Part 38 (Epilogue-Ending)

20.8K 965 189
                                    



EPILOGUE

"DO THE honor, sweetheart," sabi ni James sa asawa. Sa harap nila ay naroon ang isang laptop, sa window niyon ay nakabukas ang Facebook account ni Mikaella.

Buong pagmamahal na nginitian ni Mikaella ang asawa. Tumayo si James at lumipat sa likuran niya. Mula roon ay iniyakap nito ang mga braso sa kanya at bahagyang itinuon ang baba sa kanan niyang balikat. Isa-isang binuksan ni Mikaella ang ilang picture na in-upload ng kanyang asawa.

—Isang litrato ni Mikaella na kita na ang maliit umbok ng kanyang tiyan, palatandaan ng buhay na pumipintig sa kanya sinapupunan...

—Isang litrato ng mga kamay ng isang lalaki at babae na may suot na singsing...

—Isang selfie nina Mikaella at James...

—At, Isang litrato ng mga tuyong bulaklak—mga bulaklak na nasalo ni Mikaella noong kasalan ni Daisy. Isinalaksak niya iyon sa dibdib ni James noon, hindi niya alam na iningatan pala iyon ng kanyang asawa. Pinatuyo at inilagay sa isang kuwadrado. Lubhang nasorpresa pa siya noong ibigay sa kanya iyon ni James. Naka-display na iyon sa kanilang silid.

Napapikit si Mikaella nang maramdaman ang dampi ng halik sa kanyang ulo. Bahagya siyang tumingala at sinulyapan ang asawa. His eyes spoke of volumes. Of pure love. "I love you," anito. "My forever..." Hinagkan siya ni James. Hindi lang sa titig at sa salita ng asawa niya naramdaman ang pagmamahal na sinasabi nito kundi maging sa halik. Ah, salamat sa Diyos sa pagmamahal, sa kasiyahan, at sa kakuntentuhan na nararamdaman niya ngayon.

"I love you, James. My forever..."

Ibinalik ni Mikaella ang atensiyon sa laptop. Dumampi ang daliri niya sa touch pad ng computer, pagkatapos ay mabilis na tumipa sa keyboard ng computer. Itinag niya ang mga litrato kina Ariana, Ynella, at Daisy. Nilagyan ang mga litrato ng caption na 'WHO'S NEXT?' Pagkatapos ay itinapat niya ang cursor sa icon ng 'post picture' at pinindot iyon. Sa isang-kisap mata ay na-post ang mga litrato.

"Okay, enough of that," bulong sa kanya ng asawa. Ang sunod na namalayan ni Mikaella ay karga na siya nito at humahakbang na patungo sa kanilang silid. Pinaplano na nila ni James ang kanilang kasal. It will be a church wedding. Sa Dushiana ang honeymoon, siyempre. Ah, hindi niya malilimutan kung papaanong umiyak ang nanay niya sa naging pagbabago ng buhay niya. Naiyak ito sa kaligayahan sa kaalamang magaling na ang sugat sa puso at pagkatao niya. Tuluyan na iyong naghilom. Ang pamilya naman ni James ay buong-puso siyang tinanggap at itinuring na anak. Excited ang lahat sa paglabas ng kanilang anak.

"Yeah. Enough of that," sang-ayon niya. Pumaloob ang isang kamay niya sa buhok nito at hinila iyon para mapalapit sa kanya ang mukha nito. Pagkatapos ay inangkin niya ang labi nito. Bago pa sila tuluyang makalayo ay pumasok pa sa pandinig niya ang alert tone na palatandaan ng mga nag-like o nag-comment sa mga litrato. Sino kaya ang unang nakakita at nag-comment sa mga picture? Ah, saka na niya iyon uusisain dahil sa ngayon ay nasa asawa ang kanyang buong atensiyon.

WAKAS


Thank you fore reading. Paki-Vote na lang. Kung gusto ninyo ng hard copy/ book, makipag-ugnayan lang po sa Precious Hearts Romances. Thank you. :)

Sa mga nagtatanong/naghahanap ng Book 2 at Book 3, hindi po ako ang nagsulat. Book 2 ay isinulat ni Kensi @Missclosetnovelist. Book 3 ay isinulat ni Dwayne Izobelle 

@dwayneizobellephr. :D

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon