Part 34

11.1K 337 3
                                    


"TINITINGNAN ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Mikaella kay Jena patungkol sa mga taong nakakasalubong niya na tumitingin sa kanya. Tinawagan siya ni Jena kagabi at nagsabing samahan diumano niya ito ngayon sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Mikaella kundi ang pumayag. Sinundo siya ni Jena bandang alas-diyes ng umaga. Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five star hotel. Ngayon ay iginigiya siya nito sa isang hallway na hindi niya alam kung saan patungo.

Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ng hospital ang inay niya. Higit sa lahat, nakadalaw na rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung papaanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Tila ba sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao. Kung mayroon mang natitira sa puso niya, iyon ay ang lungkot. Lungkot dahil hindi pa rin nagpapakita sa kanya si James. At lalo niya itong nami-miss. Lalo siyang nangungulila rito. Hindi tuloy niya alam kung papaano sasabihin sa binata na handa na siyang tanggapin ang pag-ibig nito. Hindi niya alam kung papaanong sasabihin rito na magkakaanak na sila. Na mahal niya ito. Come on, Mikaella, kapag gusto ay maraming paraan. Ano'ng silbi ng cell phone mo? Tawagan mo siya. Or better yet, puntahan mo siya. Pagkatapos ng mga natuklasan mo, sa palagay ko ay deserve niya na sa pagkakataong ito ay ikaw naman ang dapat na gumawa ng unang hakbang, sabi ng isip niya. Hindi. Hindi isip niya ang nagsalita kundi ang puso niya. At sumang-ayon sa mga iyon ang dalaga. Nakapagdesisyon na siya, pagkatapos dito ay tatahakin na niya ang daang magdadala sa kanya kay James, sa kanyang kaligayahan. Bibigyan niya ng tiyansa ang mga damdamin nila. Bibigyan niya ng tiyansa ang magpakailanman nila.

"Of course titingnan ka nila. Why, you're lovely. Minus your sad eyes, you're perfectly noticeable. Hard not to look at," tugon ni Jena.

Nakasuot siya ng kulay-asul na bestida na above the knee ang haba. Isang flat na sandalyas ang ipinares niya roon dahil mula nang madiskubre niyang buntis siya ay doble-dobleng ingat na ang ginagawa niya, kasama na roon ang pagsusuot ng mga sapatos na may matataas na takong. Isang simpleng relo ang tanging alahas niya sa katawan. Habang hinayaan niyang nakalugay ang kanyang buhok. "Hindi. May rekognisyon sa mga mata nila, eh. Para bang kilala nila ako."

"Kung ano-ano ang nai-imagine mo." Nang makarating sila sa isang malaking pintong kahoy, tumigil si Jena sa paglalakad. "Mauna ka na sa loob, may tatawagan lang ako."

Tumaas ang kilay niya. "Ano ba ang gagawin natin doon?"

"You'll see. Sige na." Hindi na siya nakapagprotesta nang dali-dali na itong umalis.

Napailing-iling na lang si Mikaella. Ano ba kasi ang drama ng kaibigan niya? Might as well figure it out. Marahang itinulak niya ang malaking dahon ng pinto. Habang pumapasok,una niyang napagtuunan ng pansin ang nakalatag na red carpet sa kanyang paanan, pagkuwa'y pumasok sa pandinig niya ang mahihinang kuwentuhan. Nag-angat siya ng mukha. At hindi niya napigilan ang pagsinghap sa nakita. Dahil ilang beses na rin namang nakapunta sa mga exhibit, alam niya na isang exhibit ang kinaroroonan niya. This, apparently, is a photo exhibit. Pero bakit kinakabahan yata siya?

Dahan-dahang humakbang papalapit si Mikaella. Muntikan na siyang matapilok kahit na flat sandals ang suot niya nang pakiramdam ay tumuon sa kanya ang paningin ng lahat ng tao roon. Nang makalapit siya sa isang larawan at tuluyang makita iyon ay nilukob ng kung anong lamig ang katawan ni Mikaella. Natigagal siya sa nakita. May babae sa larawan. Nakasandal ito sa isang estante, nakasalamin, may hawak na libro at binabasa iyon. And that woman in the picture was no other than Mikaella herself.

"'Sorry'. Iyon ang sabi ng tinig ng isang babae na bumangga sa akin sa isang bookstore. Her voice was a bit husky and sexy. Nakuha niyon ang atensiyon ko kaya sinundan ko siya ng tingin..." pag-alingawngaw sa taynga niya nang sinabing iyon ni James sa kanya sa burol.

"Oh, my God..." nausal ni Mikaella. Sa isang iglap ay bumalik sa isip niya ang araw na magkita sila ni Daisy sa isang bookstore kung saan natatandaan niya na may nabangga nga siya at sinabihan ng 'sorry' nang hindi tinitingnan. Umusal lang siya ng sorry nang hindi tinitingnan ang nabangga niya pagkatapos ay umiwas na siya.

"Her hair was tied in a bun. Nakasuot ng reading glass. Matangkad ito. Balingkinitan ang katawan. Maganda ang tindig. She was beautiful. And so engrossed with what she was doing. Ni hindi man lang siya aware na may nakatitig sa kanya. Na may mga matang sumusunod sa bawat galaw niya..." tila dinadala ng hangin ang mga katagang iyon ni James sa kanyang tainga. Umaalingawngaw iyon at tila echo na bumabalik muli.

Mabilis na sinulyapan niya ang iba pang larawan. Karamihan ay hindi na full-body picture. Mayroon na lang litrato ng mga mata, ilong, labi, ngiti... Tila tumigil sa pag-inog ang mundo habang isa-isa niyang sinusulyapan ang bawat larawan.

"S-sino siya?"

"My first love."

Natutop ni Mikaella ang kanyang bibig. Siya ang tinutukoy ni James sa mga sinabi nito? Ibig bang sabihin ay minahal na siya noon pa man ni James? Ni hindi man lang pumasok sa isipan niya na siya ang tinutukoy ni James sa sinabi nito. Nakadama pa nga siya ng selos para sa babaeng iyon. Nalimutan na niya ang araw na iyon. Ipinapaalala lang ng mga litratong ito.

Pagkuwa'y natawag ang atensiyon niya sa isang litrato. Litrato niya. Nakapokus iyon sa kanyang mukha. Doon ay nakapikit siya na para bang natutulog. Ang buhok niya ay nakasabog sa puting unan. Her lips was a little sore but there was a hint of smile in it. Natutulog man, mukha siyang masaya at kontento. And yes, very beautiful. It was as if she had fallen asleep after making love to the man she love. Sabi nila: The picture says a thousand word. Maaaring tama nga iyon. Dahil sa bawat litrato ay naroon ang mga mensahe.

Habang tinitingnan niya ang mga litrato ay patuloy rin sa pag-alingawngaw sa kanyang tainga ang mga sinabi ni James. "Nagtagpo uli ang mga landas namin. One fateful night, she gave me her innocence. And I totally lost my heart. Lost to her. She was gone when I woke up. Nakawala siya na hindi pa rin nalalaman ang damdamin ko. I can't move on. Her memory keeps on hunting me. Sa bawat lugar na dinaraanan ko, na pinupuntahan ko, ay palinga-linga ako. Hoping I'll see her face in the crowd. Para akong tanga. Umiibig ako sa isang babaeng hindi ko kilala."

Kung ganoon ang litratong iyon ay noong gabing iyon? Noong may mangyari sa kanila ni James sa Singapore. Pati mga pictures niya sa Dushiana ay naroon. Pinahid ni Mikaella ang luhang naglandas sa mga pisngi. Parang hindi niya makakaya ang natuklasan. Akala niya ay malaking rebelasyon na ang malamang sa Singapore pa lang ay minahal na siya ni James at minanipula nito ang pagsama niya sa Dushiana. Ngayon, nasa harapan niya ang patunay na bago pa man mangyari ang one-night stand sa Singapore ay mahal na siya nito. Wala siyang kaide-ideya na ang lalaking pinagbigyan niya ng sarili ay nagmamahal pala sa kanya. Ang lalaking ngayon ay mahal niya at magiging ama ng kanyang anak. The revelation was making her dizzy. Parang gusto niyang tumakbo at umalis. Para siyang sinisilihan, hindi siya mapalagay. Tumalikod siya at handa nang tumakbo palayo...

Subalit bumangga siya sa isang solidong katawan. "S-sorry," sabi niya bago mabilis na tumalilis. Pagkuwa'y natigil siya sa malalaking paghakbang. "'Sorry'. Iyon ang sabi ng tinig ng isang babae na bumangga sa akin sa isang bookstore..." sa kung anong dahilan ay umalingawngaw muli ang mga salitang iyon sa tainga niya. Noon, hindi siya lumingon kaya hindi niya nakita kung sino ang kanyang nabangga. At ngayon, may tinig sa kalooban niya na nag-uutos sa kanya na lumingon siya at alamin kung sino ang kanyang nabangga.

Ginawa niya. Dahan-dahan siyang lumingon. At nakita niya si James...

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon