Part 5

13K 342 4
                                    


SUMAGAP ng hangin si Mikaella. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang kanyang hininga. Ang kanyang puwitan ay nasa gilid na ng silya. Wala na ang lalaki pero hindi pa kumakalma ang mga balahibo niya sa batok. O wala na nga ba ito? Hindi kaya nakatingin pa rin ito sa kanya?

"Mikaella, are you okay?" tanong ni Ynella. Maging si Ariana na tulad niyang nanahimik din ay napatingin sa kanya.

"Y-yeah. Huwag n'yo akong alalahanin." Pagkatapos ay inabot niya ang kopita ng wine at balewalang sinaid ang laman niyon. Sa gilid ng mga mata, nakita niyang nagpalitan ng sulyap ang mga kasama niya sa mesa. Sinikap niyang ibalik ang composure. Pero hindi na mapipigilan ang pagpe-play sa utak niya ng alaala nang gabing iyon...

"I have an idea. Crazy idea," sabi kay Mikaella ng kaibigan at katrabaho niya na si Jena. Nasa Singapore sila dahil sa conference na dinaluhan. Iyon na ang huling gabi nila sa Singapore at napagkasunduan na mag-happy-happy. Pumunta sila sa isang bar. Uminom at sumayaw. Sa totoo lang ay lubhang nagsasaya si Mikaella sa gabing iyon.

"Anong ideya naman iyon? Sabihin mo," aniya bago dinala ang bote ng beer sa bibig. Ang kanyang katawan ay bahagyang yumuyugyog, sumasabay sa magaslaw na tugtugin kahit na nakaupo lang sila sa kanilang mesa. Aware siya na lasing na siya.

"Well, gusto mong maging ina, 'di ba? Paano kung... makipag-one-night stand ka na lang? Pumili ka sa isa sa mga lalaki rito, pagkatapos ay sipingan mo." Natawa si Mikaella. "Huwag kang tumawa. Actually, magandang ideya nga ito, eh. 'Yong pera na dapat ay gagamitin mo sa pagbili ng sperms, gamitin mo na lang sa pagpapalaki sa magiging anak mo."

Tinitigan niya ito. "Seryoso ka ba diyan?" aniya pero hindi na nagulat. Jena was a liberated person. Makabago ang mga panannaw nito sa buhay.

"Duh!"

Inilinga ni Mikaella ang paningin sa kabuuan ng club. In all fairness, puroq guwapo lahat ng lalaking nakikita niya. O baka naman lasing lang siya kaya dinadaya na ng sariling mga mata? Hanggang sa mapako ang paningin niya sa isang partikular na lalaki. Matangakd ito at, oh, boy, napakaguwapo. Nakatitig din sa kanya. "Paano naman ako makakasiguro na malinis sila at malusog?"

"Mika, nalimutan mo na ba 'yong sinabi kanina ng isa nating collegue? She said this club is the playground of the rich and the famous. Tingnan mo nga ang mga guwapong iyan, mukha ba silang may sakit? God! Walang itulak-kabigin sa kaguwapuhan. Gusto ko rin ng ganyang genes para sa magiging anak ko. Wala pa nga lang sa plano ko na magkaanak. Hay..."

Humalakhak siya. "You're a devil. Ibinubuyo mo ako sa kasalanan," aniya bago muling sinulyapan ang kinaroroonan ng lalaki sa may bar. Hindi na ito nakatingin sa kanya. Hawak na ang cell phone habang sa isang kamay ay naroon ang isang shot glass. Muli niyang dinala sa bibig ang bote ng alak. Nakakaindak ang tugtugin kaya naman panay rin ang paggalaw ng kanyang katawan.

"I am a devil," nakangising sang-ayon naman ni Jena. "Besides, uuwi na tayo ng Plipinas bukas. Hindi na magsasalubong ang landas ninyo ng lalaking sisipingan mo."

"Ewan ko. Parang hindi ko kayang gawin." Pero natutukso siya. Kaya lang ay pkahit lasing na ay wala siyang sapat na lakas ng loob para mangharot ng lalaki at makipag-sex. Ano ba ang alam niya sa ganoon, eh, birhen pa siya?

"Pero sabihin mo, gusto mong gawin?" Hindi umimik si Mikaella. Pilyang ngiti lang ang ibinigay niya sa kaibigan. "Oh, come on, tell me! Ano, gusto mong gawin?"

"Well... Ikinokonsidera ko ang ideya," pag-amin niya. "Pero kilala mo ako. That's not my thing." Muli siyang sumulyap sa lalaki. Nakatalikod na ito sa kanya, marahil ay umo-order uli ng alak sa bar. Sa pagtingin sa malapad na likod nito at sa lalaking-lalaki na tindig, gumana ang imahinasyon ni Mikaella. In-imagine niya na hinahagkan siya nito, hindi lang sa labi kundi sa bawat sulok ng kanyang katawan. Naglaro sa isip niya na sinasamba siya nilg lalaki, inaangkin. She imagined him dominating her. Lumunok si Mikaella. Ang lahat ng mga sexy at bed scenes na napanood niya sa pelikula at nabasa sa mga libro ay nagkakaroon ng buhay sa kanyang imahinasyon. Sa pagkakataong iyon, siya ang babae at ang lalaki ay walang iba kundi ang lalaking gumising sa pilya niyang imahinasyon. Para bang nagwewelga ang mga sexual hormones niya sa sandaling iyon at humihingi ng kalayaan. Sa unang pagkakataon ay nakakadama ng pagnanasa si Mikaella. Matinding pagnanasa.

Kinalabit siya ni Jena. "Perfect siyang candidate, sweetie. Guwapo, matikas, exeptional ang genes. I bet he can drive you wild," anito na marahil ay nakita kung sino ang tinitigan niya. "Gusto mo ng pampalakas ng loob?"

"Pampalakas ng loob?" pag-ulit niya.

Ipinakita sa kanya ni Jens ang isang maliit na tabletas. "Hindi naman ito delikado," nakangising wika nito. "Napakaliit na dosage lang naman ang iinumin mo. Palalakasin lang nito ang loob mo at itatapon ang lahat ng hiya mo sa katawan. Parang alak lang na may matinding sipa." Tumawa ito sa huling sinabi. "Ano, gusto mo? Sinasabi ko sa ' yo, Mika, this thing is my friend. Gusto mo?"

Natagpuan niya ang sarili na tumatango. "Sige. Para sa baby ko."

"That's my girl!" tuwang sabi nito. "Paano, kanya-kanya na tayo tonight? Magkita na lang tayo bukas sa hotel? I'm so gonna enjoy this night, too!"

"Now ladies and gentlemen, let's have Mr. and Mrs. David Wilson on the floor for their very first dance as husband and wife."

Ang tinig na iyon ng emcee at ang masigabong palakpakan ang nagpabalik sa naglalakbay na isipan ni Mikaella. Ang masigabong palakpakan ay agad nasundan ng batingting ng mga kutsara sa mga baso. Hindi siya uma-attend ng mga kasalan pero napanood na niya ang ganong tagpo sa mga pelikula. Ang ganoong gawi ay para humiling sa bagong kasal ng halik. Nagpaunlak naman ang mag-asawa.

"To sing the couple's favorite song, here are our very own Sevastian 'Torch' Montelibano and his band, Infinity. Para po sa mga hindi nakakaalam, Sevastian was a student of Saint Vincent Academy for a year at naging classmate po siya ng ating bride."

Agad rumehistro sa pandinig ni Mikaella ang pangalang binanggit ng emcee. Sevastian Montelibano? Why, it sure does ring a bel. Hanggang sa maalala niya kung bakit pamilyar sa kanya ang pangalang binanggit. Kaswal na binato niya ng sulyap si Ynella. At ayon, huling-huli niya nang mabitin sa ere ang tangan nitong kutsara. Si Ynella at si Sevastian ay may nakaraan nga pala. Bagaman hindi niya alam ang kumpletong detalye kung papaanong nagtapos ang kuwento ng mga ito. Oh, paano pa ba niya pagtutuunan ng pansin ang buhay ng iba kung ang isipan niya ay okupado na ng mga problema niya sa kanilang bahay?

Pumailanlang ang awiting Can't Help Falling In Love.

"Oh, God. Kahit iyan na lang ang mabingwit ko," sabi ni Lucy, isa din sa mga kamag-aral nila noon at pinsan ni Daisy. "Puwedeng-puwede na sa akin si Sev."

"Sevastian," agad na pagtatama ni Ynella. Naroon ang pag-angkin. Paano ay noon pa man ay ito lang ang tumatawag ng Sev kay Sevastian. Sev-love pa nga yata ang endearment nito sa lalaki. Hindi siya sigurado.

Sinulyapan ni Mikaella ang katabing si Ariana. Si Ariana ang mayaman sa kanilang grupo. Dati pa ay napagkakamalan na itong snob dahil sa pagiging mayaman. Pero hindi ganoon si Ariana, bukod sa galante, napakabait nito at maalalahanin. Naaalala ni Mikaella, noon kapag nag-iisa siya ay nilalapitan siya nito. Wala itong sasabihin, tatapikin at pipisilin lang ang balikat niya sa paraang nagsasabi na naroon lang ito kung sakaling kailangan niya ng kausap. Ngayon kahit ukopado rin ang isipan ay napansin niya na bagaman ngumingiti at nakikipag-usap si Ariana ay malungkot ang mga mata nito. Hindi iyon ang mga mata ng Ariana na kilala niya. Para bang, may nagpabago sa mga mata ng babae. Sa ilalim ng mesa ay inabot niya ang palad nito at marahang pinisil, katulad ng ginagawa nito sa kanya noon. Sumulyap si Ariana sa kanya at ngumiti.

Tumikhim si Ariana. "Mabuti at naisipan ni Daisy na kuhanin ang banda nila?" pasimpleng tanong nito kay Ynella. Obvious na pati ito ay nakakahalata sa tensiyong nadarama ng kanilang kaibigan. "Or ikaw ang nag-suggest sa mag-asawa?"

"No. And trust me, wala din akong idea kung paano niya nakontak ang mga iyan. That's not part of the program, actually. Last minute ko na lang nalaman ang tungkol sa pagbabago na iyan," tugon ni Ynella.

Kung kailan naho-hook na si Mikaella sa usapan at nawaglit na sa isipan ang tungkol sa lalaki, saka naman para itong nananadya na dumaan sa mesa nila, muling kinukuha ang kanyang atensiyon. Nakangisi pa ang hudyo.

Oh, hell!

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon