Pag labas ko nakita ko agad sila na ginagamot si luran na mukhang malala ang sugat sa kanyang tiyan. Nilapitan ko na agad sila.
Kumosta siya? Tanong ko sa kanila. " okay na siya wala na ang lason sa kanyang katawan kailangan nalang niyang magpahing. Sagot ni kevin, tumango nalang ako.
Kumosta si alex okay lang ba siya? Nag aalalang tanong ni anica.
She's fine, wala siyang natamong sugat kailangan lang niyang pagpahinga dahil sa nawalang lakas. Sagot ko dito at umopo sa supa.
So ibig sabihin siya ang nawawalang princesa ng elemental word . Seryosong tanong ni mica na nag pakuha ng atinsyon namin sa kanya.
Oo, maikli kong sagot sa kanya.
So tapos na pala ang mission natin dito kaya pwedi na tayong umalis. Sabi niya sa amin tumango lang ako.
Ano pa ang hinihintay natin bakit hindi pa tayo umalis dito. Hindi mapakaling sabi niya.
Hindi yun madali mica, may kailangan pa tayong taposin at ayusin dito. Sabat naman ni anica.
Anong ibig mong sabihin anica, ang sabi sa atin hanapin at i-uwi ang prinsesa, walang sinabig mangingialam tayo sa nangyayari sa lugar na ito kong ayaw ninyo ako mismo ang mag uuwi sa kanya at bahala kayo sa buhay ninyo. Sabi niya at akma na sanang papunta si xandra pero agad ding humarang sina luna at luran sa kanyang dinadaanan at galit itong nakatingin sa kanya, napa singhap naman siya sa gulat.
Ganon din sina josh at anica nakatingin lang si kevin at nakaupo lang ako dito na nakatingin sa kanila tumingin si anica sa akin na mukhang nag alala at humihingi ng tulong.
Hindi mo siya pweding ilayo dito . Galit na sabi ni luna. Napaiktad naman si mica sa lakas ng boses ni luna.
A-at bakit hindi.... hindi niya mundo ito.. nanghihikatukutan niyang sabi.
Naging siryoso naman ang mukha ni luna at nakatitig lang kay mica.
Nong dumating kayo dito nagkagulo na lahat tahimik kami ditong nakatira nakakalabas ng walang masyadong iniisip, pero nag bago ang lahat ng dumating kayo nandahil sa galit ni reyna arsa sa inyo nadamay si Alexa-
Luna tugil ka!! Suway ni luran dito.
Bakit luran hindi ba totoo!! Nandahil sa pag tulong at pagpatuloy ni Alexandra dito sa kanila nagalit ni reyna arsa sa kanya. Wala silang utang na loob alam naman natin na hindi sasaktan ni reyna arsa si Alexandra pero ano ngayun ng dahil sa kanila sinaktan niya, At nangdahil sa kanila namatay lahat ng alaga ni Alexandra ng dahil parin iyon sa kanila.
Luna tumahimik kana!!! Galit na sabi ni luran dito, masama namang tumingin si luna dito at bumaling sa amin.
Sige kunin ninyo siya at i-uwi hindi namin kayo pipigilan pero isa lang ang sasabihin ko sana hindi ninyo ito pag-sisihan.
Pagkasabi niya noon naglakad na siya palayo sa amin.