Part 8 (Complete Chapter 6)

13.7K 328 2
                                    


CHAPTER 6

PANAY ang sipol ni James habang nagmamaneho. Si Mikaella naman ay walang-imik at halos magsusumiksik sa pinto sa gawi niya. This was so wrong pero may pagpipilian pa ba siya? Ginagamitan siya ng lalaki ng blackmail na natatakot naman siyang kontrahin. Hindi niya kilala ang pagkatao nito. Papaano pala kung may kakayahan nga ang lalaki na gawin ang mga banta nito? Hindi nga ba at ipinagdiinan nito kanina na he walks the talk? Na ibig sabihin ay ginagawa talaga nito kung ano ang sinabi. But damn it, nakukuha ni James ang kontrol sa sitwasyon. Isang bagay na hindi dapat niya pinayagan.

"Say something," anito.

Sa gilid ng mga mata ni Mikaella ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Nilingon niya ito at inirapan. "Wala akong dapat sabihin."

"Hindi mo ba itatanong kung bakit natatagalan ang paglabas natin sa main highway?"

"Ha?"

"Parang... naliligaw tayo," nakangiwing sabi nito bago hinaplos ang batok.

"Ano?!" mas malakas niyang tanong. Tumuwid ang kanyang likuran, sabay tingin sa kapaligiran sa labas ng sasakyan.

Humalakhak si James. "Biro lang. Namutla ka naman agad diyan. Relax, will you? Para naming hindi tayo naging... close."

Damn it! Pinagkakatuwaan pa ako ng lalaking ito! nanggagalaiting wika ni Mikaella sa isipan. Hindi makapaniwalang umabante siya papalapit kay James bago pinagpapalo sa braso.

"Aw. Stop that." Ang kaliwang kamay na lang ang ipinangkokontrol nito sa manibela, ang kanan ay ipinangsasalag sa kanya.

Pero hindi siya tumigil at panay pa rin ang atake. Hanggang sa ipulupot ni James ang kanang palad nito sa batok niya at hapitin papalapit dito. Halos magbungguan ang mga mukha nila.

Sa napakaliit na distansiya ng mga mukha nila, nakita niya nang titigan siya ni James. Napalunok si Mikaella. Parang biglang tumahimik ang paligid at mas naging aware siya sa binatang kasama sa sasakyan. Hahagkan kaya siya nito? Ah. Naaanoy niya ang mabangong hininga ng lalaki na nababahiran ng amoy ng alak. Parang siyang malalasing. Bahagyang bumuka ang mga labi ni Mikaella sa antisipasyon. Hindi niya itatanggi ang urge na nabuhay sa kanyang pagkatao. Para siyang biglang nauhaw. Kapag hinagkan siya nito ay tatanggapin niya iyon at ibabalik.

Isang mahinang ungol ang kumawala sa lalamunan ng binata. "Sige na. Alam ko na gusto mo akong hagkan. Gawin mo na," sabi ng paos na tinig nito.

Nang rumehistro iyon sa pandinig ni Mikaella ay mabilis siyang kumawala rito at umayos ng upo. Noon lang niya napagtanto na nakatigil na pala ang sasakyan.

"Bakit hindi mo kinuha ang pagkakataon na mahagkan ako?" nanunukso ito, walang duda roon.

"Dahil ayaw ko! Dahil hindi ako interesado sa halik mo."

"Yeah?" Nakatikwas ang sulok ng labi ng lalaki sa pinipigilang ngiti, halatang hinahamon siya. "Kung ganoon, bakit namumula ang mga pisngi mo?"

Hindi iyon mapasubalian ni Mikaella dahil ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, kinakalma ang nagririgodong dibdib. Nang buksan niya ang mga mata ay nakapagkit na sa labi niya ang isang ngiti. "Sino ang hindi mamumula sa galit kapag hina-harass siya ng isang aroganteng lalaki?" depensa niya. "Ikaw, bakit hindi mo ako hinagkan? I'm a not desirable enough for you?" Kung hindi niya ito mapapatino sa pagtataray, eh, di sabayan na lang niya ang trip nito. Laruin ang laro nito. Sa atakeng iyon ay baka may tsansa pa siya na manalo.

Nawala ang mapanuksong ngiti ni James. Ang mga mata ay biglang nabahiran ng pagnanasa. Tumigas ang panga nito sa tila tinitimping damdamin. "Kapag hinagkan kita baka hindi ko magawang tumigil. I swear I can take you right here, right now," mababa, paos, at puno ng intensidad na wika nito habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. At nagulat si Mikaella sa naging rekasiyon niya. Kinilabutan siya. Pero kilabot na hindi dulot ng takot. Kilabot na dulot ng matinding excitement. "Katulad sa Singapore... you know... picking up a woman from a bar is not my thing. Never my thing. Pero nang matikman ko ang labi mo, hindi ko na nakontrol ang sarili ko. I started making love to you. Gusto mo bang mangyari iyon, Mikaella?"

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon