Part 22

10.2K 304 0
                                    


"WOW!" MALAKAS na bulalas ni Mikaella habang nakatunghay sa tanawin sa ibaba. Nasa pinakamataas na lugar sila sa Dushiana, at mula roon ay halos matatanaw na ang kabuuan ng bansa.

Mula sa likuran ay pumulupot sa kanyang katawan ang mga braso ni James. Sumandal naman siya rito. Dalawang linggo pa ang matuling lumipas. Halos hindi niya iyon namalayan. Siguro ay dahil sa magandang samahan na meron sa pagitan nila ni James. Masaya siya sa bawat paglubog ng araw at excited sa bawat pagsikat muli niyon. Hindi pa siya naging ganito kasaya at kainspirado. Ngayon lang. "Napakaganda..."

"Mas maganda ka pa rin," bulong ni James. Humagikgik siya. Iniangat niya ang palad at dinala sa pisngi ni James. He welcomed her caress and ask for more, mas inilapit pa nito ang pisngi sa kanyang palad.

"Ikaw ay—" Natigilan siya nang maramdaman ang pagpatak ng butil ng tubig sa kanyang balat. Tumingala siya.

"Dininig ang mga dasal nila."

"What?" nalilitong tanong niya, pagkatapos ay nanlaki ang mga mata nang maalala ang mga local farmers na pinuntahan nila kanina. Nagsasayaw ang mga ito sa saliw ng mga instrumentong lumilikha ng tunog na para bang nasa gitna ka ng gubat; iyong tunog ng huni ng ibon, ng ihip ng hangin, ng pagaspas ng mga dahon, ng mga sangang nababali, ng ulan, at kung ano-ano pa. Isang tradisyon umano para humingi ng ulan para maibsan ang panunuyo ng kanilang mga bukid. "Oo nga! Oh, my God! Oo nga!" Kinilabutan siya habang sa isip ay nagpe-play ang mga pagsasayaw at pagtugtog na ginawa ng mga farmers.

"See? Kapag taimtim na nagdasal at humingi ka sa Kanya, ipinagkakaloob Niya."

Humiwalay siya kay James. Ibinuka niya ang mga braso, tumingala, at hinayaang pumatak sa kanyang mukha ang ulan. Hindi naman siya inabala ni James. Nangalay siya sa pagtingala. When she opened her eyes, ang malamlam na mga mata nito ang namulatan niya.

"Parang ikaw. Ipinagdasal kita sa Kanya. Hiningi kita sa Kanya..." anito bago pinahid ang kumpol ng mga tubig na nasa mukha niya. Bago pa siya maka-pagreact ay nasa labi na niya ang labi ni James. They kissed under the rain, walang pakialam kung tuluyang mabasa. Yakap naman nila ang isa't isa at sapat na ang init na isinisingaw ng kanilang mga katawan para hindi sila ginawin. Electricity flowed within her and at the same time she felt like she was flying.

Nang pakawalan ni James ang labi niya, idinikit naman nito ang noo sa kanyang noo, nananatiling yakap siya. Ang tubig-ulan ay tumutulo mula sa dulo ng buhok nito. "Can we make it last forever, Mikaella?" usal nito na nagdala ng kilabot kay Mikaella.

Sa loob ng ilang sandali ay nanigas siya. Para bang biglang natunaw ang mga ulap na nilalakaran niya at nagyon ay bumubulusok na siya paibaba. "A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"Be mine forever. Marry me."

Nanlamig si Mikaella. Para siyang tinamaan ng kidlat sa narinig. Para siyang ginising mula sa isang panaginip. Isang magandang panaginip.

"'Yong totoong kasal. Walang divorce o annulment pagkatapos. 'Yong panghabang-buhay. Be my wife, Mikaella."

Kumawala siya rito. Humakbang palayo.

"Mikaella..." tawag ni James, may bahid ng pagdaramdam.

"G-gusto ko nang umuwi," malamig niyang sabi.

sciiTG2@

The Start Of Forever (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon