako sa lalaking malapit sa may pinto na siyang dahilan ng pag lutang ng babae.
Nabalik ang tingin ko sa lalaking apoy na nilalabanan parin ang malaking ahas..
Nakita kong may dumating pang dalawang ahas na kasing laki din ng ahas na unang dumating.
Nilabanan naman ng isang lalaki at isang babae ang isang ahas ganon din yong isa pang ahas na nilabanan ng lalaking may kapangyarihang hangin at nong isang babaeng green ang mata at sa tingin ko kaya niyang pagalawin ang halaman.
Napahawak naman ako sa puno ng bigla nalang gumalaw ang lupa, patingin ako sa isang lalaki na siyang dahilan kong bakit gumalaw ang lupa inipit niya ang ahas sa ilalim ng lupa at pinalibutan naman ng babaeng kasama niya ang ahas ng tubig na siyang dahilan ng pagka matay nito. At pagtingin ko sa iba tapos narin ang iba sa pakikipag laban.
Anong klaseng nilalang sila hindi sila ordinaryaong mga ahas sa laki nila.. rinig kong sabi ng isang babae na tubig ang kapangyarihan.
Ewan hindi ko alam ...,josh buti pa katukin mo baka may tao at kong pwedi tayong makituloy.
Utos ng lalaking napapagalaw ang lupa . Kakatok na sana siya ng bumokas bigla ang pinto at nilawa doon si luran napaatras naman ang apat maliban sa isa na seryoso lang itong naka tingin kay luran.
Lumingon sa gawi namin si luran na sinundan naman ng tingin ng lima gulat parin ang nakikita mo sa apat, nakatingin lang ako sa kanila at dahan dahang humakbang papalapit sa kanila ng nasa harapan na nila ako hindi parin ako nag salita pinag masdan ko lang silang lima, at binaling ang tingin kay luran na sa likod ko lang si luna.