Part 13

10.4K 330 0
                                    


"INAASAHAN mo na ito, hindi ba?" maingat na tanong ni James kay Mikaella nang mapagsolo na sila sa kanilang silid. Inihatid sila ng driver sa isa sa mga resthouse na tintuuluyan diumano ng mga bisita. Sabi ni James ay sa palasyo daw talaga ang alok ng hari, maayos lang nito iyong tinanggihan. At ang resthouse na kinaroroonan nila ngayon ay may iisang bedroom lang. "Ang pagsasama natin sa iisang silid..."

Tumango si Mikaella. Ang resthouse ay yari sa mga native products. Makintab ang sahig at napakapresko sa paningin ng pagkakaayos ng mga gamit. Napansin din niya na ang malalaking kagamitan tulad ng mga upuan at estante ay yari sa kahoy. Napakalawak ng bedroom. May parte na may sofa set, may dressers, may mini-kitchen minus cooking utensils and stove, malaki rin ang comfort room, ang kama ay natatabingan ng partisyong parang yari sa mga kapis at sea shells. Malawak ang silid-tulugan pero para pa ring napakasikip niyon sa presensiya ni James. At ang kama... God! Tila ba nang-iimbita iyon.

"Okay lang sa 'yo? Puwede naman ako sa couch. Sa 'yo na ang kama. Pero kung hindi ka kumportable na magkasama tayo sa iisang silid, p'wede naman akong matulog sa labas. Tutal naman wala naman rito si Pina kapag gabi." Ang itinilaga diumanong caretaker nila ang tinutukoy ni James. Ang babae nga sana ang mag-aayos ng mga gamit nila tulad ng paglalagay ng mga damit sa mga cabinet pero sinabi ni Mikaella na kayang-kaya na niya iyong gawin.

"Sigurado ka?" Gusto niyang mangiti nang bumakas ang pagkadismaya sa guwapong mukha ni James. Hindi niya nakakalimutan ang main goal niya kung bakit pumayag sa sitwasyong iyon. She should bear a child. Dapat na may mangyari sa kanila ni James. Pero hindi niya iyon gagawin nang hantad. Dapat niyang laruing mabuti ang mga baraha niya. At alam niya kung ano ang gagawin. Aakitin niya ang lalaki sa paraang banayad at halos hindi halata. At ang unang hakbang ay ang pagpapakipot. Magpapakipot siya para lalo itong manabik sa kanya.

"Of course. Kung doon ka masaya. Isa pa ay ako ang namilit sa 'yo kaya ka narito kaya gagawin ko ang lahat para maging kumportable ka."

"Okay then." Tinungo niya ang ref. Binuksan iyon. Marami siyang nakitang mga prutas, tsokolate, at iba pang uri ng pagkain at inumin. Inilabas niya ang pitsel ng tubig. Nagsalin sa baso at uminom. Si James ay masusing nakatingin sa kanya.

"May nagsabi na ba sa 'yo na napakaganda mo?"

Nasamid si Mikaella. Si James naman ay natatarantang nilapitan siya at hinaplos-haplos ang kanyang likod. Na para bang sa pamamagitan niyon ay mapapawi ang pag-ubo niya. "Sorry," anito.

Itinaas niya ang kanyang palad para patigilin ito. Because good gracious! Inuubo na nga, naaapetuhan pa rin siya sa aktuwasyong iyon. Aktuwasyong nagdudulot ng malisya sa kanya. Muli siyang uminom ng tubig. "Silly question," bulong niya.

"Oo nga naman," komento nito. "Of course, marami ang magsasabi niyon sa 'yo. Baka nga lahat ng nakapaligid sa 'yo ay bukambibig iyon. Otherwise, they're blind."

Tumaas ang kilay niya. Papuri ba ang sinabi nito? At bakit, bakit tila kinikiliti ang puso niya? Bakit gusto yata niyang magtatalon sa tuwa? "So, sinasabi mo ba na sa mga mata mo ay napakaganda ko?" Hindi man niya intensiyon, nabahiran ng panunukso ang boses niya. Baka nga pati ang ekspresyon ng mukha niya.

"Oo," siguradong sagot ni James. Nang tumingin siya rito ay hinuli nito ang kanyang mga mata.q Hindi niya nagawang umiwas. Habang magkaugnay ang kanilang mga mata, walang ibang naririnig si Mikaella kundi ang malakas na pagtambol ng kanyang dibdib. Para bang napailalim siya sa isang mahika. Malalim na mahika, casted by James.


The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon