CHAPTER 8
PERO mabilis ang reflex ng binata, nakaiwas ito sa kamao niya. Hanggang sa hindi na namalayan ni Mikaella kung papaano nangyari na nagawa ng binata na ikulong uli siya sa pagitan ng dingding at katawan nito. He pinned her hands above her head with just one hand. Pagkatapos ay inangkin ang labi niya sa isang mapusok na halik. Nananakop ang labi nito, agresibo ang pag-angkin. Ang dila nito ay nagpupumilit na pumasok sa kanyang bibig.
Sinubukan niyang kumawala pero malakas ang binata. Isa pa ay duda rin siya sa kumbiksiyon ng pagtutol niya dahil nanginginig na ang kanyang tuhod. Ang galit niya ay natatabunan na ng sensasyong hatid ng halik nito. Halik na siyang inaasahan niyang maganap kanina. She was melting in her arms. Ang halik ni James ay parang napakasarap na pagkain na hindi niya kayang tanggihan. At ang singaw ng init ng katawan nito ay pumuputol sa control na pinanghahawakan niya. Nakakita siya ng pagkakataon na makalayo rito nang mapansin na nasa pagitan na ng mga hita nito ang kanang tuhod niya. In fact, his arousal was now brushing against her thigh. Puwedeng-puwede niya itong tuhurin. Pero sa halip na gawin iyon ay natagpuan niya ang sarili na tinatanggap ang halik ng binata.
"I've miss you... Oh, sweetheart, how I've missed you," usal ni James sa pagitan ng mga halik. Halik na sa pagkakataong iyon ay banayad na at punong-puno ng pag-iingat. At masarap iyon. Matamis. Pinakawalan na rin nito ang mga palad niya. Habang hinahagkan pa rin siya, sinapo ni James ng mga palad nito ang kanyang mukha. Pero bigla itong natigilan, pinakawalan ang labi niya. Kumuha ito ng sapat na distansiya para pagmasdan siya. "Oh, my God! I'm sorry!" Lumarawan ang guilt sa mukha nito bago hindi magkandatutong humugot ng panyo sa bulsa nito at pinahid ang—wait, ano ang pinapahid nito sa mukha niya? Luha? Saka lang niya napagtanto na nanlalabo pala ang mga mata niya. Dahil sa luha. Oh. Hindi aware si Mikaela na umiiyak na siya.
"God. I'm sorry. Patawarin mo ako." Hinapit siya ng binata at niyakap. "Hindi ko sinasadyang saktan ka. Patawarin mo ako," tila nahihirapang wika nito.
Kumawala siya rito. "U-umalis ka na," malamig niyang tugon. Nagagalit siya sa sarili. Nadala siya sa halik ni James. May pagkakataon siya para makawala, para maipagtanggol ang sarili pero hindi niya ginawa. Mas nangibabaw ang tawag ng pagnanasa, ang resulta ng mga pagkakataong sumasagi ito sa isipan niya lalo na sa gabing nag-iisa siya at nalulungkot. Salamat sa luhang iyon na nagsalba sa kanya sa sitwasyong iyon.
"Mag-usap tayo... Pakinggan mo naman ang panig ko. I'm just desperate and I... I crazily thought that blackmailing you is my last resort. Nauubusan na kasi ako ng oras," pakiusap nito. "Damn it!" pagmumura nito. Batid niyang para iyon sa sarili nito at hindi para sa kanya. Hindi maipagkakaila ang frustration sa mukha ng binata. "Oh, Mikaella. I'm sorry..."
"BIGYAN mo siya ng pagkakataong magpaliwanag. Baka naman may rason talaga kaya ayon nagsiguro na siya. Really. Thrilled akong malaman ang rason niya. Kapag alam mo na ang buong kuwento at hindi ka pa rin sang-ayon then... well, hindi ko pa alam kung papaano pero tutulungan kita para hindi ka na niya guluhin pa. Though mukhang mahihirapan tayo sa bagay na iyan." Iyon ang payo kay Mikaella ni Jena. At nagpadali ang pagdedesisyon niya nang—sa tulong ni Jena— ay malaman nila na may nakarehistro ngang kasal sa pagitan nina James de Andrada at Mikaella Crisologo. Nag-iwan ang lalaki sa kanya ng numero nito sakaling handa na daw siyang makipag-usap. Kanina ay tinawagan niya ito at sinabihang magkita sila sa Mundo's coffee shop after office hours. Ngayon ay magkaharap na sila.
"Ayaw mo bang um-order ng pam-partner sa kape mo? Pasta, cake, or—"
Matalim ang tinging ibinato niya kay James. Kumukulo ang dugo niya sa sobrang galit sa ginawa nito. Sino ang matutuwa? Ang bagay na pinakaaayaw-ayaw niyang mangyari ay naganap nang wala siyang kamalay-malay. 'Ikinasal' siya. All courtesy of the king of manipulation—James de Andrada. Nagngalit ang mga ngipin niya. Malapit na niyang kunin ang tsaa ng mainit na kape at isaboy sa lalaking ito na akala mo ay kung sino. "Sabihin mo na ang dapat mong sabihin bago pa ako um-order ng isang set ng kutsilyo na itatarak sa katawan mo."
BINABASA MO ANG
The Start Of Forever (Completed)
RomanceThe Bouquet Ladies Trilogy Three friends attending their friend's wedding. During the bouquet throwing, they fight each other for the flowers because they believe the one who gets it gets married next... Book 1 Aya Myers Book 2 Kensi Book 3 Dwayne I...