Part 32

10.9K 491 17
                                    


BAKIT nakatayo lang siya sa may pinto? Nagtatakang tanong ni James sa sarili. Nasa loob siya ng kanyang sasakyan, nakahawak ang mga palad sa manibela ng sasakyan na ang makina ay patuloy na umaandar. Hinihintay lang niya na tuluyang makapasok sa loob ng bahay ang nanay ni Mikaella bago siya umalis.

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang ihatid niya sa airport ng Dushiana si Mikaella. Sa airport ay mahigpit na niyakap pa niya ito tsaka pinakawalan. Simula noon ay hindi na siya nagpakita rito. Hindi niya ito ginulo katulad ng nais nitong mangyari. Ang kanyang abogado na lang ang namamagitan sa kanila.

Mapait siyang ngumiti. Hindi siya nagpapakita sa dalaga pero siya...siya ay laging nakasubaybay rito. Lagi niyang tinatanaw ang dalaga mula sa malayo. Hidi niya mapigilan ang sarili niya na gawin iyon. Hindi niya alam kung papaanong naging posible na lalo niyang minamahal ang dalaga sa bawat pagdaan ng araw. He had no idea that love could be that intensely. Na posible ang ganoong damdamin. Siguro ganoon talaga kapag totoo at malalim ang pagmamahal sa puso mo. Naaalala pa niya ang unang beses na nakita niya ang dalaga. She was—

Nahinto ang daloy ng isipan ni James nang mapuna ang tila pagbagsak ng katawan ng nanay ni Mikaella at ang pagdalo rito ng dalaga. "What the hell!" bulalas niya bago mabilis na umibis ng sasakyan at matuling tinakbo ang nakabukas na front door kung saan rinig na rinig niya ang natatarantang pag-iyak ni Mikaella.

"J-Jena, pakihanda ng sasakyan mo! Please! Dalhin natin sa hospital si Inay," natataranta at umiiyak na wika ng dalaga habang nasa bisig nito ang ina. "Oh, my God! N-Nay. Inay..."

Mabilis na dumalo si James. Muntikan pa niyang mabunggo ang papalabas na si Jena. "James?" gulat na usal nito.

Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy na dinaluhan si Mikaella. "Ano'ng nangyari?" tanong niya habang kinukuha mula sa bisig ng natatarantang si Mikaella ang katawan ng nanay nito. Kinarga niya ito at mabilis na inilabas ng bahay patungo sa kanyang sasakyan. Mikaella couldn't speak a word. Tila natulala na ito. "Mikaella!" tawag niya rito sa malakas na tinig. Tila nagising naman ito at agad nakasunod sa kanya.



ANG HAPLOS sa nayukyok na ulo ni Mikaella sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang inay ang gumising sa kanya. "N-Nay," agad na wika niya. "Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya sa ina. Salamat sa Diyos at naisugod agad nila sa hospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si James dahil naroon ito at hindi taranta. Dumating sila sa hospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Jena ay parehong taranta at hindi alam ang gagawin.

"Sshh...she'll make it,"pag-alo ni sa kanya ni James habang ang kanyang inay ay inaasikaso na ng mga doctor. She was trembling ang crying so hard. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang mangyari sa nanay niya.

Hindi tumutol ang dalaga nang kabigin siya ni James at ikulong sa mga bisig nito. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Sa mga bisig na iyon ay muling nakadama ng seguridad si Mikaella. Para bang may karamay siya, may mapagpalang kamay na nagpapagaan sa kanyang kalooban, may nagbibigay ng assurance na hindi siya iiwan sa ano mang unos o pagsubok. "K-Kasalanan ko, kasalanan ko..." pag-iyak niya sa balikat ng binata.

"Don't be too hard on yourself. Calm down...Magiging maayos din ang lahat. Makikita mo...Stop crying...Sshh..." Mikaella felt his lips on her head. Dinampian nito ng halik ang ulo niya habang patuloy ito sa pagkonsola sa kanya. Hindi niya alam kung papaanong naroon si James nang sandaling iyon. Pero nagpapasalamat talaga siya na naroon nga ito. At mas laking pasasalamat niya na naroon pa rin ito at inaalalayan siya, dinadamayan. Because if truth be told, wala siyang ibang nais na iyakan sa sandaling iyon kundi ang binata lang.

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon