Part 12

11.1K 628 4
                                    


MIKAELLA de Andrada. Hindi pa rin siya makapaniwala na iyon na ang pangalan niya ngayon. Na nakakatitig siya sa singsing sa daliri niya na isinuot ni James kahapon ng umaga habang ikinakasal sila ng isang huwes sa Nevada. Lalong hindi siya makapaniwala na katabi na niya ngayon ang lalaki na ngayon ay asawa na niya sa upuan sa isang chartered plane na maghahatid sa kanila sa Dushiana.

Lihim na nagpakawala ng buntong-hininga si Mikaella. Akalain ba naman niya na mangyayari din pala ang bagay na isinumpa niyang hindi mangyayari. Ang masama pa ay walang kaalam-alam doon ang kanyang pamilya.

"Hey..." tawag-pansin sa kanya ni James. Sa tabi ng bintana siya nakaupo. Halos mataranta siya nang umabante ang lalaki papalapit sa kanya sa akto na para bang... para bang hahagkan siya.

"Ano'ng ginagawa mo?" mahinang sita niya, kinokontrol ang sarili.

Ngumiti si James. Ngiti na ayaw mang aminin ni Mikaella ay lalong nagpatingkad sa taglay nitong kaguwapuhan. "Relax, sweetheart." Inabot nito ang seat belt niya. "Mukhang napakalalim ng iniisip mo at hindi mo napakinggan ang anunsiyo ng piloto na malapit na tayong lumanding at dapat na nating ikabit ang mga seat belt natin," anito habang ikinakabit ang kanyang seatbelt. Ikinabit na rin nito ang sariling seatbelt. "Nervous?"

"Sino ang hindi ninerbiyusin?" aniya bago ipinaling ang paningin sa labas ng bintana kahit na nga ba wala siyang mabanaag sa ibaba dahil makapal ang mga ulap. Sa gulat ng ni Mikaella ay dahan-dahang may humawak sa kanyang palad. The palm was hot, calming, reassuring. Nagdulot iyon ng iregularidad na pagtibok ng puso niya. At sa kung anong dahilan ay hindi niya magawang magbawi ng palad. Dahan-dahan siyang tumingin kay James.

"Kaya natin 'to." Ang ekspresyon sa mukha nito ay banayad at nakakapagpayapa ng kalooban. Para bang nais pawiin ng lalaki ang nerbiyos at takot na nadarama niya. Kapag ganoon ay hindi magawang umatake ni Mikaella. Hindi niya ito magawang sungitan. "Hindi muna tayo magbabangayan at aakto tayo na mahal na mahal natin ang isa't sa. Kaya natin iyon, 'di ba?"

Binawi niya ang kamay. "O-of course. Hangga't hindi mo ako binibigyan ng rason para maghurumentado, kaya kong ngumiti at makipagplastikan. Kung ang katumbas niyon ay ang katahimikan ko mula sa 'yo..."

"Sige nga, testing nga. Smile at me," may bahid ng panunukso na sabi nito.

"Ano?"

"Sabi ko, ngitian mo ako."

"Pinagkakatuwaan mo ba ako?" Kinunutan niya ito ng noo. Pilit iniignora ang kakaibang ningning ng mga mata nito.

"No. Gusto ko lang makita kung papaano ka ngumiti. Hindi pa kasi kita nakikitang ngumiti..."

Nagbawi siya ng paningin. "Hindi pinipilit ang ngiti, James, dahil sa ngiwi iyon nauuwi. Wait 'til I smiled naturaly, unscripted, and freely. Baka masilaw ka."



"HANDISA, Mr. de Andrada," magalang na pagbati ng isang native man na lumapit sa kanila ni James. Nakasuot ito ng brown na pantalong khaki at puting polo shirt. Hindi gaanong mapagtuunan ng pansin ni Mikaella ang paligid ng maliit na airport dahil sa mainit na klima. Mas malala pa yata iyon sa summer ng Pilipinas. Pakiramdam niya ay iniihaw siya sa sobrang init at bigla siyang na-dehydrate, bagaman binalaan na siya ni James tungkol doon. Maliban naman daw doon ay napakagandang ng buong isla at siguradong masisiyahan siya roon.

"Handisa, Yuli," tugon ni James sa pagbati. "Nice to see you again." Binalingan siya ni James. "Sweetheart, this is Yuli. He's one of the palace's chauffeur. He was assigned to drive me everyday. Oh, Handisa means long live. That's Mabuhay to us Filipinos."

Binati ni Mikaella ang driver. Nabanggit na sa kanya ni James na bagaman may native language ang mga Dushianan, English diumano ang second language ng mga ito at marami na rin ang marurunong. Pagkatapos makuha ang mga kagamitan nila ay agad na rin nilang tinahak ang daan na maghahatid sa tutuluyan nila.

Maraming palm trees at tropical trees sa daan. Marami ring mga bulaklak. Bulubundukin ang uri ng lupa roon. Maraming mga pagkakataon na umaakyat sa tila burol ang sasakyan, pagkatapos ay bababa rin, mayroon ding mga bangin at gilid ng bundok na nadaraanan. What fascinated her more was the hanging bridges. Hindi iilan ang nadaanan nila na hanging bridge. Mayroong mga sasakyan silang nalalampasan ngunit kapansin-pansin na walang sasakyan na nangangahas na mag-over take sa kanila. Marahil ay dahil sa bandila na nakakabit sa unahan at hulihan ng sasakyan, palatandaan na sasakyan iyon ng palasyo. Mayroon din silang nadadaanan na mga tao. Napansin ni Mikaella na hawig sa mga asyano ang pisikal na hitsura ng mga Dushianan. Matatangkad nga lang ang mga ito at mas darker ang balat na marahil ay dahil sa klima.

"Nagugustuhan mo ba ang mga nakikita mo?" narinig niyang tanong ni James. Sa gilid ng mga mata ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya.

"Oo," pag-amin niya.

"Nananalangin talaga ako na masiyahan ka rito, Mikaella. Na hindi ka mainip at malungkot."

"Hindi ko alam na maalalahanin ka pala," parunggit niya. Sa kabila niyon ay sisiniguro niyang hindi siya nakasimangot o hindi nakakunot ang noo. For the driver's benefit, of course. Mag-asawa sila at hindi lang iyon, kakakasal lang nila. Kaya nang akbayan siya ni James at hapitin pasandal sa katawan nito, sinikil niya ang sarili na tumugon ng bayolente.

"Marami kang hindi alam tungkol sa akin, sweetheart," halos bulong ni James sa tainga niya. Nang maramdaman ang mainit na labi nito sa kanyang taynga, natensiyon si Mikaella. Nabitin ang kanyang hininga at napakapit pa sa braso nito. Magkahalo ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Una ay gusto niyang sigawan si James sa pagkaasiwang hatid sa kanya ng ginagawa nito. Pangalawa ay gusto niyang luminga sa lalaki at... at salubungin ang pangahas na labing iyon. She wanted that hot lips on her lips, sucking and nibbling. She wanted his hand on her body, touching and caressing. Damn it!

Nang bumaba sa leeg niya ang labi ni James, bumaba rin sa hita nito ang palad niyang nakakapit sa braso nito. Natigilan si James. Hindi iyon sinasadya ni Mikaella. Pero nang maramdaman niya ang epekto sa binata ng palad niya sa hita nito, nakakita siya ng sandata na puwedeng gamitin. Humarap na siya kay James at nginitian ito, kasabay niyon ay humahaplos ang palad niya sa hita nito. Bagaman nag-iingat din na hindi masagi iyon.

"L-look, sweetheart. Ito ang pinakabayan ng Dushiana," ani ni James na itinuro ang dinaraanan nila. Halatang ginawa iyon ng binata para ibaling sa iba ang atensiyon niya. Natawa si Mikaella dahil doon, nakadama ng kasiyahan.

"Hey, sweetheart," matamis niyang sabi bago muling hinaplos ang hita nito. Nginisihan niya ito.

Umungol ang binata, bagaman mahina lang."Tumigil ka. Please," paos ang tinig na pakiusap nito.

Tawa nang tawa si Mikaella. At kahit na nga ba pinayagan siya ni James na makaagwat sa katawan nito, hinuli naman nito ang palad niya at hindi iyon pinakawalan. Hindi matagpuan ni Mikaella ang pagpoprotesta. Okay, ang totoo ay nadiskubre niyang gusto niya ang pakiramdam na magkasalikop ang mga palad nila. Para bang nagdudulot iyon sa kanya ng munting kiliti.



Thank you for reading. Paki- Vote na lang po. :)

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon