Part 21

11.3K 332 11
                                    


MULA sa nililikom na mga papel, nag-angat ng mukha si Mikaella at binato ng tingin ang direksyon ni James. Si James na tila naramdaman ang titig niya ay lumingon. At sa hindi na mabilang na pagkakataon ay nasalo sila sa maiinit na tingin at umaalalang ngiti.

Nagising silang masaya at kuntento kanina. Bagaman hindi pinag-uusapan ang naganap na pagtatalik, tila wala namang problema sa parehong panig nila. Kakatwa na walang ilangan, walang iwasan, walang batuhan ng mga pag-aakusa at angil. Sa halip ay para silang nasa alapaap na inakyat nila kagabi at hindi pa nakakababa. Nagkakahulihan silang nakatitig sa isa't isa at imbes na mailang, nauuwi sa pagngiti at pag-uusap ng mga mata ang eksena. Ang sexual na tensiyon ay hindi humuhupa. Para bang hinihigop nila ang isa't isa at sa sandaling makakuha sila ng pribadong sandali ay wala silang gagawin kundi ang punan ang pagnanasang nadarama.

Isinama siya ni James sa trabaho para diumano hindi siya mainip sa bahay. Basically, parang nagsu-supervise lang si James sa mga locals—na napag-alaman niyang mga guro—sa paggamit ng computers at ang mga programme niyon. Sumasagot ang binata sa mga tanong at nag-a-assist din. Siya naman ay pinagpi-fill-up nito ng mga datus. Batid niya na hindi lang dahil sa tangkad, sa kulay, at sa hitsura kaya nangingibabaw si James. He really has undeniably aura. Mangingibabaw ito saan man o kanino man ihalo.

Nang dumating ang break, agad tinungo ni James ang deriksiyon ni Mikaella. Ang paghakbang nito ay malalaki at nagmamadali. "Mali yata na isinama kita rito," sabi nito bago itinuon ang mga palad sa ibabaw ng mesa. "Dini-distract mo ako," akusa nito.

Natawa siya. "Ikaw nga ang tingin nang tingin sa akin," kunwari ay balewalang sabi niya bago yumuko at ibinalik ang paningin sa mga inaayos na papel. Ginawa niya iyon para itago ang malawak na ngiti. At ang nagniningning niyang mga mata.

Naupo si James sa gilid ng desk. Hinuli nito ang palad niya at hindi iyon binitiwan. "Dahil napakaganda mo. At hindi lang ako ang tingin nang tingin sa 'yo, maging sila. Kung liberated lang ang mga tao rito, I swear kukunin ko ang bawat tiyansang makita ko... and kiss you senseless."

Nag-init ang mga pisngi ni Mikaella. Lalo yatang namula ang mga pisngi niya nang paglaruan ni James ang palad niya sa napakaerotikong paraan. The sexual insinuation was unmistakeable. "J-James..."

"Mikaella..." tugon nito. Same passion, same longing.

"Itigil mo ang ginagawa mo. Bago pa tayo makagawa ng eskandalo rito."

James chuckled. "Tama ka." Pero bago nito bitiwan ang palad niya ay dinala muna iyon sa labi at dinampian ng halik tinitigan siya nito. "Masaya ako. Napakasaya. Ikaw?"

"Hindi kita inaaway, 'di ba?" nangingiting tugon niya. "Masaya rin ako." Na totoo naman. Masaya siya, kuntento. Pakiramdam na noon lang niya naranasan.

"Are you in for some thrill later tonight?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. Ang pilyong kislap ng mga mata ay nagsusuhestiyon ng isang mainit na eksena.

"What kind of thrill?" puno ng kuryusidad na tanong niya.

"Mamili ka, sa beach, o sa loob ng sasakyan?"

"Para saan—" Agad din naman siyang natigilan nang makuha ang ipinahihiwatig nito. "Oh!" nag-iinit ang mga pisngi na bulalas niya. Magniig sa beach, o sa loob ng sasakyan. Iyon ang sinasabi nito. "T-that was...hot." Umiling siya. "Paano kung may makakita? Eskandalo ang labas natin. Malagay pa tayo sa black list ng Dushiana pag nagkataon. Baka nga hanggang Pilipinas ay mabalita tayo."

Ngumisi si James. "Iyon nga ang thrilling part — ang mahuli. Pero biro lang iyon. Hindi kita ilalagay sa ganoong sitwasyon. Never."



HINDI nangyari ang alin man sa sinabi ni James, sa halip ay sinorpresa siya ng binata ng isang pang-gabing picnic sa isang burol kung saan mayroong nakalagay na high-powered telescope. "Wow," bulalas niya habang nakasilip sa lente ng teleskopyo at pinanunuod ang pagdaan ng mga meteor shower na hindi visible sa naked eye.

"Parang paraiso ang Dushiana, 'di ba?" tanong ni James.

Nilingon ni Mikaella si James. Nakahiga ito sa picnic mat, nakaunan ang ulo sa pinagsalikop na mga palad, nakatingala sa kalangitan. Bagaman maraming bituin sa langit, mas marami ang makikita sa teleskopyo. "Tama ka."

"Next weekend, dadalhin kita sa mga farm dito. Ah, you'll love the tropical fruits here. Actually, marami ka pang dapat makita rito sa Dushiana; ang mga natural springs, ang mga kuweba at mga mineral na hinulma ng panahon. The forests and its huge trees and wild flowers are also breathtaking. Kailangan mo ring makita ang mga churches dito. Tapos dadalhin kita sa pinakamataas na bahagi ng Dushiana kung saan makikita mo ang buong kaharian."

"Paano mong nalaman ang lahat ng iyan?" nagtatakang tanong niya. Nagsasalita ito na para bang napuntahan at pamilyar na sa mga nasabing lugar.

"Ah... r-research. Of course. Pati nga language nila ay pinag-aralan ko. Ni-research ko talaga ang mga lugar na puwedeng pasyalan sa Dushiana. Those travelers and tourists are missing the half of their life dahil hindi pa nila napupuntahan ang bansang ito."

Tumango siya. "Siguro pagdaan pa ng ilang taon, magiging kilalang tourist destination na ito, noh? Sana mapreserba ang natural na ganda. The locals were so warm, so hospitable."

"Halika," pag-anyaya sa kanya ni James. Tinapik nito ang tabi nito. Sumunod si Mikaella. Nahiga siya sa picnic mat. Si James naman ay dumapa, pagkatapos ay namalayan na lang niya na inilalagay na nito sa tainga niya ang isang headset, ang isa ay inilagay nito sa sariling tainga. "Remember noong tinanong kita kung ano-ano ang mga kantang gusto mo? Here. Ginawan kita ng playlist. Pakinggan mo habang pinanunuod mo ang mga bituin. Enjoy listening to your songs," anito bago pinindot ang play button sa cell phone nito.

Mikaella smiled. Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang musikang pumapasok sa taynga. Kinakalma niyon ang sistema niya. "Thank you," usal niya.

Isang halik sa kanyang noo ang nakuha niyang tugon.


The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon