Part 27

10.1K 300 18
                                    


"SALAMAT at sinagot mo ang tawag ko," agad na wika ni James nang tanggapin niya ang tawag nito.

Halos mag-uumaga na nang makatulog si Mikaella. Dahil doon ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng bahay ni James para pumasok sa trabaho. Ni hindi siya sigurado kung pumasok ba ito ng silid para maligo at nagbihis. Ang sabi ni Pina ay hindi daw nag-almusal si James at nagbilin na huwag na daw siyang gisingin. It was nine in the morning when she woke up. Hindi niya magawang kumain, ni kumilos. Napakatamlay ng katawan niya at mabigat ang pakiramdam. Dahil marahil sa mga nangyari. Sa totoo lang ay hindi talaga niya alam kung ano ang susunod na gagawin niya. Ngayon ay lampas alas-dose na. Inaalok na siyang kumain ni Pina pero wala pa rin siyang gana. Iniisip niya kung...kung uuwi kaya si James para sabayan siyang kumain? Dahil kung hindi ay iyon ang unang pagkakataon na hindi sila magsasabay sa pananghalian. At magiging napakalungkot niyon.

"T-tumawag ako kay Pina. Sabi niya ay hindi ka raw nag-agahan. At ngayon ay ayaw mo pa ring kumain. Medyo maraming ginagawa dito. Hindi kita masasabayan..."

Mikaella swallowed a big lump in her throat. Pilit niyang sinisikil ang damdamin pero hindi siya nagtagumpay. Agad nabuo ang mga luha at naglandas sa mga pisngi niya. Pinilit niyang huwag gumawa ng tunog. Bagaman napakakaswal ng dating ng boses nito, tila napakaraming emosyon na pinigilan ang binata, tulad niya. Tumikhim siya. "H-huwag mo akong alalahanin. Kakain ako kapag nakaramdam ako ng gutom. Hindi ako gutom kaya hindi ako kumakain," pilit pinakakaswal ang tinig na tugon niya.

Ilang sandaling dumaan ang katahimikan. Katahimikan na sa sobrang lakas ay halos ikabingi niya.

"I'm sorry," anito. "I was frustrated and drunk and...oh...h-hinayaan kong mangibabaw ang kabiguan ko. Patawarin mo ako sa nagawa ko," puno ng pagsisisi ng wika nito.

Kinagat ni Mikaella ang kanyang dila dahil tila ano mang sandali ay bubulalas siya ng hagulhol. "N-nangyari na iyon," sagot niya. Sinagi at pinagnaknak mo ang hindi gumagaling na sugat sa puso ko kaya heto ramdam na ramdam ko na naman ang sakit, ang hapdi...

"I know. Nangyari na. The damage had been done at...at nakatatak na iyon sa iyon. God! Kung sana ay kaya ko lang ibalik ang oras."

"P-pero hindi mo kaya. Some things when you do, they can never be undone..." They can never be undone, James. They can never be undone...

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni James. "K-kaya nga bago mo pa ako tuluyang kamuhian, sa palagay ko ay dapat na kitang pakawalan."

Binalot ng lamig si Mikaella. Para bang...para bang nakarinig siya ng bagay na ayaw niyang marinig. "W-what?" halos walang tinig na tanong niya. "A-ano'ng...a-anong ibig mong sabihin?"

Muli ay bumuntong-hininga si James. Hindi ma-imagine ni Mikaella ang hitsura nito. "Pinag-isipan ko itong mabuti. S-sa palagay ko ay mas makabubuti kung pauuwiin na kita ng Pilipinas tutal ay isang linggo na lang naman ang natitira sa kontrata ko dito..." Natutop ni Mikaella ang kanyang bibig. Pakakawalan na siya nito? Titigilan na siya nito? Iyon ang gusto mo, hindi ba, Mikaella? Puwes hayan na. Inihahain na niya sa 'yo. "Hello? Nariyan ka pa ba, Mikaella?"

"Y-yes." And I don't like what I'm hearing! sigaw ng kalooban niya. Muli ay pinahid ni Mikaella ang mga luha niya, pinipigilan ang pagsigok.

"H-huwag kang mag-alala dahil tutuparin ko ang lahat ng napagkasunduan natin. Lahat. Lalo na ang peace of mind na sinasabi mo. I have to tell you this over the phone, dahil...dahil mas madali. M-mas madaling magpaalam. Mas madaling pakawalan ang isang bagay na hindi naman sa 'yo in the first place." Mahina ang basag na tinig nito. She wonder, tulad ba niya ay tahimik din itong umiiyak? Nanghihinayang at nasasaktan? "Uhm, ipinapaasikaso ko na ang biyahe mo. Tamang-tama dahil may biyahe ang eroplano bukas. So, yeah, bukas officially ay malaya ka na. Iyon ang naisip kong solusyon sa problemang ito. Sa palagay ko naman ay papayag ka. Wala namang rason para hindi, 'di ba?"

Hindi niya magawang sumagot. Hindi niya makapa ang katuwaan sa kanyang dibdib.

"Mikaella...?"

"Y-yes. Of course. Iyon nga ang gusto ko. Peace of mind. T-thank you."

"O-okay. Okay. Kokontakin ka na lang ng abogado ko para sa mga napagkasunduan at para sa...divorce."

Mariing pumikit siya. Kailan ba matatapos ang pag-uusap na iyon? Dahil hindi siya makahinga. Para siyang sinasakal, pinapatay..."T-that...t-that would be great," aniya bago pinutol ang tawag. Pinutol na niya ang tawag bago pa ito makapagbitaw na naman ng mga salitang nakasasakit sa kanyang damdamin.



MARIING pumikit si James nang maputol na ang koneksiyon ng tawag. Mayamaya pa ay ipinatong niya ang telepono sa tabi ng sink ng comfort room na kinaroroonan niya. Binuksan ang gripo at hinilamusan ang mukhang naglulunoy na sa mga luha. You did the right thing, James. Tama lang na palayain mo siya at huwag ikulong sa mga pansarili mong interes. Sumubok ka pero nabigo ka. But at least you tried. Now, it's time to let her go. Pakakawalan mo siya kahit ang katumbas niyon ay ang tuluyan mong pagkabigo, aniya sa sarili.

Kinalma ni James ng sarili. Pilit niyang pinagluluwag ang masikip na dibdib, pinagagaan ang mabigat na pakiramdam. Alam niyang magagawa niyang pagaanin ang kanyang dibdib. Ang hindi lang niya alam ay kung makakaya niyang buuin ang kanyang puso.

Muli niyang dinampot ang telepono at binuksan ang isang espesyal na folder roon. Folder na naglalaman ng mga pictures. Pictures ni Mikaella. Pictures na palihim niyang kinuha sa unang beses pa lang na nakita niya ito sa isang book store. Pictures na palihim rin niyang kinuha sa bar sa Singapore kapag hindi ito nakatingin. Iyon ang mga litrato na paulit-ulit niyang tinitingnan at nginingitian, until it became a habit. Kaya nga sa unang pagtama pa lang ng mga mata niya rito ay nakilala agad niya ang dalaga noong kasal ng kanilang kaibigan. Hindi siya maaring magkamali dahil nakabisa na niya ang bawat parte at sulok ng mukha nito. Nakaimprinta hindi lang sa isipan niya kundi higit sa kanyang puso.

Pabalik na sa kanyang opisina si James nang tumunog ang kanyang telepono. Si Yuli, ang driver na pinakiusapan niyang mag-ayos ng flight ni Mikaella ang tumatawag. "Yuli..." walang-ganang tugon niya nang tanggapin ang tawag. "Everything okay?"

"Yes, Mr. de Andrada. I already have the ticket with me. And, as directed, I also informed the palace about your wife's trip. I was then told to relay you the message that yours and Mrs. de Andrada's presence are requested tonight for a farewell dinner."

Farewell dinner kasama ang royal family? Paano sila aakto ni Mikaella na ayos lang ang lahat sa pagitan nila? "Okay. We'll be there. Thank you."



The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon