Alexandra pov:
Nandito kami ngayon sa loob ng library nitong mansion at pinag pa-planohan ang gagawing pag sugod sa palasyo kasama din namin dito sina luna at luran na tahimik lang na nakikinig.
Walang hihiwalay sa atin kahit anong mangyari, para maprotiktahan natin ang isat isa. Matapos natin makuha ang punyal daritso tayo sa palasyo. Paliwanag ni aston sa amin.
Paano naman tayo makakapasok doon ng hindi makikita at mababalaban sa mga bantay. Tanong ni mica dito, nakikinig lang ako sa kanila.
Bakit hindi ninyo tanongin si alex mukhang may alam siya. Napatingin naman silang lahat sa akin dahil sa sinabi ni luna.
Nakapasok kana doon? Nag tatakang tanong nila sa akin, tumango nalang ako.
Sa likod ng palasyo may nakatago doong lagusan papasok sa loob ng palasyo kunti lang ang bantay doon pero alam kong mararamdaman ni arsa na may nakapasok sa kanyang palasyo kaya kailangan nating bilisan sa paghanap sa kanyang katawan. Mag iingat din kayo pweding pasukan ni arsa ang katawan ng kahit sino sa atin at gamitin laban sa atin kong may makakalaban may kayong may bato sa noo o sa katawan yun ang targiten ninyo dahil doon nag mumula ang lakas nila. Mahabang paliwanang ko sa kanila, tumango tango lang sila bilang sagot.
Paano natin mahahanap ang katawan ni arsa sa laki ng palasyo mahihirapan tayo sa pag hahanap.
Madali lang,nasa pinaka toktok ing palasyo ang katawan niya kong saan nandon ang dalawang ulo ng ahas na siyang nag babantay sa katawan ni arsa. Sabi ko ulit sa kanila.
Kong ganon paano natin mapapatay ang dalawang ahas na iyon sa laki ba naman mukhang mahihirapan tayo. Tanong ni josh sa akin.
Kailangan lang nating basagin ang batong nasa kanilang dibdib or masaksak si arsa sa dibdib, sagot ko ulit sa tanong nila.
Kong ganon bukas ng umaga aalis na tayo dito, para makaiwas tayo sa kalaban. Mag handa na tayo para bukas dismiss.. sabi ni grey sa aming lahat. Nauna na siyang lumabas at sumonod naman kami.
Nandito na kaming lahat sa sala at nag usap-usap naman sila nag lakad ako papunta sa bintana at kita ko ang mga mata ng mga alaga ni arsa, nilibut ko ang aking paningin at natigil ito sa isang nilalang na hindi ko mawari nanlilisik ang mga mata nito na gustong pumatay ano mang oras, bigla nalang itong tumingin sa mismong mga mata ko, hindi ako nakagalaw sa kinatayuan ko at dahan dahang sumilay dito ang nakikilabot niyang ngise, dahan dahan akong napa atras.
Hey!! What happened?
Napapitlag ako sa gulat ng bigla nalang may humawak sa balikat ko.
Hey!! Alex okay kalang namumutla ka?? Nag alalang tanong ni anica, binalik ko naman ang paningin ko sa labas para tingnan ulit ang nilalang na iyon pero wala na ito .
Ano ba ang tinitingnan mo diyan? Nag tataka niyang tanong na sumilip din sa bintana pero wala na doon ang mga alagad ni arsa, tumingin naman ako sa kanya.
W-wala, s-ige mag papahinga muna ako.. utal kong sabi at iniwan siyang naguguluhan nilampasan ko narin ang mga taong mukhang nag tataka sa kinikilos ko .
Dumaritso agad ako sa aking silid at napaupo nalang sa isang sulok at niyuko ang ulo sa aking mga tuhod.
Iba ang kilabot na naramdaman ko ng makita siya, natatakot ako natatako ako sa kanya, ramdam ko ang tagumpay niya na makuha niya ako. Pero hindi ako papayag mamatay muna ako bago niya ako makuha. Papatayin ko sila buhay ko man ang kapalit.
Naramdaman kong may yumakap sa akin.
Everything will be fine...