Part 11

11.4K 300 1
                                    


PALAKAD-LAKAD si Mikaella sa sala ng condo unit ni Jena. Usapan na talaga nila iyon na doon siya tutuloy pagkatapos ng pakikipagpulong niya kay James para mapag-usapan agad ang sunod nilang hakbang.1

"Kumalma ka nga. Nahihilo na ako sa kapaparoot-parito mo," saway sa kanya ni Jena. "Come here. Maybe this drink can calm your nerves."

Nang sulyapan niya ang kaibigan, nakita niyang nasa likod na ito ng bar at nagsasalin ng alak sa dalawang kopita. Lumapit siya roon at inukupa ang isang high stool. Tinanggap niya ang alak. "That man was terrible, I swear!" Handsome, yeah, but terrible!

Natawa si Jena. "Sabihin mo nga, gusto mo pa rin bang magkaanak?"

"Yes! Anak lang. Walang asawa."

"Eh, 'di kunin mo na ang chance na ito. Kapag magkasama na kayo sa malayong lugar na iyon, I'm sure as hell na may mangyayari sa pagitan ninyo..." Nakadama ng pag-iinit ng mga pisngi si Mikaella. Ngumisi si Jena. "Admit it, my dear, physically attracted ka pa rin sa kanya. Hindi magiging labag sa loob mo kapag... you know, may mangyari sa inyo. Like the first time. Tutal naman kamo, eh, nangako siya na hindi ka na niya guguluhin kahit kailan at balak na niyang mag-migrate sa ibang ibansa. Sa palagay ko nga ay pabor pa sa 'yo ang sitwasyong ito."

Napaisip si Mikaella. In fairness, may punto ang kaibigan niya. Parang biglang kumalma ang nagwawala niyang damdamin.

"So, dapat akong pumayag? At sa loob ng isaang buwan na iyon ay kunin ko ang mga pagkakataon na may maganap sa pagitan namin?" Ang alaala nang gabing iyon ay muli na namang gumitaw sa kanyang isipan. Bigla ay nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan niya habang pumapasok sa isip kung gaano kakisig si James de Andrada. Shit! Nagtatrabaho na naman ang imahinasyon ko.

"Mikaella..."

Napalunok siya. "A-ano nga uli iyon...?"

Isang makahulugang ngiti ang ibinato sa kanya ng kaibigan. "Sabi ko, pumayag ka. Mag-file ka ng indefinite leave sa trabaho pagkatapos ay sumama ka sa kanya. Ituring mo na lang na isa iyong misyon. Misyon para magkaanak. Dapat na win-win situation ang kalabasan nito. Magiging matagumpay ang project ni James para hindi ka na niya guluhin pa. At ikaw, dapat na mabuntis ka."

"P-paano kung... p-paano kung ma-inlove siya sa akin?" aniya, hindi isisantabi ang posibilidad na iyon. "Kapag nangyari iyon ay baka hindi niya tuparin ang sinabi niya na maghihiwalay na kami ng landas."

"What if it's the other way around? Paano kung ikaw ang ma-in love? Paano kung ikaw ang ayaw bumitiw in the end?" mabilis na tugon ni Jena. Sa kislap ng mga mata, halata na kanina pa nito iyon naiisip. "Iyon lang naman ang nakikita ko na puwedeng maging problema sa panig mo."

"Hindi mangyayari iyon," siguradong sagot niya. "Kung papayag man ako, dahil lang iyon sa kagustuhan kong magkaanak."



"MIKAELLA..." sabi ng baritonong tinig ni James sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya. "Hindi ko inaasahan na tatawag ka rin agad..."

Nilingon ni Mikaella ang kaibigang si Jena. Binigyan siya nito ng nang-eenganyong tango. "Mapanghahawakan mo ba ang sinabi mo na titigilan mo na ako pagkatapos?"

"Yes," tugon nito. "Ibig bang sabihin ay pumapayag ka na?"

"Sa palagay ko wala akong ibang choice kundi ang tanggapin ang alok mo ng 'kapayapaan', 'di ba? Dahil kapag tumanggi ako, giyera ang aabutin ko. And I don't have the means to win that war. So, sabihin mo, ano'ng plano?"

"Pwede ba akong pumunta diyan? Para mapag-usapan natin ito nang harapan?"

"Hindi. Sabihin mo na ngayon kung ano ang mga dapat gawin," matigas niyang sabi.

"Mikaella, sweetheart, hindi puwedeng ganyan ang tono mo sa akin kapag nasa harap nila tayo."

Don't call me sweetheart! Huwag mo akong tawagin ng ganyan dahil tila nagpapandanggo sa ilaw ang mga tainga ko kapag naririnig kong binibigkas iyan ng labi mo patungkol sa akin! "Of course. Marunong akong umarte. Kung ang kapalit din lang naman ay panghabang-buhay na kapayapaan, 'di ba?"

"Very well. Dual citizenship— Filipino at American—ang hawak ko, actually lately mas nananatili ako sa America kesa dito sa Pilipinas kaya nga plano ko na ring doon na talaga bumase. Anyhow, puwede tayong sa US magpakasal—"

"Magpakasal?" kunot-noo niyang tanong. "Kailangan nating magpakasal nang totoo?" pag-ulit niya para malaman ni Jena ang sinabi nito. Nahilot ni Mikaella ang kanyang sentido.

"Yes. Kailangang may kasalang maganap. Just in case they look for the documents. Hindi ko naman maatim na lokohin sila sa isang marriage certificate na resulta ng pangha-hack."

Sumimangot ang dalaga. "Hindi mo sila kayang lokohin pero ako kaya mo? You're a jerk!" singhal niya. Sinagot lang iyon ni James ng tawa.

"Huwag kang mag-alala, sa US tayo magpapakasal dahil sa divorce. Para mas mapadali ang paghihiwalay natin pagkatapos. Napakahaba kasi ng proseso ng annulment dito sa Pilipinas. Pabor iyon sa atin pareho. Kumpleto ka naman sa travel documents, right? Passport, I mean."

"Y-yes. May passport ako."

"Good. Ako na ang bahalang kumuha ng visa mo. May mga kilala akong tao na makakatulong sa akin para mas mapabilis ang release niyon at para mabigyan agad tayo ng marriage license. About your work..."

"Ako na ang bahala sa mga maiiwan ko."

"How about your mother? Ipapaalam mo ba sa kanya?"

Of course not! Labas dito ang inay niya. "At ano ang sasabihin ko? Na kailangan ko itong gawin dahil pinagbabantaan ako ng isang lalaki? Hindi niya kailangang malaman ito. Sasabihin ko na lang na business trip ito."

"Ikaw ang bahala."

"Siguruhin mo lang na tutupad ka sa usapan, James, dahil kung hindi lalabanan talaga kita. No matter what it takes."

"Sinisiguro ko sa 'yo na tutupad ako sa sinabi ko. Mikaella, maayos mo ba ang lahat ng maiiwan mo sa loob ng isang linggo? If, yes, pupunta na tayo sa Nevada sa Lunes para makapagpakasal. Pagkatapos niyon ay lilipad naman tayo papuntang Dushiana."

"Got it. Tatawagan na lang uli kita. Bye." Pinutol niya ang tawag na ni hindi ito nakasagot.

t

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon