Part 33

10.6K 329 9
                                    


"HEY, WHAT are you doing here?" sabi ng tinig ni Jena na kumuha sa atensiyon ni Mikaella. Ang hospital room ng kanyang nanay ay nasa dulo ng hallway. Matapos silang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina, ipinasya niyang lumabas ng silid para magmuni-muni at timbangin ang mga bagay-bagay. Nakatayo siya sa salaming dingding at animo nakatanaw sa labas pero ang totoo ay ukupadong-ukopado ang kanyang isipan. Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basket na puno ng prutas at mga bulaklak. Hinagkan ni Jena ang pisngi niya. "Kumusta si Nanay?"

"She's fine. Natutulog. Gusto na ngang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din ay ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon kako ay kailangan niyang magpahinga." Tinungo nila ang isang set ng mga upuan sa pagitan ng silid ng kanyang ina at sa isa pang silid. Naupo sila roon ni Jena.

"Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya. "Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip ng mag-isip..."

"H-hindi ko mapigilang hindi mag-isip." Napasigok na naman si Mikaella. Nagiging emosyunal na naman siya. "P-parang mga kulog na dumadagundong sa isip ko ang lahat." Saglit na isinubsob niya ang mukha sa mga palad, kapagkuwan ay umayos din ng upo.

"Bumalik na ba siya?" tanong ni Jena at hindi na kailangang itanong ni Mikaella kung sino ang tinutukoy nito. Ang binata iyon, si James.

Umiling siya. "A-alam mo ba kung ano ang ikinuwento ni Inay tungkol kay James?" Inulit ni Mikaella ang ikinuwento sa kanya ng kanyang nanay. Nang matapos siya sa pagkukuwento, ang kaibigan niya ay mangha rin. "C-can you believe it? Ni wala akong kaide-ideya na may ugnayan sila. Na sariling paraan ni James ay napalapit siya kay Nanay. H-hindi ako makapaniwalang nagawa niya ang mga iyon," basag ang boses na tugon niya. Nagbuga siya ng hangin para payapain ang damdamin.

"Kaya pala naroon din si James kanina. At tungkol sa ikinuwento mo? Well...kailangan mo itong makita. It'll back up your mother's story." Mula sa bag ay inilabas ni Jena ang isang nakatuping diyaryo. Jena handed it to her. "Aksidenteng nakita ko iyan, nakabalot sa bulaklak na binili ni Manang sa palengke."

Tinanggap iyon ni Mikaella at nagtatakang tinunghayan. Lumang dyaryo na pala iyon. Una niyang napagtuunan ng atensiyon ang picture doon na pinaluma at pinalabo na rin ng panahon. Dalawang lalaki ang naroon, magkatabi at tila nanonood ng isang malaking sports event. They are both young and—kumunot ang noo ni Mikaella. Tumutok ang paningin niya sa isa sa dalawang lalaki. Parang younger version ito ni James. Binasa niya ang caption. Prince Lucca of Dushiana and his close friend, James de Andrada—the heir to de Andrada's Corporation, graced the opening season of this year's Australia's Open Cup. Prince Lucca of Dushiana? Walang ideya si Mikaella na ganoon pala kaguwapo ang prinsipeng hindi niya nakadaupang-palad noong nasa Dushiana pa siya.

"So?" nagtataka pa rin na tanong niya. "Anong meron dito?"

"Matagal na silang magkaibigan," anito, tila may nais ipakahulugan.

"Ngayon?"

Inikutan siya ng mga mata ni Jena. "My God, Mikaella, bakit ang hina mong pumick-up?" tila naiinis na sabi nito. "Side effect ba iyan ng pagbu—"

"Sshh!" saway niya sa kaibigan bago pa nito masabi ang salitang 'pagbubuntis'. "Eh, ano nga ba kasi ang meron?"

"Naku, ikaw, makukurot kita, eh. Matagal nang magkaibigan sina Prince Lucca at James. Matalik na magkaibigan. Therefore, parang pangalawang bansa na ni James ang Dushiana. P'wede siyang maglabas-masok doon nang walang problema."

Tumahip ang dibdib ni Mikaella. Napatitig siya sa kaibigan. "A-are you trying to say na..."

"I'm trying to say na kahit walang asawa si James, makakapasok siya sa Dushiana. Na welcome siya roon. So, tell me, bakit kaya ipinaggiitan niya na kailangan niya ng asawa? And why he particularly chooses you? Na halos i-blackmail ka niya para lang maisama roon? Because he wanted to be with you. Dahil mahal ka niya! Minahal ka na niya sa Singapore pa lang."

Bumuka ang mga labi ni Mikaella sa pagkamangha. Kaya pala parang kilala ng lahat ng locals si James. Kaya pala tila pamilyar na pamilyar ito sa kaharian at parang alam na alam nito ang bawat kalye roon. Kaya pala marami itong alam na Dushianan words. My God! Kung pakaiisipin niyang mabuti ay marami ngang palatandaan na nagsasabing labas-masok si James sa bansang iyon. At sa palasyo ay napakaganda ng pakikitungo ng royal family kay James. God! The signs were all there pero hindi man lang siya nagkaroon ng pagdududa. Pinaniwalaan at tinanggap niya ang sinabi ni James na nagreseacrh lang umano ito ng maige ng tungkol sa mga nalalaman nito sa bansang iyon.

"At ang business dealings na idinahilan niya? Well hear it out, my dear. Kalahating taon na ang nakakaraan ng maisara nila ang kontrata, bagaman noong time na pumunta kayo roon eh noon pa lang talaga sisimulan ang project."

"Oh!"

"Kung bakit kasi hindi natin naisipang mag-research nang husto. So you see? Planado ang lahat! Isinama ka niya sa Dushiana dahil umaasa siya na matutunan mo siyang mahalin doon. Mikaella, mahal ka ni James! Mahal ka niya kaya doon pa lang sa kasal ng kaibigan n'yo ay hindi ka na niya tinantanan. Pero dahil mailap ka, humanap siya ng ibang paraan para makasama ka. Tapos nagkataon na may controversy nga sa Dushiana, so there, iyon ang ginamit niyang dahilan. Quite a desperate move, if I may say so. No, not deaperate. It was...romantic."

Napaiyak si Mikaella. "Alam kong siya ang kasama mo sa...ano ngang bansa iyon? Dus...Dushiana? ...Ipinagpaalam ka niya. Na wala daw akong dapat ipag-alala dahil siya ang bahala sa iyo roon. Na aalagaan ka niya...Mamahalin..." pag-alingawngaw sa tainga niya ng sinabi ng kanyang ina. "Oh, my God."

All the pieces was falling on the right places. Totoong mahal siya ni James. Totoo ang mga ipinakita at sinabi nito sa kanyang nanay. At siya, mahal din niya ito. Sa kabila ng takot niya ay mahal pa rin niya ang binata. Nangingbabaw iyon. Naghuhumiyaw. At alam ni Mikaella na hindi niya iyon matatakasan. Hindi mababalewala.

At sa ngayon ay alam niya kung ano ang dapat gawin...kailangan niya ng closure. Closure sa kanyang ama. Magpapatawad siya at palalayain ang lahat ng pait sa kanyang puso. Lilinisin na niya ang galit na matagal na ring namamahay sa kalooban niya. And then she'll have a new life with James. Isang pamilya ang bubuuin nila. Isang masaya at puno ng pagmamahalang pamilya. Susugal siya. Mas mabuting sumugal kesa habang-buhay na magsisisi.


The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon