Pero ano iyong sabi kanina ng bruha kasal anong ibig non? Takang tanong ni anica.
Kasal ni Alexandra at ng demonyong nag anyong tao. Napatingin kaming lahat sa nagsalita.
Luna!!! Sabay sabay na tawag sa kanya ng dalawang babae.
Anong ibig mong sabihin? Seryoso kong tanong sa kanya.
Bago ko sagutin ang lahat ng katanongan ninyo kailangan muna nating makaalis dito, " seryoso niyang sabi sa amin.
May dinampot naman siya sa sahig gamit ang kanyang bibig. " ito gamitin ninyo sa pagbukas ng padlock. Sabi niya sa amin at binigay sa amin ang susi.
Kinuha naman agad ito ni kevin at binuksan ang pinto ng selda.
Sumonod kayo sa akin nag hihintay sa atin si luran, " sabi niya sa amin at tumakbo sumonod naman kami sa kanya,wala kaming nakitang bantay sa dinadaanan namin na pinag tatakhan namin.
Pumasok kayo!!
Pumasok naman agad kami sa isang silid at doon nakita namin si luran.
Buti naman nandito na kayo may dalawang oras pa tayo para mag plano bago ang kasal. Agad niyang sabi sa amin.
Anong ibig mong sabihin? Tanong ni josh.
Matagal na itong plano ni alex na tatapusin niya ito sa araw ng kanyang kasal, pero dumating kayo na siyang sisira sa kanyang plano kaya nagawa niya ito sa inyo para hindi kayo madamay sa gulo,pero hindi namin siya kayang pabayaan kahit pa na alam niya na hindi siya magagalaw ni arsa pwedi naman siyang mapatay ng mga kampon nito.
Kaya ba kayo nawala kanina para hindi kayo madamay sa pag dakip sa amin? Tanong sa kanila ni mica.
Oo, pero hindi naman talaga kami humiwalay sa inyo nakasunod lang kami ng palihim dahil wala ng ibang daanan. Sagot ni luna dito.
Kanina bakit walang bantay? Tanong ni josh
Dahil nag hahanda silang lahat sa magaganap na kasayahan para mamaya at dahil wala kayong bantay dahil pinapabayaan lang nila itong mamatay doon. Sagot niya na kinatango lang namin, ng bigla nalang nag salita si luran.
Tama na ang kwintohan malapit na mag sisimula kailangan nating mag plano dahil tulad ninyo wala din kaming alam sa binabalak ni alex ang tanging alam namin ngayon niya tatapusin ang lahat.