Anica pov:
Ganon pala ang nangyari dito kaya pala ganito nalang ang nararamdaman ko lugar na ito cheepy. Kong ganon hindi siya ang anak ng reyna at hari tinitigan ko siya ng mabuti hindi kaya siya na ang hinahanap namin pero hindi pa ako nakakasiguro hanggat wala pa kaming sapat na ibidensya.
Bakit pala kayo napunta sa lugar na ito? Tanong niya bigla sa amin na hindi manlang tumingin. Nakita kaya niya ang nangyari kanina at ang mga kapangyarihan namin hindi naman iyon nakakagulat sa kanya dahil nandito kami sa mundo ng dewata na puno din ng kababalaghan.
Sa tingin namin naligaw kami at mali ang portal na pinasukan. Sabi ko nalang sa kanya.
Tumango-tango lang siya bilang sagot. Napatingin ako sa kanya ng tumayo siya at nag lakad papunta sa bintana nakatingin lang siya sa labas.
Isa lang ang sasabihin ko sa inyo wag ninyong tangkaing na lumabas dito kapag gabi kahit ano pa ang marinig at makita kong ayaw ninyong pag pyestahan ng mga alagad ni arsa na naghihintay sa labas ng bahay nato.
Seryosong babala nito sa amin at dahandahang humarap sa amin, "mag pahinga na kayo pumili nalang kayo ng silid kahit saan dito, pwedi kayong tumigil dito hanggang kaylan ninyo gusto,magandang gabi sa inyong lahat. Sabi niya sa amin at tumingin ulit sa labas ng bintana.
Tumingin ako sa mga kasamahan ko kanina ko pa napapansin na wala silang imik lalo na ang tatlong lalaki..
Hello guys andiyan paba kayo hindi kayo nagsasalita jan, " tanong ko sa kanila tumingin naman sila sa akin.
Ano nanaman ang sasabihin namin? Tanong sa akin ni josh nag kabit balikat lang ako.
Hindi paba tayo mag papahinga inaantok na ako.. tanong naman ni mica na mukhang inaantok na.
Anica share tayo ng silid huh!! Sabi niya sa akin at humawak sa siko ko tumango nalang ako bilang sagot tumayo na ako kasunod din si mica.