CHAPTER 1

34.5K 470 24
                                    


CHAPTER 1

Two months ago

PUMASOK si Mikaella sa isang bookstore. Her hair was tied in a bun. Nakawala na sa pagkakatipon at lumaylay na sa gilid ng kanyang mukha pero hinayaan na niya. Papunta na siya sa Literature section nang tumunog ang cell phone sa kanyang bag. Yumuko siya para buksan ang bag at kunin ang telepono habang malalaki pa rin ang hakbang. Dahil nakayuko, bumangga siya sa tagiliran ng isang bulto ng katawan. "Sorry," aniyang hindi tinitingnan ang nabangga bago umiwas at nagpunta sa isang sulok para sagutin ang tawag. Si Jena, ang kanyang kaibigan ang tumatawag.

Mabilis din naman na natapos ang tawag. Ibinalik ni Mikaella sa bag ang cell phone at tinungo na ang pakay na libro. Nakuha naman agad niya ang gusto. Pagkatapos niyon ay naengganyo pa siyang magbasa-basa ng mga teasers ng mga librong nasa bestseller list. Ang mga nagugustuhan ay kinikipkip na rin niya para bilhin. Babaunin niya ang mga librong iyon sa Singapore para sa tatlong araw na business conference kung saan kasama sila ni Jena sa mga representative ng kanilang kumpanya. Sa susunod na linggo na ang flight nila.

"Mikaella?!" sabi ng isang babae.

Ako kaya ang tinatawag? tanong ni Mikaella sa sarili. Nag-angat siya ng ulo para tingnan ang pinagmulan ng tinig. Nakakita siya ng babaeng malawak ang ngiti habang lumalapit sa kinaroroonan niya. Morena ito at kakaiba ang dating ng ganda. Parang lumabas mula sa mga pahina ng mga Vogue magazine. Parang kilala ko siya, naisip niya. Saglit niyang hinagilap sa isipan kung kilala ba niya ang babae.

"Mikaella? Ikaw nga! Uy, hindi mo ako makilala, ano?" tumatawang sabi nito. "Ako si Daisy. Kaklase mo no'ng high school, ano ka ba?"

Bumuka ang mga labi ni Mikaella sa gulat. "Daisy?" Ito na ba si Daisy? Ang kaklase niya noong high school na kung tagurian ay nagtataglay ng exotic beauty? Oh, well, pinagandang tawag lang iyon ng mga pilyo niyang kaklase. But look at her now. Lumitaw ang ganda nito. Hindi lang basta lumitaw kundi pansin na pansin. Sa toto lang, nahahawig Daisy sa mga black beauties na napanood niyang contestant sa mga nagdaang Miss Universe pageant. Bagaman aloof siya noon at may sarili ring mundo, isa rin naman si Daisy sa mga nakakasalamuha niya. Lima sila noon sa grupo; siya, si Daisy, si Danica, si Ariana, at si Ynella. Sa totoo lang ay wala na siyang balita sa mga ito. Pagkatapos kasi noong graduation ay nagkanya-kanya na sila ng mga landas. At dahil aloof naman siya at mapag-isa, hindi rin naman siya nagkaroon ng malalim na attachment sa mga kaibigan kaya marahil hindi rin siya nangulila sa mga ito. Pagkatapos ay nakilala ni Mikaella si Jena sa kanyang pinagtatrabahuhan—ito na ang naging best friend niya.

"Sorry, hindi kita nakilala agad," aniya. Parehong nagpipigil ng tili na yumakap sila sa isa't isa. Agad din siyang humiwalay at pinagmasdan ang kabuuan nito. "Wow. Wala akong masabi. You look so beautiful and stunning, no doubt!"

"Gandang 'di ko rin inakala," tugon ng babae, humahagikgik.

Hindi rin napagilang mapahagikgik ni Mikaella. Sino nga ba naman ang mag-aakala na huhubugin ng panahon ang ganda ng kaibigan? Maikukumpara ito sa pamosong kuwento ng isang ugly duckling na naging napakagandang swan.

"Ay!" tili ni Daisy nang marahil ay may maalalang mahalagang bagay. "Hulaan mo kung sino ang malapit nang ikasal..."

Bahagyang tumaas ang kilay ni Mikaella. Kumikinang ang mga mata ni Daisy at ang kasiyahan ay hindi maipagkakaila, it was definitely radiating all over her aura. Desimuladong hinanap niya ang ring finger nito. Tila wala namang balak itago ni Daisy ang palasingsingan kaya nakita niya agad ang singsing na kumikinang doon. The diamond in it was glittery and sparkling, like her eyes. "Magpapakasal ka na?"

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon