Part 37

13.8K 337 7
                                    


MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mikaella matapos niyang ikuwento kay James ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una. Naroon sila ni James sa upper deck at pinanunuod ang kagandahan ng papalubog na haring araw. Nakakapit siya sa railing habang si James ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya. "Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I...I should not to live in the past. I should not dwell on the mistakes of yesterday. That sometimes you have to take chances...Mas mabuti daw kasi iyong sumugal at lumaban kesa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin ay talo ka agad. Kapag sumugal ka, may tyansa kang manalo."

Humigpit ang yakap ni James. Ang ulo nito ay tumuon sa kanyang balikat. "Hindi mauulit iyon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangamba. Sa piling ko matutulog kang payapa at gigising na kuntento. Oh, Mikaella, if you only knew how much I love you."

Humarap siya rito. Sinapo ni James ang mukha niya sa mga palad nito. "A-alam ko na ngayon. Alam ko na ang lahat. Mula sa engkuwentro natin sa bookstore, hanggang sa pekeng pangangailangan mo ng asawa. Napagtagni-tagni ko na ang lahat, James. Kahit ang... a-ang pakikipag-ugnayan mo kay nanay ay alam ko na rin," nanginginig ang boses na wika niya. Napakasuwerte niya sa lalaking ito. Pinagpala siya dahil binigyan siya ng Diyos ng lalaking gagamot sa lahat ng sugat na meron siya.

"Sa Singapore, I don't know why I couldn't speak. Hindi ko alam kung bakit hindi kita malapitan. Hanggang sa naging mabilis na ang mga pangyayari."

"Oh. Kaya pala tinanong mo ako noon kung meron ba akong kakambal."

"Yeah. Magkaibang personalidad kasi ang nakita ko sa bookstore at sa Singapore. But I still knew it in my heart na ikaw talaga iyon. Alam ko dahil dito..." Itinuro nito ang tapat ng dibdib kung saan tumitibok ang puso nito. Namula ang mga mata ni James. "...You know what I mean? My heart told me it was really you. Habang natutulog ka ay pinagmamasdan kita. I realized then that you're the woman I want to spend the rest of my life with. Balak kong kausapin ka pero parang bula na bigla kang naglaho. Hindi na ako lalo matahimik. Kaya nang makita kita sa kasalan...I been so desperate na hindi ka na makawala pa sa akin to the point na arogante at bossy na ang dating ko sa 'yo. Well, sinasabi naman talaga nila na bossy at arogante ako." Natawa ito sa huling sinabi.

"Okay, I guess it's my turn. Oras na para sa pinakamalaking rebelasyon ko..." Tumikhim siya. "D-dahil sa nasaksihan kong buhay ni Inayy sa piling ni Tatay, wala na akong planong mag-asawa. Ang gusto ko na lang ay...magkaanak. Anak na pagbubuhusan ko ng atensiyon ko at pagmamahal. So, noong gabing iyon sa Singapore...uhm...you know..."

Kumunot ang noo ni James. Ramdam niya ng matensiyon ito. "You were a virgin at sabi mo nakainom ka ng date rape drug—" James gasped. "You did that on purpose? I mean yeah, noong sinabi mo na nakainom ka lang noong gamot, naisip ko na agad na sinadya mo iyon para iwala ang virginity mo. Wait. So, ibig sabihin ang misyon mo talaga ng gabing iyo ay para mabuntis?"

Napangiwi siya. "Er--yes. Ganoon nga. Ginawa ko ang lahat ng iyon para mabuntis."

"What the hell!" Kumalas ito sa kanya. Nagtungo sa kabilang railing at mahigpit na humawak roon.

"Galit ka ba?"

"Siyempre galit ako!" agad na tugon nito na nalalaki ang mga mata. "Paano kung hindi ako ang natipuhan mo? Paano kung ibang lalaki? Paano kung—"

Napangiti siya. Obvious na nagseselos ito sa isang posibilidad na hindi naman nangyari. "See? That's destiny...pilit tayong pinagtatagpo. Kung hindi kita napansin sa book store, sa bar na iyon naman, unang sulyap ko pa lang sa 'yo ay na-attract na agad ako sa 'yo."

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon