Part 7 (Complete Chapter 5)

15.3K 378 3
                                    


CHAPTER 5

PABALIK na si Mikaella sa kanilang mesa nang salubungin siya ni Lulu. "Mikaella, there you are. Naaalala mo si Christian? Christian Sereno? Kamag-aral din ninyo at kaibigan ni Sevastian."

Christian Sereno? Sa isipan ay pilit inalala ni Mikaella kung sino si Christian at kung ano ang hitsura nito. Nang maalala ay isa nga pala ito sa mga heartthrob sa klase nila noon. "Yeah. Naaalala ko siya."

"Siya kasi ang nakakuha ng garter," pagbabalita nito.

"Oh," tipid niyang tugon. Hindi pa niya nakikita sa okasyon ang lalaki.

"Ngayon naman tinatawag na ang mga dalaga. Halika na. Maghahagis na ng bouquet! Sumali tayo," excited na wika Lulu.

Oh? Pagkatapos ng engkuwentro ni Mikaella sa napakayabang na lalaking iyon ay mas lalo siyang walang maunawaan sa nangyayari sa paligid. Ni hindi rumerehistro sa pandinig niya ang sinasabi ng emcee dahil paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ng lalaki. Kung may pakpak lang siya ay baka kanina pa siya nakalipad palayo. Hell! Kung sana ay hindi na lang siya dumalo, hindi sana nagsalubong ang landas nila ng lalaking iyon.

"Kayo na lang," pilit ang ngiti na pagtanggi niya. Ngiti na nauwi sa pagngiwi nang pumasok sa isip ang banta ng lalaki. Kapag hindi niya nakuha ang bouquet ay guguluhin nito ang buhay niya. May balak yata ito na ipagkalat ang sekreto niya. "Hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I. Always. Walk. The. Talk," sabi pa nito.

"Sige na. Katuwaan lang naman," paghimok pa ni Lulu.

Kapag pumunta ako doon, iisipin ng lalaking iyon na kayang-kaya niya akong pasunurin. Na inaamin ko nga na ako ang babaeng iyon. But then, hindi pa ba obvious sa naging reaksiyon ko ang kumpirmasyon na ako nga iyon? Kapag hindi naman ako nakisalo ng bouquet, baka sira-ulo pala ang lalaking iyon at totohanin ang banta niya. He talked so sure pa naman. God! Ano ba itong napasukan ko? himutok niya.

Maingat na tinimbang ni Mikaella ang sitwasyon. Hindi puwedeng mag-walkout na lang siya dahil baka naipagtanong na ng lalaki kay Daisy ang mga impormasyon tungkol sa kanya. Hindi nga ba at alam na nito ang pangalan niya? "Sige na nga," aniya kay Lulu na mukhang hindi rin pupunta sa bulwagan kung hindi siya kasama.

Nagkaipon-ipon na ang mga dalaga. Agad ding namataan ni Mikaella sina Ariana at Ynella. Composed at refined ang kilos ng dalawa, pero ang galaw ng mga mata ang nagbigay sa mga ito. They were seriously keenly eyeing for the wedding bouquet. Bahagyang tumaas ang kilay ni Mikaella dahil doon. Talaga, makikipag-agawan din ang dalawa ng bouquet? Naniniwala rin ang mga ito na kung sino ang makakasalo ng bouquet ay siyang sunod na ikakasal? Wait, ibig bang sabihin ay gusto na ring ikasal nina Ariana at Ynella? At akala pa naman niya, nag-e-enjoy ang mga kaibigan sa kanya-kanyang career. Ah, bakit ba idinadagdag ko pa sila sa isipin ko?

"Dito tayo sa may harap, Mikaella," sabi ni Lulu. At pumuwesto nga sila sa harap. Bahagyang nginitian ni Mikaella ang mga kaibigan na para bang nagtataas din ng kilay kung bakit siya naroon.

"Okay! Mukhang handa na ang ating mga kadalagahan," malakas ang tinig na sabi ng emcee. "Remember, ladies. The one who gets the wedding bouquet, gets married next. Sino kaya ang makakasalo?"

Lumingon ang bride sa kanila. Humagikgik. Pagkatapos ay kinindatan si Mikaella. Ah, oo nga pala, sabi nga pala nito ay sa deriksiyon niya nito ibabato ang bouquet.

"Huwag na nating patagalin pa ito. Mrs. Wilson, are you ready?" Nagbigay naman ng thumb-up si Daisy bilang sagot. "Okay. Here we go... One... two..."

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon