Anica pov:
Hindi parin ako nakapaniwala sa aking nasaksihan at nakalaban kanina how could na may ganon kalaking ahas kaming makita at makalaban.
Muntik pa akong naging hapunon god akala ko talaga katapusan ko na at hindi pa pala natatapos doon dahil nag tawag pa ito ng kasama buti nalang at nakaya namin labanan at walang napahamak.
Pero hindi pa doon nagtatapos dahil noong bumokas ang malaking pintuan gusto ko na sanang tumakbo at mag sisigaw dahil sa nakita kong malaking itim na lobo na lumabas sa pinto akala nga namin susugurin niya kami dahil sa talim ng tingin niya sa amin.
Ng lumingon ang lobo sa isang gawi napa sunod kaming lahat at sinundan kong saan nakatingin ang lobo nakita namin ang napaka gandang babae na nakatayo sa isang puno at sa likod nito ay isa ding napakalaking lobo na kulay puti. Anong nangyayari sa mundong ito at kakaiba yata ang mga hayop dito. Tanong ko sa aking sarili, napatingin ako sa damit ng babae na kinalaki ng mata ko may mansya ito ng dugo akala ko sugatan siya buti nalang nakita ko ang dala ng lobo sa likod nito na isang patay na hayop.
Nag simula itong mag lakad papalapit sa amin nakatingin lang ito sa amin na walang anong imosyon na mababasa sa mukha tumigil ito sa harap namin at mukhang sinusori kaming lahat, mukhang tapos na niya kaming suriin tumingin siya sa malaking lobo at nag lakad papalapit dito.
Hey boy, how are you? Malamig na boses ang narinig namin habang tinatanong ang itim na lobo, dinalaan lang siya nito ..
Akala namin hindi niya kami patutuloyin dahil pumasok siya sa loob na hindi manlang kami nilingon buti nag lakas loob kaning tawagon siya at tanongin kong pwedi ba kaming tumoloy pinatuloy naman niya kami ng walang kahit na anong tanong. Bago kami pumasok sinunog muna ni grey ang ulo ng tatlong ahas bago pumasok.
Ng makapasok na kami naupo agad kaming lima sa mahabang upoan, nakita ko naman ang babae na tuloy-tuloy lang sa pag lakad paakyat.
Nag lakad palapit sa amin ang dalawang lobo at umiga sa hindi kalayuan sa harap namin mukhang binabantayan nila kami kong may gagawin ba kaming hindi maganda. Tahimik lang kaming lima at walang nag sasalita o gumawa man lang ng ingay.