"WE HOPE you enjoyed your stay here, Madam," ani ni Pina habang isinasara ang maleta niya. Umaga na niyon. Kagabi ay galing sila ni James sa palasyo. Apparently, nang malaman sa palasyo na kailangan na niyang umuwi ay nagkaroon ng farewell dinner. Wala naman siyang maisip na balidong dahilan para tumanggi kaya sumama siya kay James. At naging napakahirap at napakahaba ng oras kagabi dahil sa napakalamig na pader na humaharang sa pagitan nilang dalawa. Hindi sila nag-usap ni James, halos hindi nga siya tapunan man lang nito ng sulyap bagaman sa harap naman ng ibang tao ay civil sila sa isa't isa. At nasasaktan si Mikaella. Gusto niyang maiyak sa sitwasyong iyon. She wanted him smiling and staring at her.
Nang makauwi ay wala pa ring usapan na namamagitan sa kanila. Natulog siya sa silid at si James sa labas. Dahil hindi naman siya nakatulog, alam niya nang pumasok si James kinaumagahan para maligo at magpalit ng damit. Sa buong panahon na nasa loob ito ng silid ay umaakto lang si Mikaella na tulog. Pero napakahirap na gawin iyon. Gusto niyang bumangon at kausapin ito. Sa kaibuturan ng puso niya ay gusto niyang magpaliwanag kung bakit hindi niya matatanggap ang pag-ibig nito kahit pa nga ba may katugon ang damdamin nito sa kanya. Mahal niya ang binata. Hindi na niya iyon ipagkakaila. At least hindi niya itinatatwa sa sarili niya. Have a safe trip and I'm sorry for what I've done. But I am not sorry that...that I love you, iyon ang narinig niyang usal nito pagkaraang maramdaman niya na ilang saglit na tinitigan siya ni James. Pagkatapos ay umalis na ito. Mikaella almost sobbed. Para bang iyon na ang pamamaalam ni James.
"O-of course. Your country and your people is so beautiful. I'll surely miss everything," aniya kay Pina. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay sumulyap siya sa pintuan, umaasang makikita si James na pumapasok doon. Pero malapit na siyang pumunta ng airport at wala pa rin ito. Tila walang balak na magpakita pa sa kanya. "G-given a chance, I'll go back here again and again."
"Why not? You are welcome here, Madam."
"Why, thank you!" pilit pinasisigla ang tinig na wika niya.
"It was just unfortunate that Prince Lucca wasn't her to meet you. Prince Lucca and your husband were great friends. I'm sure he will be thrilled to meet you."
Tupid na ngiti lang ang isinagot ni Mikaella. "Oh, I remember, what does Khliwane Anl Ire means?"
"It means I love you, Madam."
Oh! I love you pala ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Mga salitang laging sinasabi sa kanya ni James sa simula pa lang. Nanubig ang mga mata niya hanggang sa tuluyang makalaya ang mga butil ng luha roon. Pinawi niya iyon gamit ang likod ng palad niya at binigyan ng pilit na ngiti si Pina. Khliwane Anl Ire parang nanunukso ang hangin at paulit-ulit na pinaaalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang tainga.
Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyang maghahatid sa kanya sa airport. Inilabas na ni Pina ang maleta niya. Siya ay tumayo at hindi maiwasang pasadahan ng sulyap ang bawat sulok ng silid na iyon. Silid na naging saksi sa masasaya at maiinit na sandali sa pagitan nila ni James. Paalisin talaga niya ako nang hindi siya nakikipagkita sa akin. Damn it, James! You're a coward! Bakit pakiramdam ko ay ibinitin mo ako? Iniwang hindi alam ang gagawin? Nanikip ang dibdib niya. She tried to blink away the unshed tears. Ilang ulit na bumuga ng hangin. Good bye, James.
"Handa ka nang umalis?" sabi ng tinig na halos magpalundag sa puso ni Mikaella. James! Hiyaw ng puso niya. Dahan-dahan siyang lumingon. At nakita nga niya ang binata sa pintuan. Napakaguwapo pero blangko mula sa ano mang ekspresyon ang mukha. "Kung handa ka na, ihahatid na kita sa airport."
BINABASA MO ANG
The Start Of Forever (Completed)
RomanceThe Bouquet Ladies Trilogy Three friends attending their friend's wedding. During the bouquet throwing, they fight each other for the flowers because they believe the one who gets it gets married next... Book 1 Aya Myers Book 2 Kensi Book 3 Dwayne I...