Part 26

9.9K 294 1
                                    


ALAS-DOSE na ng gabi pero hindi pa pumapasok sa silid si James. Ano ba ang inaasahan mo, Mikaella? Pagkatapos ng nangyari, inaasahan mo pa rin na papasok siya at sisipingan ka sa pagtulog? pagkutya ng isipan niya. What? Hinahanap-hanap mo na agad ang matulog sa mga bisig niya? Hinahanap-hanap mo ang amoy niya, ang init ng katawan, ang seguridad na nararamdaman mo kapag yakap ka niya? Eh ang mga ngiti niya? Ang malamlam na tingin? Ang— "Stop it!" saway niya sa sa tinig sa likod ng isipan dahil tila hindi iyon titigil sa pag-iisa-isa sa mga bagay na ginagawa ni James at mga katangian nito. Bumaba siya ng kama at nagpalakad-lakad. Subali't makulit ang tinig na iyon at hindi nagpapaawat sa paghamon sa kanya...Bakit hindi mo na kasi aminin? Hindi ka ipokrito, hindi ba? Well then admit that you love him. You love him! Sa Singapore pa lang, may kinuha na siyang parte ng pagkatao mo. Hindi lang ang virginity mo ang nakuha niya kundi ang puso mo! Admit it, Mikaella.

Nanginig ang labi niya. Ang mga mata niya ay humapdi, hanggang sa mapuno ng luha. Dahan-dahang napaupo siya sa gilid ng kama. Kapag nagkaila siya ay sarili lang niya ang lolokohin niya. Kaya, oo, aamin na siya. Mahal nga niya si James. Kung pagmamahal nga ang tawag sa hindi maipaliwanag na pakiramdam na iyon na pumupuno sa dibdib niya, sa isip niya, sa puso niya, at kung posible ay pati na rin yata sa kaluluwa niya. Then yes, she loves him.

Ipinatong ni Mikaella ang mga siko sa ibabaw ng kanyang mga hita bago isinubsob doon ang mukha. God! Bakit hinayaan ko na mapunta ako sa sitwasyong ito? Bakit hinayaan ko na umabot sa ganito? Bakit—napatingala at napatuwid siya ng likod nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid.

"Oh, ghising ka pa pala. C-can't sleep?" sabi ng lasing na tinig ni James. Pahapay itong naglakad papasok.

Tumayo si Mikaella. "L-lasing ka?" tanong niya, napupuno ng kaba ang kanyang dibdib. Bigla ay pumapasok sa isipan niya ang mga pagkakataong nalalasing ang kanyang ama. Calm down, Mikaella. Calm down...Si James iyan, hindi iyan ang tatay mo.

Ngumisi ito, pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. "Hindi ganoon kalasing," anito bago tuluyang lumapit sa kanya at kinuyumos siya ng halik. Mariing itinikom niya ang bibig, hindi hinahayaang makapasok sa loob ng bibig niya ang pangahas na dila nito. Tumigil si James sa paghalik at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga balikat. "Why are you fighting me? Sabi mo ang nangyari sa pagitan natin ay normal na nangyayari sa babae at lalaking may matataas na level ng libido at nagsasama pa sa iisang bubong. You said it yourself! Well, I want you now!" mariing wika nito, kasing-diin ng pagkakahawak nito sa mga balikat niya.

"N-nasasaktan ako..."naiiyak niyang wika, pilit iwinawaksi sa isipan ang mga eksena ng kanyang nanay kapag sinasaktan ito ng kanyang lasenggong ama. "Ipinapangako ko na hindi ko daranasin ang dinanas ninyo. Hindi ako magpapakatanga sa isang lalaki. Hindi ako tutulad sa inyo, Inay. Walang lalaki na hahayaan kong saktan ako! Hindi ganito ang magiging buhay ko sa hinaharap. Magiging matapang ako at matatag. Hinding-hindi ko itatali ang buhay ko sa isang lalaki."

"Mas nasasaktan ako, Mikaella!" bulyaw nito na ikinapiksi niya. Katulad noon sa tatay niya ay napapakislot din siya sa mga sigaw nito. "Hindi mo alam kung gaanong sakit ang pumipilas sa pagkatao ko dahil sa mga sinabi mo. Ginawa ko ang lahat, Mikaella. Siniguro kong nararamdaman mo ang pag-aalala ko, ang pagmamahal ko. Akala ko nagtagumpay na ako. I was wrong," naniningkit ang mga mata na dagdag pa nito bago siya muling kinuyumos ng halik.

"D-don't—" Nagpumiglas siya. Nanlalaban. Subalit natural na malakas si James. Namalayan na lang ni Mikaella na bumagsak na ang likod niya sa ibabaw ng malambot na kama. Si James ay nasa nakakubabaw sa kanya, pinupuwersa siya. He was kissing her and touching her relentlessly. "J-James! Huwag," hintakot na usal niya. Her body was trembling. Namaybay ang maiinit na luha sa magkabila niyang pisngi. "Huwag mong gawin sa akin ito. Huwag mong gawin sa akin 'to. Huwag mo akong saktan. Huwag, huwag..." nanginginig ang katawan at hindi magkandatutong usal niya. "Huwa—g..."

"What the—" Tila nagising si James, nawala ang kalasingan. Pinalaya siya nito mula sa pagkakakubabaw sa kanya. Sinamatala ni Mikaella ang pagkakataon at nagsumisksik sa headboard ng kama. "Mikaella...I'm sorry. I'm sorry."

Umiling siya, yakap-yakap ang mga binti at patuloy na umiiyak. Sa nanlalabong mga mata nakita niyang natataranta si James at hindi malaman kung papaano hihingi ng tawad. "H-huwag kang lalapit. J-just get out. P-pare-pareho lang kayo. Pare-pareho lang kayo!"

"Patawarin mo ako. Oh, God. I'm sorry Mikaella. Hindi ko sinasadya...I'm sorry." Tinangka uli siya nitong abutin pero umiling siya, nagsusumiksik sa headboard. Sinabunutan nito ang sarili. "Damn it!"

"L-leave me alone. Please. N-nakikiusap ako, lumabas ka na."

Wala nang nagawa si James kundi ang lumabas. Once he was outside, Mikaella cried and sobbed. Nakita lang niyang lasing si James at hayon natakot na siya, pumasok na sa isipan ang mga traumang dulot ng engkuwentro niya sa lasenggong ama. Mas lumala iyon nang dumiin ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya, sigawan siya, at ipilit ang sarili sa kanya. She was so afraid. Natatakot siyang pagbuhatan nito ng kamay. Natatakot siyang murahin nito. Natatakot siya sa multo ng kanyang ama.



The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon