Part 29

10K 339 17
                                    


NAKAKABINGING katahimikan. Iyon ang namamagitan kina James at Mikaella. Ang binata ay nakatutok sa pagmamaneho habang siya ay nakatanaw sa labas ng bintana kahit pa nga ba wala naman talaga sa magagandang tanawin na kanilang dinaraanan ang kanyang atensiyon. Hanggang sa huminto ang sasakyan. Nagtatakang sinulyapan niya si James. Naumid ang dila niya nang makita ang hitsura nito. Kung kanina ay blangko ang mukha nito mula sa ano mang ekspresiyon, ngayon ay may mababasa na roon. Tiim ang bagang ng binata at halos mamuti ang mga kamao na nakakakapit sa manibela. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na lumabas ito ng sasakyan.

Nagtataka, lumabas din ng sasakyan si Mikaella. Para lang mapasinghap na mapagtanto niya na naroon sila sa pinakamataas na lugar sa Dushiana, sa lugar kung saan matatanaw ang kabuuan ng bansa. Sa lugar kung saan hinainan siya ni James ng kasal, isang bagay na gumising sa kanya mula sa isang magandang panaginip.

Si James ay nakatalikod sa kanya, nakatanaw sa tanawin sa ibaba. Tulad niya, ang buhok nito at ang kasuutan ay inililipad din ng malakas na ihip ng hangin. "B-bakit dinala mo ako dito?" tanong ng dalaga. Hindi malaman kung lalapitan ang binata o hindi.

Malakas at malalim ang buntong-hininga na pinakawalan nito. "Huwag kang mag-alala, hindi ka mahuhuli sa flight mo," anito. Namulsa ito. "Alam mo, wala daw concidence sa mundo. Lahat nang nagaganap ay nakatakdang maganap. Lahat ng nagtatagpo ay nakatakdang magtagpo. It's only a matter of right time. Kapag hindi pa oras, hindi puwedeng ipilit ang isang bagay. Parang prutas na kapag hindi pa magulang o hinog ay hindi mo puwedeng pitasin dahil magiging matabang lang iyon. Kulang sa tamis. Minsan nga umaasim pa. Naniniwala ka ba roon, Mikaella?"

"D-destiny ba ang tintuukoy mo? Ewan ko kung naniniwala ako diyan..."

Saglit na hindi umimik si James. Nang muli itong magsalita, mas mahina na ang boses nito na para bang bumubulong na lang sa hangin. "'Sorry'. Iyon ang sabi ng tinig ng isang babae na bumangga sa akin sa isang bookstore. Her voice was a bit husky and sexy. Nakuha niyon ang atensiyon ko kaya sinundan ko siya ng tingin..." Humarap sa kanya si James, nakapamulsa pa rin. There was faraway look in his eyes. Hindi alam ni Mikaella kung saan patungo ang ikinukuwento nito. "Her hair was tied in a bun. Nakasuot ng reading glass. Matangkad ito. Balingkinitan ang katawan. Maganda ang tindig. She was beautiful. And so engrossed with what she was doing. Ni hindi man lang siya aware na may nakatitig sa kanya. Na may mga matang sumusunod sa bawat galaw niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, ang alam ko lang ay natutuwa akong pagmasdan siya at ang lahat ng mga mumunting galaw niya. Ni hindi ko namalayan ang paglipas ng bawat sandali."

"S-sino siya?"

Gumuhit ang ngiti sa labi ng binata. Sumungaw ang fondness sa mga mata. "My first love."

Nakagat ni Mikaella ang kanyang dila dahil sa tila pagtusok ng kung anong matulis na bagay sa kanyang puso. Iyon ba ang tinatawag nilang pagseselos? Iyong selfish na pakiramdam? Selfish dahil gusto mong sa 'yo lang ang lahat-lahat sa lalaking mahal mo. Na ikaw dapat ang bukam-bibig niya sa tuwina. Na ikaw lang ang tinitingnan ng ganoon ng lalaki. At mahirap na hindi pagselosan ang kinang na iyon sa mga mata ni James para sa babaeng iyon na first love pala nito. May kasabihan pa naman na 'first love never dies.' That's it, Mikaella. Feel the pain. I'm telling you, wala iyan sa sakit na ibinigay mo kay James, sumbat ng puso niya. "A-anong nangyari sa kanya?"

"That day? Pinakawalan ko siya. I never knew I love her then. Totoo nga pala 'yong sinasabi nila na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao sa 'yo kapag wala na siya. Regrets will come next. And then you'll wish you have the power to turn back time..."

So that's it. Gusto nitong sabihin sa kanya na kapag pinakawalan niya ito ngayon ay pagsisihan niya ang bagay na iyon? Na saka lang niya mapagtatanto na mahal din pala niya ito kapag wala na ito sa bahay niya? "So pinagsisihan mong pinakawalan mo siya?"

Nag-iwas ng mga mata si James. "Nagtagpo uli ang mga landas namin. One fateful night, she gave me her innocence. And I totally lost my heart. Lost to her. She was gone when I woke up. Nakawala siya na hindi pa rin nalalaman ang damdamin ko." Muli siyang sinulyapan nito, deretso sa kanyang mga mata. "I can't move on. Her memory keeps on hunting me. Sa bawat lugar na dinaraanan ko, na pinupuntahan ko, ay palinga-linga ako. Hoping I'll see her face in the crowd. Para akong tanga. Umiibig ako sa isang babaeng hindi ko kilala."

Tuluyang nag-init ang mga mata ni Mikaella. Damn it! Bakit kailangang ipangalandakan niya ang damdamin niya sa babaeng iyon? Para hindi ko na siya pakawalan pa?

"Then I see you. An answered prayer. Nabuhay ang puso ko..."

Nagyuko siya ng ulo, mariing kinakagat ang kanyang labi para pigilin ang pagragasa ng emosyon. Namalayan na lang niya na nasa harapan na niya si James. Hinawakan nito ang baba niya at itinaas ang mukha. "Totoong mahal kita. Hindi kita masisisi kung pagdududahan mo iyon dahil hindi pa naman tayo magkakilala nang lubusan. Hindi mo pa ako kilala nang lubusan. Tell me, Mikaella, am I rushing you? Minamadali ba kita? Kailangan mo lang ba ng sapat na oras para i-sort out ang lahat? Tell me..."

Saglit na hindi siya makaimik. "A-alam ko kung ano ang g-gusto ko."

"Your freedom," buong pagkasawing usal nito.

"My peace of mind." Peace of mind na hindi mag-aalala na mararanasan ko rin ang naranasan ni nanay. Na hindi ako matutulad sa mga pinsan ko.

"Makakamtan mo iyon sa piling ko. I promise," pakiusap nito. "Give us a chance..."

Gusto niya. Gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang namamagitan sa kanila. Pero natatakot siyang sumubok, sobrang natatakot siya. Because she can not put to rest her father's ghost. Patuloy iyong nanakot sa kanya. Hindi na makapagsalita si Mikaella na ang tangi na lang niyang gumawa ay umiyak nang umiyak.

Niyakap siya ni James. Buong suyo, buong ingat. At hindi niya napaglabanan ang kagustuhang ipikit ang mga mata at damhin ang init ng yakap nito. Kahit sa huling sandali. "K-kailangan...k-kailangn t-talaga kitang pakawalan, ano?" garalgal ang tinig na tanong nito. He buried his face between her neck and shoulder. "D-dahil walang ano mang salita o pangako ang makakakumbinsi sa 'yo p-para manatili ka sa tabi ko. I guess you need to figure it out yourself. Mahal kita. Kaya pakakawalan kita. Kahit masakit. Hahayaan kitang lumipad at tumungo sa kung saan ka liligaya dahil hindi makasarili ang pagmamahal ko, Mikaella."

Nakagat ni Mikaella ang kanyang labi nang maramdaman ang mainit na likidong bumabasa sa kanyang balat. James was crying. Kapagkuwan ay hinubad niya ang suot na singsing at walang-salita na ipinaloob iyon sa palad ni James. "Oh, hell," usal nito bago mariing itinikom ang palad.


The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon