Grey Aston pov:
Let's go...
Sabi ko sa kanila , nag sitayuan naman nila at nag simula na kaming tumakbo malapit lang naman dito ang palasyo ni arsa , maingat kami sa aming mga galaw.
Nakatago kami ngayon sa mga punong nasa paligid kasama ko si xandra, sina kevin at anica naman ang mag kasama sa isang puno habang nag mamasid sa paligid.
Magkasama naman sina josh at mica na nakamasid rin hindi ko makita sina luna at luran.
Saan nag punta ang dalawa mong alaga. Tanong ko kay xandra na busy sa ginagawang palaso.
Tumingin naman sa akin, " may inutos lang ako sa kanila wag mo na silang hanapin. Walang gana niyang sabi sa akin.
Tumango nalang ako at napatingin sa kinarounan nila kevin at anica sininyasan ko si kevin na may paparating na kalaban sa kanilang kinaruruonan mukhang nakuha naman niya ito at sinunggaban ang taong ahas na walang ingay.
Pagkatapos noon sininyasan ko sila na sumonod sa akin na tinatango lang nila.
Xandra tayo na, " sabi ko sa kanya na tinanguan lang din niya. Nandito kami ngayon sa likod ng palasyo at kunti lang ang nag babantay dito.
Kinapakapa namin ang dingding kong saan nandon ang secret door kong saan pinasukan ni xandra noon papasok dito sa loob. Hindi ko na inalam kong bakit pumasok siya dito noon.
Nakita ko na, " sabi niya at may kinuhang isang parti ng bato at bumokas ang isang hindi kalakihang padir pina una ko silang pinapasok at pina ka huli ako, nag sara naman ng kusa ang pader.
Madilim ang daang tinatahak namin, nag labas ako ng apoy sa kamay ko para mag karoon kami ng ilaw.
Saan tayo lalabas nito? Tanong ni mica.
Sa isang silid na walang kalaman laman, " sagot naman ni xandra.
Pag labas natin doon umakyat na agad tayo sa hagdan papunta kong saan ang silid ni arsa. Pagpapatuloy niyang sabi.
Okay bilisan natin patayin ang dapat patayin.. sabi ko sa kanila.
Pero pagkalabas namin sa puting silid hindi na kami nakagalaw dahil sa napapalibutan na kami ng alagad ni arsa.
Napatingin ako kay xandra ng unti-unti siya lumalayo sa amin.
Anong ibig sabihin nito alex? Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni anica, pero ako nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso. Nakita ko naman sa mata niya ang dumaang longkot pero napalitan agad ako ng walang expression na tingin.
Nakangite itong nilingon si anica. Sa palagay mo ano ang ginagawa ko anica, mga lapastangan kayo para balaking patayin si inang arsa ," malamig nitong sabi sa aming lahat ..
Per- hindi na naitoloy pa ni mica ang sasabihin ng bigla nalang may tumawa..
Ha ha ha mga bobo kayo!!!!