Part 25

10.1K 311 2
                                    

Note: Kung nabasa ninyo ang Part 1 nito last year, (pagka-post kasi ay hindi na ako naging active sa Wattpad, ngayon na lang uli) pakibalikan po uli ngayon dahil may eksena akong idinagdag. Related sa eksena dito ang scene na 'yon. Thank you!



HINDI kita mahal
, paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isipan ni James habang sunod-sunod ang nagiging paglagok niya ng alak. Nang umalis siya kanina ay wala siyang ibang ginawa kundi mag-drive nang mag drive. Nang mapagod ay bumili siya ng alak at nagmaneho pauwi.

Oh, hell! Gusto niyang mamanhid. Gusto niyang mawala ang sakit na nararamdaman, ang rejection, ang pagkabigo. It's making him lost. Muling tumungga si James. Hindi napigilan ang pagbabalik-tanaw sa unang pagkakataon na nasilayan ng mga mata niya si Mikaella...

"Got your book, Mom," ani ni James sa ina, kausap niya ito sa cell phone. Nang malaman ng kanyang ina na nasa mall siya, inalam nito kung busy ba siya o nagmamadali dahil may ipabibili diumano itong libro. May naka-schedule siyang appointment pero dahil hindi niya kayang biguin ang ina, sinabi niya bibilhin na niya.

"Thanks."

Pinutol na niya ang tawag para dalhin sa counter ang libro at bayaran iyon. Nang sa isang pagliko ay may bumangga sa kanyang tagiliran. Isang babaeng nakayuko, tila nagmamadali sa pagkuha sa tumutunog na cell phone mula sa bag. "Sorry," usal nito sabay iwas. Ni hindi siya tinapunan ng sulyap. At hindi malaman ni James ang dahilan kung bakit sinundan niya ng tingin ang babae. Maybe because of the quality of her voice. It was a bit husky and sexy. Mabilis na nagtungo ang babae sa isang sulok at sinagot ang tawag.

Her hair was tied in a bun. Nakasuot ng reading glass. Matangkad ito. Balingkinitan ang katawan. Maganda ang tindig. Nang matapos itong makipag-usap, tinungo nito ang mga salansan ng libro at nagbasa-basa ng teasers, ang ilan na marahil ay nagustuhan ay kinikipkip na. Naroong sumandal ito sa estante, o tumindig nang tuwid habang nagbabasa. Hindi malaman ni James kung bakit naeengganyo siyang pagmasdan ito. Nagtungo siya sa kabila ng estante, sa bakanteng espasyo para makita nang buo ang mukha nito. She is beautiful, James smiled at that thought. Kung mag-aangat ito ng ulo at titingin sa bakanteng espasyong iyon ng bookshelves, derektang magtatagpo ang mga mata nila. But she was so engrossed in her books. Ni hindi nga ito aware na kinukuhanan niya ito ng pictures sa cell phone niya. At hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa. Maybe because he finds her a good subject for his hobby—photography?

James smiled playfully. Umalis na siya sa likod ng estante at tinabihan na ang dalaga, kunwari ay nagbabasa rin. Sa gilid ng mga mata niya ay tinitingnan niya kung tatapunan ba siya nito ng sulyap. But she didn't move a bit.

Akala ko ba ay para ka kamong magnet na humihigop ka ng atensiyon, James de Andrada? tudyo ng kanyang isipan. At aaminin niya na lalong nasaling ang kuryusidad niya. Ni hindi ka man lang nga niya tinatapunan ng sulyap. 'Asan na ang undeniable presence mo kamo, James?

"Mikaella?!" narinig niyang sabi ng tinig ng isang babae. Nang mapagtanto niya na ang babaeng kanina pa niya tinitingnan ang tinawag, bahagyang lumayo si James. Siya namang paglapit ng isang babae. Ang bagong dating na babae ay nakatalikod sa kanya kaya hindi niya makita ang hitsura nito. Bagaman hindi naman siya interesado sa bagong dating na babae. Ang gusto lang niyang tingnan ay ang babae na Mikaella pala ang pangalan. Nakita niya nang manlaki ang mga mata nito at bumuka ang labi sa gulat. Nakita niya nang gumuhit ang ngiti sa labi nito. Nakita niya nang bahagyang maningkit ang mga mata nito dahil sa katuwaan. For the first time in his life, napansin niya ang mga mumunting kilos at galaw ng isang babae. And he wanted to know her. Mikaella...Mikaella ang pangalan niya. Beautiful. Bagay sa kanya. Hey...Look at me, Mikaella. Look at me...Isang tingin lang, oh.



MAGKAHALONG lungkot at pait ang gumuhit sa mga labi ni James sa alaalang iyon. No, hindi siya tinapunan man lang ng sulyap ni Mikaella noon. Hanggang sa mag-krus muli ang landas nila sa Singapore kung saan may nangyari sa kanila. And then he saw her again at his friend's wedding in which coincidentally the bride happened to be Mikaella's friend. Pakiramdam niya ay iyon na ang huling pagkakataon niya, huling pagkakataon para mapasakanya ito. Kaya naman siniguro niya na hindi na ito makakawala sa kanya katulad ng nangyari sa una at pangalawang pagkakataon. Bagaman sa unang pagkakataon ay hinayaan naman talaga niya ito na makaalis dahil akala niya ay nakatuwaan lang niya ito. But he was wrong. So damn wrong.

Nilingon ni James ang silid kung saan naroroon ang kanyang asawa. Pekeng asawa, pagtatama niya. Dahil totoo naman. Naging asawa niya ito dahil sa manipulasyon niya. Tulog na kaya ito? Mahimbing na natutulog? He smiled bitterly. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat. Akala niya ay tuluyan na silang binalot ng mahika. Akala niya ay may espesyal nang namamagitan sa kanila at nagkakaunawaan na sila. Akala niya...Ah! Akala, akala! Puro maling akala lang pala. "Damn it!"


The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon